16

136 7 0
                                        

Mag kasama kami ni Patricia sa site kung saan mag ka sama kami sa project namin.

Kasalukuyan na inaayos ko na ang gamit ko dahil sabi ni Patricia ay isasabay na daw ako nito pauwi.

Habang nasa daan kami ay napunta ang usapan namin sa 2nd birthday ni baby Denise.

"Parang kailan lang ng nag 1yr old si Denise"
"Sinabi mo pa napaka hyper mas hyper pa sa mga kuya at ate niya minsan nga sumusuko na ako sa kakulitan minsan gusto ko ng paluin"

Natawa kaming parehas, nakaramdam ako ng inggit sa puso ko dahil alam mo sa sarili ko may kulang ako.

"Spoiled sa Daddy ba?"
"Ay sinabi mo pa"

Hanggang sa nakarating kami sa tapat ng apartment ko.
"Patricia thank you sa pag hatid"
"Wala yon saka iisa lang naman ang way"
"Again thank you see you on monday"

"Athena what if punta kayo bukas sa bahay para maka pag bonding na din tayo puro na lang tayo trabaho time to relax na din"
"Sige punta na lang kami ni Ethan bukas sige ingat ka sa pag uwi"
"Bye see you tomorrow"

Nang wala na ito ay saka lang ako pumasok sa loob pag ka bukas ko ay ang anak ko na busy sa pag lalaro.

"Anak dito na sa Mama"
"Mama may pasalubong ka po?" Agad na tanong nito.
"Sorry anak hindi nakabili si Mama hinatid kasi si Mama ni Nang nang mo"
"Ok po Mama"
"Ano ba gusto ng anak ko?"
"Mama gusto ko po ng brownies"
"Sige order na lang si Mama anak para after ng dinner may dessert ka ayon lang ba ang gusto ng anak ko?"
"Mama cookies po"

"Ok sige order si Mama oh sya ligpitin mo na ang toys mo mag papalit lang si Mama ng damit"

Agad akong pumasok sa kwarto at nag palit bago ako lumabas ay nag order na ako online.

Kinabukasan maaga kami nag ayos na tatlo, ang anak ko naman ay excited na makalaro ang mga pinsan nito.

"Mama hindi pa po tayo aalis?"
"Saglit lang anak malapit ng matapos si Mama"

Nang matapos ay agad akong lumabas nakita ko ang dalawa na nanonood.

"Mama aalis na po tayo"
"Yes anak, Janice yung baked macaroni?"
"Ayos na po Ate"
"Sya tara na nasa labas na ang grab"

Agad kaming lumabas ako na ang nag lock ng pinto.

Ilang minuto lang nakarating na din kami agad sa bahay nila Patricia.

"Mama bilis po"
"Eto na ikaw talaga" natatawang sabi ko.

Pag ka kita samin ng guard ay agad na pinag buksan kami.

"Good morning ma'am Athena"
"Ikaw talaga Kuya Joel Athena na lang po"
"Oh sya pasok na kayo, oh Pare kamusta?"bati nito kay Ethan
"Ayos lang po Kuya"
"Pasok na kayo"
"Thank you Kuya"

Habang nag lalakad papasok na pansin ko na may ibang sasakyan mukang may bisita sila Patricia.

Pag pasok namin ay agad kaming nakita ni Elisa.

"Andito na po pala kayo bilin po ni ma'am Patricia deretso na lang daw po kayo sa garden"
"Thank you Elisa"
"Ate dito na lang ako kay Ate Elisa"ani Janice
"Ok no problem"

Kaya dumeretso kami sa garden andoon nga sila at may ibang mukha akong nakita, hindi ko alam kung tutuloy ba ako o hindi dahil may bisita ang mga ito.

"Athena andito na pala kayo"
"Patricia mukang may bisita kayo mukang wrong timing"
"It's ok let's go" aya nito sa amin.

Nakahawak sa akin ang anak ko dahil siguro nahihiya din sa bagong muka na andito.

Pag labas namin ay agad na lumapit si Benedict pag ka kita kay Ethan.

"Ethan swim na tayo"
"Baby later na lang mag swim si Ethan ha"ani Patricia
"Ok Mommy"
"Patricia hindi ba nakaka hiya sa bisita niyo?"
"Wag kang mahiya teka pakilala ko kayo"
"Patricia wag na nakakahiya" pero hindi ako nito pinansin.

"Tito this is architect Athena Hernandez my friend and this little boy my nephew and my inaanak"
"Finally na meet din kita Athena"
"Sir?"
"I'm Charlie Geronimo"

Hindi ko alam na ito pala ang Daddy ni Liam

"Nice to meet you po Sir"
"Don't call me Sir call me Tito and you kiddo call me Lolo" hindi ko alam ang isasagot ko.

Hanggang sa may lumabas na isang may edad na babae kutob ko Mommy ni Liam dahil may pag kaka hawig ito.

"Finally we meet you Athena oh eto na ba ang apo namin?" Napa tango na lang ako.

"Ethan anak say Hi"
"Hi po"mahinang bulas nito dahil nahihiya sa taong kaharap.
"Mukang nahihiya ang ang inaanak ko Tita Charlotte, so let's go dito tayo"

Agad kaming niyaya nito sa table kung saan andoon ang mga food saka ko lang naalala yung dala namin.

"Ahm Patricia nag baked pala ako kunin ko lang"
"Bakit nag abala ka pa"
"Alam ko favorite mo yon" natatawang sabi ko
"Oh sya ako na ang kukuha"ani Patricia na agad umalis.

Ngayon kami na lang na apat ang nasa iisang table ang parents ni Liam.

"Athena na kwento na sa amin ni Patricia ang nangyari at pinag gagawa sayo ng anak ko"ani Mrs. Geronimo
"Ahm Ma'am tapos na po yon saka matagal na din po saka hindi naman po ako nagsisi dahil dumating sa akin si Ethan"

"Bakit hindi mo sinabi kay Liam na buntis ka?"
"Ma'am bago ko po nalaman na buntis ako saka lang po sinabi nila na isang laro lang ang lahat  kaya hindi na po para po mag habol pa po ako kay Liam"

"Athena sorry sa lahat ng pahirap at pasakit na ginawa ng anak namin"ani Mr. Geronimo

"Ok lang po saka ayos nanaman po kami ng anak ko"

"Sana hayaan mo kami na maka bawi man lang sa ginawa ni Liam sayo"

"Sir ok lang po mahalaga lang naman po ay nakilala at tanggap niyo po si Ethan"

"Ethan come sa Lolo" tumingin muna ito bago lumapit.

"How are you little boy"
"Mabuti po"hiyang sagot nito " kayo po talaga Lolo ko?"
"Oo ako ang Daddy ni Daddy mo"
"Wala naman po ako Daddy pano ko po kayo naging Lolo"tanong nito

Kaya napatingin sa akin ang parents ni Liam.

"Athena pwede ka namin makausap?"
"Sige po, Ethan anak punta ka muna kay Ate pa change ka ng damit"
"Ok po Mama"

"Napaka bait at napaka ganda ng pag papalaki mo sa apo namin"ani Mrs. Geronimo.
"Thank you po ma'am"
"Athena hindi ba nag pupunta si Liam kay Ethan kasi hindi mag bibitaw si Ethan ng ganoon na wala syang Daddy"

"Ahm sir bihira lang din po kasi mag pa kita si Liam at naintindihan ko naman po, kaya hinahayaan ko na lang po si Liam, masakit lang po dahil umaasa ang anak ko sa kanya" naka tungong sabi ko.

"We're sorry Athena"ani Mrs. Geronimo
"It's ok lang po wag po kayo mag sorry saka nasanay na din po kasi ang anak ko na wala ang presensya ni Liam"
"Hindi ko alam ang sasabihin ko gusto kong pingutin ang tenga ng anak ko"ani Mrs Geronimo.

"Ahm nag punta po sya sa office ma'am kahapon na gusto daw po niya bumawi at humihingi ng isa pa pong chance nakaka sawa po kasi bigyan ng chance si Liam ma'am ang anak ko po ang umaasa sa kanya"

"Tama lang ang sinabi mo hayaan natin syang gumalaw consequences yan ng mga ginawa niya sa inyo na matuto sya na ma win kayo"ani Mr. Geronimo.

Nahinto lang ang pag uusap namin ng dumating si Liam.









My Nerd is My Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now