Last Chance (Alyden OS)

1.3K 42 6
                                    

-Dennise Michelle Lazaro-

Hanggang ngayon nalulungkot parin ako, hanggang ngayon nagluluksa parin ako, hanggang ngayon umiiyak parin ako tuwing naaalala ko ang nakaraan, ang nakaraan naming dalawa, tuwing naaalala ko siya sinasabi ko sa sarili kong 'kamusta na kaya siya'

"Ate? Okay ka lang ba?" Sabi ng kapatid kong si jus.

"Oo naman. Okay lang si ate." Sabi ko sabay ngiti ng pilit sa kanya.

"Ate. Move on na. 1 year na kayong wala ni ate alyssa."

Natigilan ako sa sinabi niya. 1 year na pala ang nakalipas. Pero, andito parin ang sakit. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng magkahiwalay kami,

Si alyssa valdez ang babaeng pinakamamahal ko. Sobra pa nga sa buhay ko eh. Pero hindi ko alam kung bakit biglang nanlamig ang lahat, okay naman kami kaso ewan ko nawala nalang ang lahat.

"Jus, punta ko sa Mall later sama ka?" Tanong ko sa kapatid ko

"Hindi na ate. Pabili nalang ako bagong libro." Sabi niya.

Pumunta nako sa cr. Maliligo muna ako. Bibili ako ng bagong make up, lipstick, and? Undies.

Paglapat ng tubig sa katawan ko. Biglang may pumasok na moment sa isipan ko. Yung moment na sabay pa kaming naliligo ni alyssa. Yung mga kamay niyang dumadapo at sumasayaw sa katawan ko. Yung mga halik niya sa leeg ko. Yung mga malalambot niyang labi. Yung first time kong naranasan ang sarap ng pagmamahal dahil sa kanya. Yung mga pag indayog ng katawan ko kasama siya. Yung sakit na masarap, yung.

"Ate?!"

"Ay palaka! Jus ano ba?!" Sigaw ko mula sa loob ng cr. Nasa kalagitnaan nako eh. Lokong bata ito ah?

"Umuungol ka na kasi diyan. Kala ko nalulunod kana." Sabi ni jus.

Ganun naba ako kalunod sa pagiisip at napapaungol na ako sa pananaginip ng gising?

"Ate? Labas na ako. Okay ka lang diba?" Tanong ng kapatid kong halatang nagaalala sa akin

"O-Oo baby jus. Okay si ate." Sabi ko nalang.

Naudlot ang aking pagiisip. Nagmadali nakong magsabon ng katawan at magshampoo ng buhok.

Paglabas ko sa cr. Naalala ko nanaman yung first time namin ni alyssa. Ganito yun. After namin magpakainit sa cr lumabas kami at dumiretso sa kama ko para gawin yon.

"Ate! Ano ba. Day dream ha." Sabi ni jus na nasa pinto at naka ngiting aso.

"Hindi. Isara mo nga yan at mag bibihis nako." Sabi ko. Panira talaga itong batang ito.

Pagkasara ng pinto. Umupo ako sa gilid ng kama. Miss ko na siya. Pero. Wala eh. Hindi ko rin alam ang nangyari sa amin e.

Nagbihis na ako. Black vans shoe, maong short, at bleed blue na tee.

"May date ka ba?" Tanong ni mama pagkababa ko palang

"Wala ma. Bibili lang ako sa mall." Sagot ko.

"Oh sige, mag ingat ka ha?" Sabi ni mama.

"Opo" hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na ng bahay.

Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa mall.

Nagiikot ikot lang ako at nakita ko na yung bibilan ko ng make ups ko.

"Hi mam. ano pong kailangan niyo?" Tanong sa akin ng saleslady

"Makeups at lipstick lang miss." Sabi ko.

"Okay mam. Sumunod po kayo sa akin."

Sumunod ako sa kanya at nakakita ako ng madaming color ng lipsticks.

Last Chance (Alyden OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon