"Psalm."

3 0 0
                                    


Kapag pag ibig ang pag uusapan marami sa atin ay nag mamadali,

Kesyo sa panahon ay napag-iiwanan kaya nag kakamali,

Parang kapag single kay laking kawalan,

Kaya sa relationship nakiki-fit in masabi lang na may kasintahan.

May mga tao pang payag kahit panakip butas lang

o 'di kaya'y de bale ng third wheel makapiling ka lang.

Langga? Di mo deserve ang ganyan,

ano yun kapag nandyan ang isa itchapwera kana?

or kapag present yung una tago ka muna?

Desperado ng maramdaman yung feeling ng may kasintahan,

Kaya ayun pumasok sa isang relasyon,

Ngunit imbes na kaligayaha'y makamtan,

Sakit ang naramdaman,

Kay Lord ka kasi muna mag commit,

Paniguradong hiling ng puso mo'y makakamit.

I've waited patiently until God sent a man for me,

Di bale ng matagal basta ba sigurado,

Di na aangal basta ba 'di magloloko,

Kaya girl or utol matatagpuan mo rin sya,

basta sundin mo muna ang kagustuhan ni Ama.

Masyadong busy si Lord gumawa ng love story nyo,

kaya kung ako sayo ipag pray mo yan 'wag puro reklamo. 

---

Psalm 37:4

Delight yourself in the Lord and he will give you the desires of your heart.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Yakap Series."Where stories live. Discover now