One shot.

2 1 0
                                    

'Inhale, Exhale.'

Pheww, I'm tired physically and mentally. Dumagdag pa ang mga chakang yun.

"Tumigil na nga kayo!!!"I shouted. Effective naman kase bigla silang nawala sa paningin ko.

And now the train passengers are looking at me.

"Baliw na ata", rinig kong bulong ng matandang babae.

Saktong tumigil na ang tren at nag unahang lumabas ang mga pasahero.

"Nakakunot nanaman ang noo mo, Payatot", a whisper coming from my back that sent shivers down to my spine.

Humarap ako sa kanya at nakita ang mukha niyang naka ngisi.

Nagsimula na akong maglakad palabas. "Wag mo akong simulan, Kulot."

He just chuckled at sumunod na sa'kin palabas.

Nang makalabas ay sinimulan nanaman akong tuksuhin ni Kulot.

"Ngingiti na 'yan, yiiieee.'Pag nakasimangot ka nagiging kamukha mo si Lola." sabi niya sabay tawa.

Natawa ako kaya hinampas ko siya, nang muntikan na akong matumba.

'Hindi ko nga pala siya mahahawakan.'

Tumawa lang siya at nauna nang maglakad.

Gusto ko si Kulot, hindi ko alam kung pano pero ang alam ko gusto ko siya. At isa siyang kaluluwa. Kaluluwa na pagala-gala dahil wala siyang maalala pagkatapos niyang mamatay at may pangako siya na kailangan niyang tuparin, pero hindi niya maalala. Ang tanging alam namin ay namatay siya sa isang aksidente.

' 'pag ang pangakong 'yun natupad na mawawala na siya dito sa mundong ibabaw', naalala ko pa ang sabi ng manghuhula.

I just shrugged it off at umuwi na.

Everyday same routine, gigising ng maaga, sasakay ng tren papuntang school, maiinis sa mga chakang kaluluwa, uuwi, makikipagkulitan kay kulot.

"Payat, hula ko hindi ka nanaman kumain ng agahan."

Nirolyohan ko siya ng mata.

"Hula ko rin, galing ka nanaman sa bahay ni Inay Martha."

Tumawa siya. "Tama, pinahula ko kung kailan darating ang taong magpapasaya sa'yo. Ayokong nakikita kang laging nakasimangot."

I felt butterflies in my stomach, he's too caring. A smile build up on my lips pero binawi ko din kaagad, baka malaman niya na gusto ko siya.

"So, ano sabi? Parating na daw ba ang Prince charming ko at siyang mag aalis ng abilidad kong makakita ng mga chakang multo?", I joked. He didn't laugh.

"Ayaw mo na sa'kin?", he pouted.

"Eme eme lang beh." I laughed.

'Ayoko talaga sa'yo Kulot, kase Mahal kita.'

"Pero seryoso Payat, kumain ka lagi sa tamang oras, wag ka magpapalipas ng gutom."

"Opo, Lolo Kulot." ngumiti ako.

"Bilang kuya-kuyahan mo, concerned ako sa kalusugan at pagkatao mo. Kaya kung ayaw mong magaya sa' kin, pahalagahan mo buhay mo ha, ang hirap na kahit nasa kabilang buhay ka na mararamdaman mo parin na may kulang na parte sa buhay mo." ayan nanaman siya sa 'kuya-kuyahan' term niya.

"Sige, kuya. Una na ako." I know his suffering, 'pag naglalakad bigla na lang siyang iiyak. Maybe it's a promise to his lover, siguro nga may 'the one' siya nung buhay pa at may pangako sila sa isa't isa.

Maybe, I should help him for real this time? Bilang kapalit ng pagsagip niya sa buhay ko nung una kaming magkakilala.

Sabado ngayon, walang pasok kaya naman nagpaalam ako kay lola na may pupuntahan ako.

For LoveWhere stories live. Discover now