BS 1!

10K 41 7
                                    

If you can’t identify your feelings, between crush and love, to a person.

You might be infatuated to him or her.

***

Naranasan niyo na  bang ma-inlove?

Siguro naman oo, diba?

Ang sarap kaya sa feeling. Palaging may tumatawag at nagtetext sayo.

Kakamustahin ka, kung ayos ka lang ba. Kung anong mga ginawa mo buong araw.

Yung pagkagising na pagkagising mo palang sweet messages and romantic stuffs ang bubungad sayo galing sa kanya, tapos bago matulog text at boses pa rin niya ang mababasa’t maririnig mo.

Hay kalian kaya mangyayari yun sakin?

4th year hayskul na ako ngayong darating na pasukan. Pero sa aming magkakaklase ako na lang ata ang walang nakaka mu. Kasi maging ang pinakatahimik na estudyante n gaming klase ay umariba na din.

Hindi naman sa naiinggit ako. Pero alam niyo yung feeling na lahat sila sinasabi na maghanap na rin daw ako ng boylet. Gosh! Me?!? No way! Kelan pa napunta sa bokabularyo ko na ako ang maghahabol sa lalaki? Ang pangit kayang tignan nun sa parte ko. Magmumukha ako nung desperado. Though I’m not like that.

Andito ako ngayon sa bahay maghapong nakahiga at nood t.v lang ang routine ko tuwing summer. sa walang magawa eh.

“uy Zane bumangon kana daw jan sabi ni mama!” hay naku ate ko talaga o. makasigaw naman wagas! Siguro rinig na hanggang sa kabilang kanto ang boses nun, palibhasa kasi ang daldal.

“oo na! bababa na ako. Huwag ka ng sumigaw jan. kahiya sa mga kapitbahay ke aga-aga nambubulabog ka” hay ito nanaman po tayo. start the day with smile na nga lang ^_______^

So , ako nga pala si Alazene Misch de Guzman bunsong anak ng mga de Guzman. Palagi akong nakasmile kahit may dinadala na akong malaking problema sa loob ko. Sabi nila mabait ‘daw’ ako, ewan ko lang kung totoo ah. Kasi kahit sa mga simpleng pakiusap ng mga taong nakapaligid sakin eh sinusunod ko kahit na labag sa kalooban ko. Halimbawa nalang jan ay ang pakopyahin sila ng mga assignments sa math. Anong magagawa ko sa naaawa ako eh.

Hindi naman daw ako pangit hindi naman daw kagandahan, tamang-tama lang tawaging may hitsura, kaya nagtataka sila kung bakit ni isa wala man lang daw akong ka mu.

Mga talaga oh. Ang hilig makialam sa buhay ng ibang tao. Gayong sarili nilang buhay hindi nila mapagtuunan ng pansin. Nakakasawa na silang pakinggan ah. Naririndi na ak--.

“anak! Baba kana jan. nakahain na ang almusal. Dali an mo’t may ipapagawa pa ako sayo.” Hay mama ko talaga kala mo sa una galit un pala hindi naman.

“anjan na po ma” kaya love na love ko yun eh. Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko bumaba na talaga ako.

“buti naman bumaba kana, kala naming sang oras ka pa jan sa kwarto mo eh” umph! Makapagsermon naman to. Si mama nga tahimik lang, ito kala mo siya ung nanay.

“bumaba na nga diba dami pang sinasabi” sabay belat ko sa kanya. Kainis kasi eh.

BSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon