Medyo ok na ako, pero masakit pa rin.
Nagkakatext na kami ni Troy. I'm still doing my best to make us the old us; sweet, clingy, and happy.
Hindi ko madedeny ang ka-cold-an sa'kin ni Troy. Para nya na akong pinapatay ng dahan dahan. The way he says Iloveyou to me, hindi na tulad ng dati. Kapag naga-imissyou ako sa kanya, he'll say missyoutoo instead of Imissyoutoo. Yun ang sobrang masakit don, eh. Kasi the way na sinasabi niya sa'kin yung mga bagay na yun, hindi ko na maramdaman. Wala nang feelings.
Isang mabigat na buntong hininga nalang ang naisagot ko sa mga iniisip ko. As a normal teenager, I must be busy thinking about school!
And yeah, about school, dahil sa tinamad akong pumasok last sem (second sem nung school year 2014-2015), I was dropped sa lahat ng subject ko nung sem na yon! And wait, there's more! I started smoking cigarettes too! My family knew about it at buti hindi ako ginulpi. Tuloy, dito ko sa Ate ko nakatira, may family na sya at ang anak nya ay si Paul, 6 yrs old. Paul rin pangalan ng Dad nya.. Si Kuya dito rin nakatira, kasama ang asawa nyang si Ate See, ay may anak nang si baby Iya. 2 yrs old. That baby girl's soooooo cute!!! Ugh. Proud Tita here!!
So yeah back to my studies, they decided to transfer me in a cheaper, note: cheaper, school than my past school. And the worst thing?! Babalik ako ng 1st year. But of course alangang hindi ako mag-aral?! 4 years lang naman daw yan, edi go! Basta makatapos na ko para yumaman na ko at maging free!!!
I smiled about that thought. Pero ng maalala kong galit sakin ang Kuya ko dahil di na raw ako naawa kay Mama, I frowned. He's the sweetest brother I've ever known.. Promise. Pero ngayong galit sya sakin? He never talked to me after knowing what happened to my grades. Stupid girl, Angelique.
I realized na, ang tanga tanga ko na talaga. Shit lang! Stupid daughter. Stupid sister. Stupid girlfriend!
"Ba't di nalang ako mamatay. Wala akong kwenta." I voiced out. Pft. Andito ako sa labas ng bahay. Nakaharap ako sa bahay namin ay nakaupo sa may bermuda grass, nilalaro yung flowers na hindi ko alam ang pangalan.
"Yan ka nanaman Angelique e."
Nagulat ako at napalingon bigla.
"King!! May lahi ka bang kabute?! Sulpot ka ng sulpot! Ugh!"
Nakakainis tong lalaking to, alamoyon?! Ugh. Panira ng moment.
"Sa gwapo kong 'to? May lahi akong kabute? You're a good joker! Hahaha"
Dun uminit ang ulo ko, sungalngalin ko kaya to?!
"Ginagago mo ba ako?"
Sabi ko habang nakatitig ng masama sa kanya. Nagiba mood ko bigla! Ang yabang!
Nawala ang ngiti sa mga labi nya at saka sumeryoso bigla.
"Hey, listen. Chill. Okay, I'm sorry. Hindi ako nagyayabang or what. I just wanna make you laugh. Wag mong ilugmok ang sarili mo ng dahil sa kanya. Kahit na kasalanan mo pa yan, he's irreplaceable. Maraming lalaki ang nagkakandarapa sayo, maganda ka kasi at pinapakita mo kung ano ka talaga. And that's what makes you beautiful, Angelique. Maaaring malandi ka pero lahat ng tao malandi. Ikaw, unique ka."
I don't know but suddenly nagulat ako ng bigla akong tumayo at naglakad papunta sa kanya. Nagulat ako at maski sya.
Kasi niyakap ko sya. And then, my tears just started to fall again.
"Thank you, King. Kahit hindi tayo masyadong magkakilala at kahapon nga lang ng magkakilala tayo e, ineencourage mo ako. Akala ko I'm the worst. Pero thank you for those words.. It really helped me."
He's a good friend. Tho walang nagsabing friends na kami. Pero automatic na yon! Grabe naman kung hindi.
Sana lahat ng lalaki, tulad ni King.. Sana pareho nalang sila mag-isip ni Troy.
Napahigpit yung yakap ko sa kanya ng maalala ko nanaman siya. Bumuhos na lalo yung mga luha ko. Hindi pa nga pala ako okay. At parang matatagalan pa ako bago ako maging okay.
Hinahaplos ni King ang likod ko at pinatong nya ang baba nya sa balikat ko. He's quite taller than me.
"Sige lang, iiyak mo lang yan. Time heals, Angelique. Kung hindi man kayo ang para sa isa't isa, accept it. Kasi yun lang yung key para mabuksan mo ung lock ng kinaroroonan mo ngayon. Bilanggo ka e. Bilanggo ka sa thought na hindi mo kayang mawala sya. But you really can. You can live without him. Nasanay ka lang na nandyan sya. But you can live without him."
Sa mga sinabi nyang yon, napahagulgol na ako. Ba't kailangan kong masaktan ng ganito? This is the first time na nasaktan ako ng gan'to. Oo, I've been broken too nung bata pa ako. Like highschool. Kasi di ako crush ni crush ko. Mga ganun lang. E ngayon?! The hell, he's my boyfriend and i'm his, well, stupid girlfriend.
I cried so hard with the realizations..
Kung hindi man kayo ang para sa isa't isa, accept it.
Hindi ko kaya..
"Hindi ko ata kaya, King." I said then he lifted my head and cupped my face.
Kung titignan, sobrang landi ng eksenang ito. New friend then gan'to kami?! Pero kasi, he's helping me. He's like a doctor who helps me because I'm dying.. I'm dying inside.
"Kaya mo yan. Kayang kaya mo." Then he smiled and hugged me once again saka bumitaw.
I can say na, he's amazing. He's so kind.. Yun lang sapat na to describe him.
Ngumiti sya sa akin at pinisil nya yung ilong ko atsaka ngumiti.
"Wag ka nang umiyak ulit ng dahil dyan ha? Tama na, oras na para bumangon ka at magsimula ng bagong chapter sa buhay mo."
Napangiti ako sa sinabi ni King. Tama sya e. Pero parang ayoko maniwala. Ayoko kasi di ko pa kaya. Pero kaya ko naman ata e. Ano ba talaga?!
"Tama ka King.. Kaya ko to. Lalaki lang yan." Then we both laughed. Napatitig ako sa kanya. Saka ko lang narealize na ang gwapo pala nya talaga. Naguumapaw sa handsomeness! Hahaha. OMG #landipamorekayakanasasaktaneh
Parehas kaming nagulat ni King nang sumigaw ang Mama nya mula sa veranda ng kanilang bahay.
"Yes naman Anak! May pag-ibig ka na agad?! Holding hands pa more! Hahahaha"
Shit! Parehas kaming napatingin sa mga kamay namin at sabay na napabitaw.
"Sorry!" At sabay pang nasabi iyan. Natawa nalang tuloy kami.
"Pumasok ka nga dito King at ipakilala mo yang kapitbahay nating dinediskartehan mo." Ang cool ng Mama ni King. Parang teenager. Haha. Pero nagblush ako sa sinabi ng Mama nya. Landi ng hormones ko.
"Ma ano ba!!" Napatawa ako sa reaksyon ni King at nakita kong nagblush sya. Bakit kaya? Hahaha nahiya siguro.
"Tara sa bahay Angelique, si Mama kasi e. Ok lang ba? Sorry ah. Nakakahiya!" Sabi nya habang nagkakamot ng buhok. Cool. Natawa tuloy ako sa reaksyon nya.
"Oo. Haha tara!" At pumasok kami sa bahay nila.
Dear Baby,
Hi mahal. Miss na talaga kita. Lalo na ung dating ikaw, dating tayo.. Sana ung pagintindi mo, parang kay King nalang rin. Edi sana nagkakaintindihan na tayo. Edi sana di ako nalulugmok ngayon. Edi sana masaya pa tayo ngayon.. Baby ang sakit e, pero kung di man tayo para sa isat isa, handa na akong pakawalan ka.Buti nalang, andyan si King para iencourage ako. :)
xx, Angelique.