"Magbalik ka."

19 1 0
                                    

Para sa Kabataang minsan nang naging disipolo ni Kristo,

ngunit sa paglipas ng panahon tila nag iba ang pag ikot ng mundo

at hindi na muling naging aktibo at CYM isa rin ito sa napakalaking

hamon na kahaharapin niyo. 

Sa iyong pagkadapa, tuluyan kang nagpalamon,

ni hindi ka na gumawa ng paraan upang ikaw ay makabangon.

Sa iyong pagkamali, nagpadala ka sa hamon,

ni hindi ka na naghanap ng solusyon upang muling bumalik sa kahapon.

Sa iyong pagkadismaya, sinisi mo siya.

Sa panahon ng problema tinalikuran mo sya.

Noong mga pagkakataon na malungkot ka, nagalit ka sa kanya.

Mas pinili mong kontrolin ka ng teknolohiya kesa kontrolin ka niya.

Ngunit, noong mga panahon na pakiramdam mong wala kang kwenta,

pinahalagahan ka niya.

Noong mga oras na marupok ka, pinatibay ka niya.

Yung mga pagkakataon na akala mo walang naniniwala sayo,

nandiyan siya, patuloy na sumusuporta.

Hindi ka ba nakokonsensya?

na sa paulit ulit na pagkakamaling iyong ginagawa

patuloy ka pa rin niyang pinapatawad walang sawa.

Hindi ka ba nakokonsensya? na noong mga panahon na mag isa ka,

nandiyan siya, binabantayan ka.

Hindi ka ba nakokonsensya na mas nilalaanan mo pa ng oras ang facebook kesa magsimba.

Na mas may gana ka pang mag soundtrip kesa making sa misa.

Na mas pinipili mo pang magbasa ng wattpad at memes sa social media kesa ng bibliya?

Kapatid, ano na? dati ikaw pa lagi nagyayaya sa amin magsimba pero ngayon, nasan ka na?

Kapatid, ano na? dati pagdating sa bible service o kriska hindi pwedeng hindi ka makapunta,

pero ngayon, di kana mahagilap ah? Nasan kana?

Ilang beses mo na ngang kinanta ang mga katagang

"Lord? I offer my life to you, everything I can do use it for your glory. I decided to follow Jesus no turning back! Christ is enough for me." 

Pero ngayon, nasan kana?

Kapatid, magbalik ka kasi hindi porket nakaranas ka ng problema ay susuko kana,

kapatid, magbalik ka ibalik ang dating ugali at magserbisyo ulit sa kanya.

Kapatid, hinihintay ka na niya.

Huwag kang mag alala tatanggapin ka ulit niya maniwala at magtiwala ka lamang sa kanya.

Alam ko na habang pinapakinggan niyo ang malayang tulang iniyari ko

ay may naiisip kayong tao. Tao na natamaan sa mga salitang aking binitawan.

CYM kailangan nila tayo, CYM tulungan natin silang ibalik ang dati nilang pagkatao

at muling magserbisyo kay Kristo. Naniniwala ako, kami sa inyo.

Naniniwala kami sa kakayahan niyo. Sana maging Mabuti kayong ehemplo

at bago ko man tapusin ni lisanin ang apat na sulok ng entabladong ito,

hayaan niyong iwan ko, ang mga huling katagang lalabas mula dito sa bibig ko.

Iwan ka man ng lahat ng kaibigan mo,

hindi ka man sinosoportahan ng pamilya mo,

itakwil ka man ng lahat ng tao,

batuhin ka man ng samo't saring problema ng mundo.

Pero si Jesus? kailanman hindi nawala at hinding hindi mawawala sa tabi mo.

Patuloy na tinutulungan ka,

kahit itinatakwil mo siya.

Ngayon, nakokonsensya ka na ba?

Kapatid, hindi pa huli ang lahat.

MAGBALIK KA.


*///*

Pa plug ako!!! Like, Follow & Subscribe.

YT Channel: Miss Mhoryn
https://youtube.com/channel/UCuIyxn-s-zn-UOQ5P172pXA

Tiktok: Clieza_Mhoryn
tiktok.com/@clieza_mhoryn

"Yakap Series."Where stories live. Discover now