From Crush To Love

82 2 4
                                    

 From Crush To Love...

by:missrein8

A/N:Sana po magustuhan nyo.. :) Enjoy reading !

 

Highschool life is the best, ika nga. Dyan mo daw mararanasan kung gaano kasaya ang buhay ng isang teenager.May saya, may lungkot, may mga problemang darating, at may mga taong bigla na lang darating nang hindi mo inaasahan.

 

First Day High...

Hayy !!! 

Parang wala namang kwenta ang highschool. Namimiss ko na yung mga friends ko nung elementary. Pati yung crush ko, miss ko na din. Hindi na tuloy ako makakasilay. Ang boring pala.

May ilan naman akong friends na classmate ko since elementary. So far, so good naman. May mga times na puro tawanan, tuksuhan, puro trip pero hindi o pa rin maiwasang balik-balikan ang yung mga masasayang alala ko nung elementary ako. Lalo na yung crush ko. Feeling kko nga mas  masaya pa ang elementary life kesa highschool life. 

Pero..

Feeling ko lang pala yun.. *_*

Dahil isang araw...

Hindi ko akalain na may darating na tao na babago sa pagtingin ko sa highschool life.

When I Met him...

Habang papunta kami sa room namen, may nakasalubong kaming guy. Nung nakasalubong namen sya, napa nganga kaming lahat. As in ganito ... O_O

Panu ba naman may nakasalubong kaming isang gwapong nilalang. Maputi, gwapo, at may katamtamang height. Pero parang may kamukha sya sa isa sa mga classmates namen. Hanggang sa makarating kami sa room namen, hindi pa rin kami makab get-over sa nakita namen. Hehe ! :) Lalo na yung isang friend ko na crush na daw nya yun. Eh ako naman, parang wala lang saken yung nakita ko. Hindi pa naman kasi ako yung tipong magkakagusto agad sa kanya. 

Then isang araw, nalaman namen na kapatid pala sya ng classmate namen. Kaya pala magkamukha sila. Itago na lang natin sya sa screen name na MR.26. Nalaman din namen na same lang pala kami ng classroom. Yun nga lang, pang umaga silang mga 2ndyear tapos pang hapon naman kaming mga 1styear. At dahil nga crush sya ng friend ko, sinasamahan namen sya sa pagsilay. Hinihintay namen syang lumabas kapag uwian na nila tapos ayun, tuwang tuwa yung friend ko. Ganun lagi ang routine namen araw araw.

Hanggang sa isang araw,

feeling ko crush ko na din sya. Ewan ko ba kung panu nangyari yun. Kasi minsan bigla bigla na lang napipicture sa utak ko yung mukha nya. Ilang gabi ko na din syang iniisip. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang nagyayari yung mga bagay na yun. 

Hanggang sa narealize ko na crush ko na pala sya. Wala sana aong balak sabihin yun kay CT(yung friend ko na may crush din sa kanya.). Baka kasi magalit sya saken eh. Ayoko naman na mag away kami. Kaya kay Jm ko na lang sinabi. Friend ko din sya. Ang crush naman nya, yung friend ng kuya nya which is classmate ni MR.26. Ang galing noh ?

Back to the topic, sinabi naman ni JM kay CT.

Tapos ayun, nalaman na ni CT. Buti naman at hindi sya nagalit saken. Ang OA ko lang talaga. Sabi nya ok lang daw kasi crush lang naman daw nya yun. No hard feelings involved. Tapos ayun na, naging routine ko na din yung pagsilay ko sa kanya araw araw. Makita ko lang sya kahit saglit lang, tuwang tuwa na ko. Buo na agad ang araw ko. Napapangiti ako ng wala sa oras pag naaalala ko yung time na nakita ko sya. Lalo naman yung time na kung minsan, napapatingin sya saken. :) At syempre, lalo akong sinisipag pumasok. Tapos habang tumatagal, palalim ng palalim yung nararamdaman ko sa kanya. Tapos nalaman na ng lahat ng classmates ko. Minsan nga pag nakikita or nakakasalubong namen si MR.26, lage nilang tinatawag. Minsan, mas nauuna pa silang kiligin kesa saken.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From Crush To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon