BS 3!

1.7K 22 3
                                    

“In every action there is an equal or opposite reaction”

Yan ang nakasaad sa third law of motion ni Newton.

Katulad ng sinabi niyang iyan ang buhay ko ngayon.

Dahil sa bawat desisyon na gagawin ko, maliit man ito malaki.

Asahan niyo ng may susunod ng mangyayari sa buhay ko. Ayoko ng isa isahin pa ang mga nangyaring iyon. Dahil magbabalik lamang ito ng mga ala-alang dapat ay kinakalimutan na at binabaon sa limot.

Basta ang importante sa ngayon ay nabigyan ako ng isa pang pagkakataon para maitama ang mga maling nagawa ko.

Maling mali na sinarili ko lang ang mga problema ko.

Hindi sana kami hahantong sa sitwasyong ito kung nasabi ko lang sana sa pamilya ko.

Pero tapos na ang lahat ngiyon hindi ko na iyon mababalik pa. walang maidudulot na maganda kung magmumokmok lang ako dito sa loob ng bahay namin at mag-aantay ng grasya.

Pinuntahan ko ulit ang hospital kung saan si mama naka stay pero pinagbawalan ako ni tita. Wala daw akong karapatang dumalaw.

Oo inaamin kongako ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang halos ‘almost perfect naming pamilya’ pero nagsisisi naman ako ah? I’m  really trying my best para mabuo ulit kami. Pero bakit ganon? Bakit ang dami yatang humahadlang?

Nagpakalayo-layo ako para makapag-isip isip hindi para takbuhan ang problema ko. At ang tanging maling desisyon lamang na nagawa ko ay ang hindi ipaalam sa pamilya ko kung saan ako pupunta.

Hahaha. Nakakatawa lang isipin na nagkanda-letse letse ang buhay ko ng dahil sa isang lalaki. Ganito pala ang impact kapag masyadongg tinamaan noh? Hay. Nakakapagod na rin.

Binalikan ko ang pinangyarihan ng aksidente ni ate. Nagtanong-tanong ako sa mga bahay na malapit sa pinangyarihan ng aksidente kung may nakita silang bangkay. Pero ni isa sa kanila ay walang alam.

Konti nalang daw kasi ang lumalabas that time. At kung meron man daw natatakot naman iyong lumapit kaya’t tumawag na lang ito ng ambulansiya. Kaya’t ang mabuti pa daw, sa mga pulis nalangako magtanong o dili naman kaya pa-imbestigahan ko na lang.

So ang ginawa ko nga ay pina-imbestigahan ko ang kaso ng ate ko. Hindi siya dapat mamatay. Selfish na kung selfish pero mas gugustuhin ko pang magka-amnesiya si ate para kahit papano ay makahingi pa rin ako sa kanya ng tawad at makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko sa kanya.

Sa pagdaan ng mga araw ng paghahanap namin ng private investigator ko kay ate meron na din kaming kakarampot na impormasyon tungkol sa kanya. Pero mahirap lang kasi ang bawat impormasyong aming nakalap ay hindi nagtutugma-tugma.

Ang hirap umaasa sa kakarampot na impormasyon pero napapaiyak na lang ako minsan tuwing iisipin ko na mas malaki ang posibilidad na patay na nga si ate. At iyon ang ikinasasakit ng kalooban ko.

Isa pa sa nakakadagdag ng sakit sa aking kalooban ay hindi na talaga ako pinayagan ni auntie na makita man lang kahit malayuan si mama. Napakasakit niyon. Ikaw na sariling anak niya ay wala man lang nagawa para ipaglaban ang karapatan na makita siya.

Wala akong nagawa kunddi ang umiyak na naman. Napaka-unfair ng buhay sa akin! Masyado talagang napaka unfair.

Sa lahat ng sakit na napagdaanan ko ito na ang pinakamasakit.

Pero kakayanin ko. Pinunasan ko ang mga luhang tumullo sa aking mga pisngi. Kailangan kong magpakatatag para sa pamilyang de Guzman. Alam kong ako na lang ang inaasahan ni mama ngayon. Hindi niya man masabi pero ramdam ko iyon sa mga kilos niya kahit nasa ganoon na siyang sitwasyon.

BSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon