Bully.
According to Oxford Languages, bully is a person who habitually seeks to harm or intimidate those whom they perceive as vulnerable.
According to Collins Dictionary, a bully is someone who often hurts or frightens other people.
According to Urban Dictionary, somebody who hurts others either physically, mentally or emotionally. They can ruin a persons life, just to make themselves
According to Britannica Dictionary, someone who frightens, hurts, or threatens smaller or weaker people.
At marami pang ibang kahulugan ng salitang "Bully". Kung hindi man kayo satisfied sa mga kahulugan na nailagay ko riyan sa itaas ay maaari kayong magsaliksik sa Google o alin sa inyong ginagamit.
May nakikilala na ba kayong bully na mabait?
Ako kasi, oo.
Nauunawaan ko kung mahirap paniwalaan. Ako rin naman, eh. Hindi rin ako makapaniwala na may mabait pala na bully. Akalain mo 'yun?? Nang-aaway, nang-aapi, nanakit sa kaniyang kaaway pero tumutulong naman pala sa ibang kapuwa?
Ang gulo, hindi ba?
Para sa iba...
Ha? Bully na mabait?? Malabo ata 'yun! Ang sama-sama nga ng mga bully tapos mabait? Baliw ka ba?!
Pero para sa akin...
Oo! May kakilala akong bully na mabait. Ang hirap paniwalaan, hindi ba??
Kailan pa nagiging mabait ang bully?? Nababaliw ka na ba? Pinagsasabi mo d'yan!
Nagsasabi ako ng totoo.
Subalit ayaw nilang maniwala... Bahala na...
Hindi ko alam kung bakit nang-bu-bully ito ng kapuwa mag-aaral pero tumutulong naman pala sa mga nangangailangan? Ano'ng klaseng utak mayroon siya? Kung sana pinairal niya ang pagiging mabuti niya 'e 'di sana marami na ang gustong kaibiganin siya. Marami na ang magmamahal sa kaniya. 'E 'di sana mahuhulog na ako sa kaniya. Pero wala, eh. Hindi ko siya maintindihan.
Ngunit ang ipinagtataka ko lang... ba't nahuhulog pa rin ang loob ko sa kaniya? I mean... hindi ko siya gusto at alam ko 'yon. Pero parang nagdedesisyon 'tong puso ko, eh. Kainis.
BINABASA MO ANG
Sadness in His Eyes
Teen FictionMatapang naman ako pero bakit nawawala ang lakas ko kapag natitingnan ko ang mga mata niya? Hindi ko alam na para bang may nakaukit roon na siyang dahilan kung bakit hindi ko siya kayang saktan. Hindi ko nauunawaan ang aking nararamdaman ngunit tila...