BOQ

1 0 0
                                    

Macaracas, Puerto Princesa, Palawan 2018

Noong minsang na detail ako bilang usherette sa gaganaping anibersaryo ng aming station, Bisperas ng anibersaryo lahat ng female ushers ay doon na pinatulog sa mismong station.

Tabi-tabi kaming lahat sa isang kwarto sa BOQ number 1. bandang 2200H (10PM) naghahanda na kaming lahat para matulog, nauna na akong pumuwesto sa bandang gilid na pag hihigaan namin, nagtalukbong ako ng kumot at ipinikit na ang mga mata.

sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay may nakikita akong akong imahe sa aking isipan.

hindi ko kilala ang mga imaheng nabuo sa aking isipan, isang babae na naka kulay olive drop na short pants at puting tshirt, hanggang balikat ang tuwid niyang buhok.

sa kaliwa niya ay naroon ang isang batang lalaki na naka upo, mga nasa limang taong gulang sa tantiya ko.  naka ngiti at maaliwalas ang mukha ng babae habang parang nilalaro ang bata.

dumilat ako sa pagtatakang bakit gumuhit ang ganoong imahe sa aking isipan, binalewala ko ito sa pag aakalang dala lamang ito ng aking imahinasyon at antok. sa pangalawang pagkakataon na tangkain kong matulog na at pumikit ay yun ulit ang rumirihisto sa aking isipan, hindi nagbabago kahit bahagya man lang, Sa pagkakataong ito ay may kaba na akong nararamdaman ngunit binalewala ko ulit ito.  

Dumilat ako at inihawi ang kumot na nakatakip sa aking mukha hindi narin naka tiis sa nangyayari marahil ay dala naring ang kaunting yamot, kaya tinanong ko ang ka batch kong si KC Jhyn.

"Ching may nakikita ako kapag pumipikit ako, isang babae may katabi siyang bata". naguluhan man at marahil ay nawirduhan sa akin ang iba pang mga kasama naming female usherette ay hindi ko na inalintana.

"Andiyan ka na naman ching ha" wika niya.

akala ko ay hindi siya maniniwala sa sinabi ko, maya-maya lang ay lumapit ito sa akin

"Ano ba ang nakita mo ching?" nahihimigan ko ang kaba sa kanyang tinig.

Naunang na assign si KC sa station mahigit isang taon narin kaya sa aming dalawa siya ang may mas alam sa mga kababalaghan doon. 


Itutuloy . . . kakain muna ako gutom na


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Military True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon