Timezone Lovestory

6 1 0
                                    

Naglalaro kami ng kaibigan kong si Kayla ng may dumating na lalaki. Kamukha nya si Jiyong! Si GDragon! Oh my G! Ewan ko kung paano nagsimula pero ang sumunod dun tinutulungan nya na kaming mag-operate ng laro, hindi kasi kami marunong ng mga kasama ko. Hahahaha!

Nagulat na lang din ako sa mga sumunod na minuto sya na ang kalaro ko. Ilang oras din kaming naglarong dalawa. Pinapapalit ko yung dalawa kong kaibigan pero ayaw ng mga bruha at nagselfie na lang! Hiyang hiya ako nun kasi yung level ko pang beginner, sya expert na. Odabuuh! Kahiya.

Hindi ko alam kung bat sya lumapit samin una pa lang. Ayokong mag-assume ng mga bagay pero hindi ko mapigilan. May tumulong na din samin ng kaklase kong lalaki noon doon din sa larong yun pero hindi ko inisipan ng kung ano. Pero ito kasing ngayon hindi ko mapigilan mapaisip.

So, ayun nga hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit nya kami nilapitan ng mga kaibigan ko para tulungan pagkatapos nyang mag cr. Siguro nakita nya kaming parang mga taga-bundok kasi mali ang ginawa namin sa pag-ooperate nung game. O type nya isa samin? O matulungin lang talaga sya? O dahil makakalibre sya ng laro? Hahahaha!

Inayos nya yung game. Yung sabay na kaming dalawa. Yung una kasi kaming dalawa ng kaibigan ko ang naglalaro pero hindi tugma yung nilalaro namin kumbaga hintayan ng turn ganun which is mali. Hahaha!

Nung kami nang dalawa ang naglalaro, ang bait bait nyang kausap. Tinuturuan nya pa ako kung pano ang easiest way at tamang gawin sa laro. Tinatanong nya kung gusto ko ba ng mabilis. O kung nababagalan daw ba ako sa laro ko kasi yung kanya sobrang bilis e. Tapos meron pa dun yung sabay kaming tatapak sa arrow, titignan nya pa ako.

"Oh my gosh Kuya! Wag mo akong tingnan."  sa isip-isip ko. Hahaha!

"Ganto kasi, pag umapak ka sa isang arrow wag mo munang tanggalin para mas madali. Tignan mo para ka lang sumasayaw." Ang sabi nya habang nakatingin pa sakin.

"Ahhh. Uhmm. Ok." Paksheeet. Parang ang shunga shunga ko.

Tumingin ako sa dalawa. Hoy! Wag kayong magselfie dyan! Kayo naman dito, matutunaw na ako! Pinandidilatan ko sila kasi hindi ko na ma-take si Manong Jiyong. Hahaha!

Habang tumatagal nag-iimprove na ako. Pero pakonti na lang ng pakonti ang credits. Merong isang beses tumigil sya, pinanood nya na lang ako maglaro mag-isa. Ang result? FAILED.

Bat pa kasi kailangan nyang manood? Ano ako? Trainee nya? Titignan nya ako kung nag-iimprove ba sa mga tinuturo nya? Nakakatunaw kaya. Nanginginig yung mga tuhod ko.

Nung bagong game na, ang sabi ko sa kanya "Kuya, laro ka na din. :)" Kasi hindi ko ma-take na pinapanood nyo ako. Hahahaha!

Tumakbo ang mga oras. Napagod ako. Naubos na ang mga credits namin ng kaibigan ko na kami lang ni Manong Jiyong ang lumaro. At gumabi na. May curfew pa naman ang isa sa kaibigan ko. Sadly, hanggang 7 lang sya. Ang aga pa.

Nagswipe ng panibago si Manong Jiyong at nagulat ako niyayaya nya ulit akong maglaro?!

"Laro ka ulit." Hindi tanong yan ha. Utos yan. Hahaha!

"Bakit kuya? Nag-enjoy ka bang kalaro ako? O wala ka lang talagang kalaro? O tuturuan mo lang ulit ako? Ano baaaa?!" Srsly?

"Uhm. Teka lang kuya, hihinga muna ako. Hahaha!" Hindi ka ba napapagod Manong Jiyong?

"Ellah, gabi na." Time na.

"Uhh? Huh? Teka. Paalam na tayo kay Kuya." Noooo.

"Tanungin mo yung pangalan." Gusto ring malaman ng kaibigan ko! Hahaha!

Nag-iisip pa ako, "Hmmmm. Di na tayo nakapagpaselfie. Sayang. Hahaha!"

"O, tara dali picturan ko kayo!" Omg. Ako lang?!

"Tara uwi na tayo." Hindi ko na tinanong yung pangalan. Hindi na din ako nakipagselfie. Kinuha ko na lang yung wallet ko.

"Uhm. Kuya! Uwi na kami. Bbye. Thank you! :)"

Tumango sya at nagwave ng kamay at at at ngumiti!

"Tara na?" Sabi ko sa mga kaibigan ko.

"Ay wait!" Tumakbo ako pabalik.

Kinuha ko yung Timezone card ko, nakalimutan ko pala. Nandun pa din sya. At may mga babae sa likod nya.

Tuturuan mo din ba sila?

Timezone LovestoryWhere stories live. Discover now