Nang matapos ang nakakalokang pangyayaring iyon nagmamadali akong umuwi sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Humiga ako sa bed ko at ipinagtatapon ang mga unan.
"Ayyyyy ! Ang sarap kumain ng tao ngayon." Gigil na gigil kong sinabi.
"Relax Kaylie , magkaka'pimples kalang kung palagi mong iniisip ang ginawa sa iyo ng walang kwentang lalaking iyon." Sabi ko nang may pa'smile effect.
"Take a deep breath... Inhale , Exhale .. " hahaha , para lang akong tanga . At may biglang kumatok ng pintuan ko.
"Lie, nandyan ka ba?" tanong ng yaya ko. Siya lang kasi ang tumatawag sa akin ng ganyan. Baby palang ako siya na ang yaya ko. Kaya matanda na siya.
"Yes , I'm here. Come in yaya"
At pumasok siya"Bakit po?" Sabi ko
"Lie ,nag-aalala lang kasi ako sayo dahil sumisigaw ka.Bakit ba ang gulo dito ? "
"Walaaa yaya ,nag-aacting lang po ako yung kontrabida effect po." Sabi ko .
"Ahhh , kaya pala. Pinapasabi ng mommy mo na magbihis ka raw dahil may bisita siya ngayon sa bahay."
"Sino daw po? " tanong ko nang nagtataka.
"College Bestfriend nya daw" Ahh , si tita Daisy . Palagi kasi siyang kinukwento sa akin ni mommy.
"Yaya naman ehh bakit pa po bah ako kasama ? Dito nalang po ako sa kwarto ko."
"Hep!Hep!Hep , ikaw talagang bata ka.. At kabilin bilin din ng mommy mo na.. DAPAT KASAMA TALAGA SI KAYLIE SA DINNER YAYA , AT KUNG WALA SIYA DOON WALA SIYANG ALLOWANCE NA MAKUKUHA SA AKIN. *Sabi nya talaga with imitating my mommy's voice and action while saying.
Alam na talaga ni mommy na hindi ako hilig sa mga ganyan."Hahaha. Ikaw talaga yaya para kang engot."sabi ko
"Eto talagang alaga ko , dapat din naman na makipag'socialize ka sa ibang tao. Hindi ka ba na'bobore dito sa napakaboring mong kwarto , palagi ka nlang nandito ahh?"
"Hindi naman po , sige yaya titingnan ko po. " sabi ko
"Anong titignan ,dapat nandoon ka." Sabi ni yaya
"Oo na po, Oo na." Sabi ko na parang napilitan
"Good girl , oh eto aso mo." Sabi ni yaya at binigay sa akin ang aso ko at umalis .
"Heyyy, sweetieee. I miss you ,come here." Nag'bark naman si sweet at pumunta sa akin. Oo , Sweet ang ipinangalan ko sa kanya dahil napaka'sweet niya . 3 years old na si sweet. Kinarga ko siya at nilagay sa bed niya , sa side ng bed ko.
"Just stay there coz I will have to take a shower ,okay sweetie ? " at nag'bark uli siya. Naligo na ako at nagbihis , nagsuklay at nagpaganda. Choooss ! Joke lang, hindi ako nagpaganda nuh , nagsuklay lang at pinangko ko ang buhok ko ayaw ko kasi nang nakalugay.
Simple lang ang ayos ko ngayon, naka-pedal with black t-shirt and shoes dito lang naman sa bahay ehh.
Naglaro muna ako sa ipad ko , wala pa naman siguro yung bisita ni mommy.
Nang biglang may kumatok ng pinto."Lie , bumaba kana nasa sala na ang mga bisita ng mommy mo."
Sabi ni yaya"Po? Mga ? Diba you said earlier ya na ang college besty lang ni mommy?" Sabi ko na nagtataka.
"Ehh kasi po mahal na prinsesa , nandito po ang anak niya. Maganda nga eh , manang mana sa mommy niya." Sabi niya
"I'm not interested ya.Okay, I will go down na just wait for a sec."
"Bilisan mong bata ka ,kung ayaw mong managot sa akin. Maghahaponan na kayo."
At nauna ng umalis si yaya at sumunod ako , pagkababa ko nakita ko sa sala si mommy , daddy , tita daisy at ang anak niyang babae."Ohhh , there she is. Daisy , Ann I would like you to introduce our baby"
"Mooomm -__- " sabi ko ng naiirita.
" And why? Hahaha. Just kidding she's not our baby anymore , she always get angry if we always call her our baby. " sabi ni mommy , grabeeng kahihiyan to.
"Totoo naman ehh , hindi na naman talaga ako baby . By the way , Im Kaylie Tita Daisy palagi kang kinukwento sa akin ni mommy." Sabi ko na napipilitang ngumiti dapat akong magpapakabait ngayon dahil nandito si daddy. For this day lang naman ,ehh ..
"Finally , na meet narin kita iha. Hindi ka kasi sumasuma sa mommy mo tuwing kumakain kami sa labas iha , ehh." Sabi ni tita daisy , nakipag.shake hands naman ako at nag'beso.beso sa cheeks.
"And this is my daughter iha , Ann Smith." Smith ? Parang familiar ahh.
"Hi Ann " sabi ko naman at nagsmile ng pilit.
"Just call me Ate Ann , I'm older than you Kaylie eh." Sabi niya at nag.smile. Infairness ang ganda niya rin ahh.
"Ahh , okay po. Ate Ann " nakipag.kwentuhan naman sila at tango lang ako ng tango. OP kasi ako dito sa usapang mga ito ehh kaya ayaw na ayaw ko talaga na sumama sa mga ito . Nakakabagot!
"Ayy , besty nasaan pala ang isa mong anak ?" Tanong ni mommy
"Papunta na rito besty , malalate lang kasi siya dahil may practice kasi sila ng basketball" sabi naman ng mommy ni ann.
"Ahh kaya pala " ani naman ni mommy.
"Dinner is serve" sabi ni daddy na galing sa kusina. Hayyy sa wakas ! At gutom na rin ako.
"Hali na kayo , at kakain na tayo dahil nagugutom na rin ako. Special to ngayon dahil ang asawa ko ang nagluto besty." Sabi ni mommy ng naka.smile. At pumunta na kami sa dinner table para kumain siyempre.
"Just feel at home guyss , kain lang ng kain " sabi ni daddy. Bahala sila sa buhay nila , kakain lang ako ng kakain dito.
"By the way daisy kumusta ang business ? " tanong ni daddy.
"So far so good .. ang sarap mo palang magluto Kyle." Kyle ang pangalan ng daddy ko , Kyle Reyes.
"Hahaha. Salamat sa compliment daisy" habang sila nagkukwentuhan busy naman ako sa pagkain . Bahala sila sa buhay nila gutom ako .
"Speaking of masarap , tamang tama ang pagdating ko." May dumating , sumigaw siya galing sa pintuan , lalaki ata . Gutom ako , seryoso ako sa pagkain ko. Sa pagkain ko nalang ibubungton lahat ng galit ko.
"Hi po Mom , Tito Kyle , Tita Lily (pangalan ng mommy ko) sorry I'm late " teka teka ngaa.. Hinarap ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon ang pinaka-ayaw na boses ko sa lahat.
"IMPAKTO ?!"
"UNGGOY?!" Sabi niya na gulat na gulat.
Pati ba naman dito , Lord?
BINABASA MO ANG
The Magic of Love
Teen FictionFirst time ko po gumawa nito :) Sana po magustuhan nyo .. Enjoy Reading .. WrittenBy: Ms.Magiting follow nyo po ako :) instagram: http://instagram.com/fayexyryl/ facebook : https://www.facebook.com/faye.xyryl