Ako si Kate Filipino... Yes Filipino talaga apelido ko. 18years old. At dito nag simula ang lahat ...
***
Grabe! Wala na bang mas iinit pa dito sa Pilipinas? Halos ma-lechong manok na mga tao dito.
Pauwi na ako galing SM Manila. Ang hirap palagi sumakay dito ng jeep, parati kasing punuan. Yung iba nga kung maka-singit sa pila akala mo hindi na makakauwi.... Sakto habang konti palang ang tao dito may dumating na isang jeep na walang pasahero, Agad naman na akong sumakay. Pumwesto ako malapit sa pintuan 2nd to the last ba.
Hindi na hinintay ng driver na mapuno ng pasahero ang jeep niya, dahil iilan lang kami na naka-abang. Kaya umandar agad si kuya. Bigla naman itong huminto noong may sasakay na isang lalaki .. Sumakay siya sa row ng inuupan ko pero nasa bandang likuran ng driver, kaya malayo.
Nakasuot siya ng red t-shirt at black jeans (nuxx). Habang tinitignan ko siya, Bigla naman siyang lumingon. At nahuli niya akong naka-tingin sa kanya.(patay!)
Hindi ko na siya muling tinignan pa, mahuli nanaman niya ako niyan. Hindi siya yung tipong mala-James Reid o Zayn Malik na lalaki pero...mukha talaga siyang Hayy! Speechless na ako. Mapapanganga ka nalang kapag tinitigan mo siya. Para siyang gentleman kapag tinignan mo. For short love at first sight (landii!). Haha
Huminto ulit ang jeep dahil may sasakay na isang matanda na may hawak na tungkod, pero may kasama siyang boy para taga alalay niya. Medyo nahihirapan ang matanda. Kaya't tinulungan siya ng katabi ko na lalaki sa kanang side ko. Nakita ni Mr.Pogi yung matanda kaya't umusog siya sa tabi ko at tinulungan din ang matanda ( Mr.Pogi? Nickname lang Haha Landi). Matulungin naman pala din tong si Mr.Pogi. Haha, atleast magkatabi na kami (malandudut!).
-----
------Pisti traffic pa, Gusto ko nang umuwi... Biglang bumilis ang andar ng driver kaya napa-sandal si Mr.Pogi sa akin. Inch by inch we're moving closer. Yung mga ganitong eksena sa jeep madalas mangyari sa akin, wala naman nangyayaring maganda.
Malapit na rin akong bumaba, Siguro wala na talagang pag-asa na mag kausap kami nitong katabi ko. If it's meant to be, It will be.
Bumaba na ako sa jeep, Nang makarating na ako sa destinasyon ko. Medyo binibilisan ko ang lakad ko dahil gabi na't walang nang masyadong tao at madilim pa. Mahirap na baka ano pang mangyari sakin.
Habang naglalakad ako , Napapansin ko na parang may sumusunod sa akin sa likod, Kapag lumilingon naman ako, wala namang tao. Madilim lang na kalye. Medyo natatakot na ako ahh.. Wag nila akong lokolokohin. Hindi sila nakakatuwa,kung sino man sila.
Nang maka daan na ako sa maliwanag na daan, Lalo ko nang binilisan baka mamaya kung ano pa mangyari sakin..lalo na't ako lang magisa.
Nang medyo malapit na ako sa bahay. Biglang may sumitsit sa likod ko kaya napasigaw ako ng malakas.
Pero laking gulat ko nang tignan ko kung sino ang nasa likod ko..Si Mr.Pogi sa jeep. Nagtaka naman ako
" Uhm..Miss nahulog mo pala tong phone mo sa jeep kanina pagka baba mo ..oh" at sabay bigay ni Mr.Pogi sa akin
"Ayy! Nako salamat ahh..buti nalang nakita mo"sabi ko.
"Ayy wala yun btw ako nga pala si Miguel" sabi niya.
" ahh..Kate,Kate Filipino" sabay labas ng kamay para makipag shakehands.(damoooves).
"Sige ahh una na ako,anong oras na rin kasi ehh..Nice meeting you"sabi niya
"Ahh sige salamat nga pala ulit ..ingat ka"sabi ko
At naghiwalay na kami..Sayang hindi ko man lang nalaman yung apelido niya.
-----_----_---_--_-_--_---_----_-----Nakahiga ako ngayon, nagpapahinga iniisip parin si Miguel( malandudut). Haha.. Nang inopen ko ang phone ko biglang lumabas ang contacts at may naka save na number....OMG! Wag niyang sabihin binuksan niya phone ko para isave yung number niya(keleeeggg!)
Tinry kong itext yung number at nag reply agad siya..Hindi ako nagkamali..si Miguel nga....
- - -After 1 year naging kami na ni Miguel...It takes time ..
Kung mahal mo ang isang tao. Wag mong madaliin na maging kayo agad. Mas gusto niya na gumagawa ka ng effort para malaman niya kung gaano ka kahalaga sa kanya.
~~~~~~~Thanks! Ang weird ng ending..pero chaar chaaar sana nagustuhan niyo...
Vote and comment☺☺☺ paki-share narin po sa mga mababaitMwah!😘
BINABASA MO ANG
Jeepney love story(one-shot)
Teen FictionHindi siya yung tipong James Reid o Zayn Malik na lalaki pero....