PROMISE

96 3 0
                                    

“rest in peace Ariean Kianna Jeneva Ramos”

Hindi ako makapaniwala na ito ang binabasa ko parang ang bilis ng pangyayari.  

Parang kahapon lang ng pinangarap namin ng bestfriend ko na magtayo ng sarili naming photo studio

Parang kaylan lang nung pinangarap namin na sabay kaming mag-aapply sa  Daily Inquirer para maging photojournalist nila

Parang kaylan lang nasa stage kami masaya dahil tatatnggap kami ng DIPLOMA.

Masaya dahil graduate na kami.

Nalagpasan na namin ang quizzes projects at maraming seatwork.

Malungkot kasi wala na yung takbuhan sa hallway kapag late.

Wala na rin ung magpapaalam na pupunta sa CR pero sa canteen talaga ang punta.

Using cellphone. Kopyahan. Asaran. Sound trip. Ligawan at pikunan.

Naglakad kami papunta sa Flagpole ni Kianna para magpicture taking

“nakakatawa sa ceremony kanina no? Nalito sila kung kanino ba ibibigay ang diploma sating dalawa! Identical kasi pangalan natin! HAHAHA” sabi ni Kianna. Sha pala ang super best friend ko. We are like sisters pero super opposite kami. Ako yung madaldal siya tahimik, ako yung tamad , siya yung diligent. Ako magulo siya yung behave.

“HAHAHA oo nga! Imagine mo 4 years na tayo  dito, hanggang ngayon hindi pa nila alam! GRABE! Lalo na sa college malilito sila.”

“Oo nga pala Ariean.” Biglang naging mahina at malungkot ang boses ni Kianna

“oh bakit?”

“Akala ko ba walang iwanan? Eh bakit sa Manila ka na mag-aaral?”

“Manila? Sino naman nagsabi sayo?”

“Mommy mo mismo.”

“Joke niya lang siguro. Hindi ako dun magaaral no!”

Parating narin ang isa pang best friends. Ang mommy ko at mommy ni Kianna.

“Oo Ariean. Sa manila ka na mag-aaral. Gusto ng Daddy mo magkakasama na tayo.”

“Huh? Bakit ngayon niyo lang sinabi?!”

Tumakbo ako at nagkulong sa loob ng kotche. Ayoko marinig ang paliwanag nila.

Sumunod ang Mommy ko. Pilit nya kong kinausap pero hindi ako sumagot kaya nag drive nalang siya pauwi.

Di ba, dapat sa pamilya, lahat kayo magkakasama kapag nagdidisisyon? Bakit sa pamilya namin hindi? Bakit Mommy at Daddy ko lang? Pano naman ako? Isa na nga lang ako anak hindi ko pa nasasabi ang opinyon ko.

Makalipas ang dalawang linggo. Kahon kahon na ang binubuhat ng mga taong labas pasok sa bahay. Hindi ako makapaniwala na iiwan na namin ang lugar kung saan nag dalaga si Mommy at kung saan niya nakilala ang best friend niyang Mommy ni Kianna.  Bakit para kay Mommy muka ang dali ng lahat, pero sakin ang hirap. Ang hirap iwanan ng best friend ko. Naniniwala kasi akong nagiisa lang siya.

Pero pumasok na sa utak ko. Eto na talaga eh. Wala ng atrasan.

Nakita ko si Kianna na naglalakad papunta sa bahay namin. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya

“Kianna! Ilagay mo na ako sa bag mo!”

“Ano ka ba Ariean, 4 na taon lang naman yan eh! Wala namang magbabago! Ikaw parin ang best friend ko!”

“4 na taon LANG?! ganun na lang ba yun sayo ?!”

“Ano ka ba my skype naman eh. Facebook at twitter pa!”

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon