"Uy, Bakit ang laki ng tigyawat mo? tanong ni Manong Arnold isang driver sa company na pinapasukan ko.
Napahawak naman ako bigla sa aking noo. Sabay ikot ng mata sa kanya. Ang aga aga binubuwisit ako ng matandang iyon akala mo talaga napaka pogi. Hindi ko maiwasan mapangiti ng makita ang kanyang ulo na kumikinang na parang bunot.
"Si Raphael ba pumasok?" inis na tanong ko sa katrabaho ko.
"Bakit miss mo na agad ang boyfriend mo?" tanong ni John. Narinig ko naman na nag hiyawan yung mga ka trabaho ko kaya hindi ko na lang pinansin.
"Sino boyfriend niya si Raphael akala ko ba si Lilian." Hindi kona napigilan ang sarili ko na hindi magsalita. "Sir baka ma late mga pasahero mo." Nakita kong tumalikod siya siguro napansin niya ang oras dahil mag alas nuwebe na ng umaga.
Sinimulan ko na ulit ang ginagawa ko. Ang dami kong na purchase order dahil sa bagong mga project. Tapos gagawa pa ako ng report ng boss ko. Napahinto ako sa computer dahil bigla ko na namang naalala si Raphael ano bang meron sa lalaki na yon. Simula kasi ng nagtext siya sa akin at sinabing crush niya ako. Naiilang na ako sa kanya.
"Hoy! Mae kanina ka pa tawag ni Sir," sigaw ni John sa akin. Napakamot ako sa ulo at kunwaring inayos ang aking kwelyo. Tumingin sa akin ang Boss ko at may pinagawa lang sa akin na report.
Sa araw araw ganito lagi ang routine ko sa trabaho ang mag purchase order tapos gagawa ng report. Napa buntong hininga ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagod. "Uy si Raphael kanina pa nandiyan hindi mo manlang kinakausap." Napalingon ako kung sino yung nagsalita. "M-may kailangan ka?" tanong ko kay Raphael. Nakita kong inayos niya ang kanyang buhok tapos bigla siyang nagsalita. "K-kasi Ma'am may deliver kanino ba itong project?"
"Patingin nga." Sabay hablot ko sa kanya ng resibo. "John materyales mo dumating na." Tumahimik na ako tapos pinagpatuloy yung ginagawa ko. Ewan ko ba pero pag nakikita ko siya kumukulo talaga yung dugo ko.
"Girl, bakit mo naman ginanun si Raphael haha. Alam mo ba ang lagkit ng tingin niya sayo."
"Ewan ko hindi ko naman nakita."
"Paano mo makikita eh! ang sungit mo sa tao tapos hindi mo man lang pinansin." Nagkibit balikat na lang si Heya.
Feeling ko tuloy na konsensya ako sa kanyang sinabi. Bakit naman ako maaawa eh yung Raphael na yon hindi nga siya naawa sa akin.
"Lunch na tara na at bumili. Hindi ka ba nagugutom?"
"W-wait mga two minutes." Tinaaas ko ang kamay ko hudyat na sandali lang.
Nang makabili ng pagkain ay nilapag ko agad ito sa table. "Napakabilis naman ng oras," bulong ko sa sarili.
Nang matapos kumain ay tinapos ko ulit yung ginagawa ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na tapos na pala ang break time namin.
Narinig kong gumalaw yung pintuan kaya napatingin ako banda don. Si Raphael na naman tinaasan ko siya ng kilay. Pagkatapos ay tinanong ko kung bakit? Hindi niya man lang ako pinansin.
napahiya ka ba?" Narinig ko ang paghalakhak ni Heya.
"Buwisit ka!" Kinurot ko siya sa kanyang braso.
Habang busy ang lahat sa kani kanilang trabaho ay parang nabuhayan ako bigla ng tumunog yung bundy clock. "Nakakagulat naman ang tunog niyan." Wala man lang pumansin sa sinabi ko.
Hindi ko maiwasan ang huminga ang malalim. Sanay akong tahimik pero hindi ako mapakali kapag walang ingay na kahit konti.
Kinuha ko ang resibo na binigay ni Raphael kanina. Pinagmasdan kong mabuti tapos napansin kong may nakasulat na to be follow. Naalala ko bigla yung pending na Invoice.
"John patawag ako," Kinulbit ko siya.
"Sinong tatawagan mo?" tanong niya sa akin.
"Si R-raphael," inis na wika ko sa kanya. Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si John kay Joel. Bigla silang nagtawanan kaya hindi ko maiwasan na umasim ang aking mukha."Uy bati na sila ng boyfriend niya," rinig kong bulyaw ng isa kong ka trabaho. Binigay sa akin ni John ang phone niya pagkatapos ay nag dial agad ko ng number.
"Hello Raphael! pwede mo bang tawagan tong supplier itanong mo kung kailan mabibigay yung Invoice na pending." Napansin kong tumahimik si John at Joel mukhang nakikinig sa pinag uusapan namin ni Raphael eh!
"Ma'am wala kaming telephone dito," wika niya sa kabilang linya.
"Bakit wala?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam ma'am eh!"
"Eh di magpakabit ka ng phone," wika ko sabay tawa sa kanya.
"Ano ma'am?"
"Wala! bye na nga," paalam ko sa kanya at mabilis na pinatay ang phone. Mabilis ko itong binalik kay John kaya naisipan ko na lang mag good receipt sa system na ginagamit ko.
"Mae," narinig kong tawag ni Sir kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Tumayo agad ako at nagtungo sa opisina ni Sir. "Pakigawa yung report natin." Tumango lang ako sa kanya.
"Gagawa na naman ng report," bulong ko sa sarili. Minsan nga hindi kona matapos yung iba kong trabaho kasi puro report na lang ni Sir ang ginagawa ko.
Pinagpatuloy ko ang pag good receipt at pa minsan minsan ay sumisilip sa cellphone. Inayos ko muna ang mga dokumento na nasa lamesa pagkatapos ay isa isa yong tinago sa envelope.
"Uwian na!" sigaw ni Helga. Napatingin ako sa kanya habang iniling ang ulo. Sa tuwing sumasapit ang ala singko lagi na lang siya ganyan eh! "Kumilos na kayo bayad pa ba ang isang minuto nyo," aniya. Inangat kona agad ang aking bag. Mabilis akong naglakad patungong gate 1. Kailangan kong makarating sa metro rail transit bago mag ala sais.
Mabuti na lamang at hindi mahaba ang pila kaya nakarating agad ako sa cubao. Nang may makita akong jeep. Mabilis ko naman itong hinabol. "Buwisit ang hirap sumampa sa jeep," wika ko sa sarili. Naiinis na talaga ako kapag etong palda na to ang suot ko.
Kaya ng may dumaan ulit na sasakyan ay tinaas ko agad yung palda para hindi ako mahirapan pag sampa. Pagod na pagod akong umuwi sa bahay dahil na rin sa traffic.
Naramdaman ko agad na nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad ito sa bag. 15missed call from Raphael.
"Bakit kaya siya tumawag?" tanong ko sa sarili. Nag vibrate na naman ang phone ko at nakita kong tumatawag na naman siya kaya pinatay ko agad yung data. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ng lalaking 'yon o sadyang pinagtitripan lang niya ako.
