dota o gf?

215 7 3
                                    

"GG na sir!"

"haha grabe ang lakas mo naman Jason!"

"Haha nu ka ba lumakas lang ako adhil sa support ni  Kirby"

"Hehe salamat pre!"

"eh teka diba monthsary niyo ngayon ni rose?"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ako si Kirby, dota player ako para sa iba malakas daw kaya naman nasisiyahan ako sa paglalaro nito. Girlfriend ko si Rose, mahal ko naman siya pero tulad ng tropa ko mas pinapahalagahan namin ang dota dahil dito......" 

"si dota nag iisa lang sa mundo, si GF napakarami nyan

"si GF iiwanan ka din nyan, si dota Hindi

Si GF nagagalit kapag nagdodota ka, si dota hindi nagagalit kapag nag GF ka

si Dota 20 pesos lang masaya na, si GF baka 200 pesos baka di pa masaya

pagnakakita ka ng ibang hero, di nagagalit si dota

pero pag nakakita ka ng ibang babae, nagagalit si GF

si GF kapag iniwan mo mahirap kang balikan, si Dota kapag iniwan mohanda ka pa ring tanggapin"

"Ngunit ito rin ang nagdulot ng pinakamalaking pagsisisi sa aking buhay"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ako si Rose, 11th Monthsary namin ngayon ni Kirby. Inaasahan ko na pupuntahan niya ako sa bahay namin dahil magkapitbahay lang naman kami. Gabi na hay nako san na naman kaya nagpunta un? nagdota na naman cguro! Di man cya nagtext o tumawag sa akin. hay minsan nakakasawa rin pero pinagtitiisan ko nalang cya dahil mahal ko naman cya eh haha harot! "

"Nagtext nalang ako sa kanya at natulog nalang ako"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ako si Kirby. Pinaalala sa akin ng kaibigan ko na mansari nga pala namin ngayon ni Rose. Nagdota kami kaya hindi ko ito naalala. Nakatanggap ako ng text galing kay Rose na "Happy 11th Monthsary I love You next time celebrate naman natin ah anniversary na natin nun eh ^_^"

"Sobrang naguilty ako kaya naisipan kong puntahan at haranahan ko cya bukas" 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ako si Rose. Sobrang saya ko nang pag gising ko ay nakatanggap ako sa kanya na pumunta ako sa puno na meeting place namin lagi. Sobrang kinilig ako dahil pagpunta ko dun ay hinaranahan niya ako ng Sorry na by parokya ni edgar <3. Nagsori cya sa akin na hindi namin nacelebrate ang mansari namin kahapon kaya bumawi cya ngayon. Buong araw kami magkasama at super sweet namin :)))"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako ang narrator haha XD. Naging maayos naman ang pagsasama nila Kirby at Rose. Minsan ay nagtatampo nga si Rose dahil sa pagdodota ni Kirby pero hindi na niya ito pinapahalata dahil ayaw niya ng gulo. Pero gustong bumawi ni Kirby dahil sa nagawa niya noong 111th mansari nila kaya gagawin niyang special ang anniversary nilang dalawa.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ako si Kirby. Anniversary namin ngayon ni Rose kaya plano kong gawin itong special para sa amin para makabawi man lang ako sa kanya. Bumili ako ng dalawang VIP tickets sa Star City at binigay ko ito sa kanya para maenjoy namin ang araw na ito. Sobrang saya namin dahil sumakay kami ng maraming rides. Nakayakap cya sakin dahil sa takot nang dumaan kami sa _. Magkatabi rin kaming sumakay sa maraming rollercoasters. At nagka-1st kiss kami ni rose nung sumakay kami sa ferris wheel." 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ako si Rose. Sobrang saya ko ngaung araw na ito dahil andami kong mga 1st time hihihi :). 1st anniversary namin ni Kirby, 1st time namin pumunta sa Star City, at 1st nagka-1st kiss ako ngayon :D. Bago Umuwi ay sinabi ko kay Kirby na mahal nan mahal ko cya at dapat ganto ulet next monthsary namin dahil sabi nila malas daw sa 13 kya kinakabahan ako na baka malas ang 13th monthsary namin. Sabi niya na wag daw ako maniwala sa mga malas at nangakong magiging masaya ang mga susunod na monthsary namin :) "

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Narrator ulet ito hehehe. Ngayong buwan na ito ay halos puro dota na naman ang inatupag ni Kirby. Tulad ng dati nagtatampo na naman si Rose ngunit hindi siya nagsasalita. May naghamon kayla Kirby ng pustahan sa Dota kaya sobrang excited cya dito at mas lalo pa clang naglaro para maging handa sila sa araw ng pustahan nila.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ako si Kirby. Sobrang excited ko ngayon dahil 1st tym ko ngayon na makipagpustahan sa dota. Nagtext sa akin si Rose na magkita kami mamaya sa meeting place namin at nireplyan ko na maaglalaro lang kami ng isang game. Sobrang saya ng laban namin at nanalo pa kami. Nagyaya pa ang mga tropa ko na maglaro pa kami kaya nag extend pa kami ng tatlong oras. Pagkatapos ng laro namin ay nakita kong maraming text sa cellphone ko. Lahat ay galing kay Rose kaya pinatay ko nalang ito para kunyaring lowbat ang cellphone ko. Hanggang sa pag-uwi ko ay mukhang malungkot ang magulang ko. Sabi nila sa akin na tumawag sa kanila ang mga magulang ni Rose at wag akong mabigla...."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ako si Rose. Tinext ko si Kirby na magkita kami as meeting place namin. Mula 1pm pa ako nandun pero hanggang 6pm ay wala pa rin si Kirby. Nakailang text na rin ako sa kanya pero hindi niya sinasagot. Hay nako nagdodota na naman cguro cya. Naisipan ko nalang na umuwi. Pero kahit na mahal ko pa rin naman cya eh kaya papatawarin ko nalang cya ^_^.  Habang dumadaan ako sa kalsada ay naisipan kong itext cya...."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Anak wala na si Rose..... 

" Ako si Kirby. Napaiyak ako ng marinig ko sa magulang ko na nakagasaan si Rose. Agad kong binuksan ang cellphone ko at mas lalo akong naiyak. "

Nasan ka na?, Babes hinihintay kita nasan ka na ba?, Kirby nagdodota ka pa ba?

"At mas naiyak ako sa pinakahuli niyang text"

Kirby pauwi na ako ah Happy 13th Monthsary I love you! next time nlang nten icelebrate para di pa masira promise mu saken ^_^

"si GF iiwanan ka din nyan, si dota Hindi

Si GF nagagalit kapag nagdodota ka, si dota hindi nagagalit kapag nag GF ka

si Dota 20 pesos lang masaya na, si GF baka 200 pesos baka di pa masaya

pagnakakita ka ng ibang hero, di nagagalit si dota

pero pag nakakita ka ng ibang babae, nagagalit si GF

si GF kapag iniwan mo mahirap kang balikan, si Dota kapag iniwan mohanda ka pa ring tanggapin"

"Yan nga ang sabi nila kaso iba ang nangyari as akin. Mas inuna ko ang dota kaysa sa babaeng tunay na nagmahal sa akin. Binalewala ko ang pagmamahal niya at ngayon hindi ko na ulet ito mararamdaman."

"Ang Dota ay hindi ka pwedeng iwan, hindi yan mawawala .... pero ang GF maaari yang mawala sayo."

"Kung sana mas inuna ko si Rose kaysa Dota. Kung sana mas minahal ko cya. Kung sana mas iningatan ko ang babaeng nagmahal sa akin ng lubos. Edi sana nandito pa rin cya ngayon T_T" 

"At ito ang naging pinakamalaking pagsisisi ko sa buhay"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

dota o gf?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon