03

0 0 0
                                    

Nang makapaligo at makapag bihis na ay dali dali na din akong umalis at baka tuluyang ma late na nga ako. Bilang 1st years student ay gusto ko namang nag karoon nang masayang college life, bagong buhay na tayo self ha dina walking distance ang school mo.

Habang papunta sa kanto para makapag abang ng jeep ay nakasabay ko ang dati kong schoolmate syempre diko sya pinansin ano sya chixx? Char wala lang talaga ako sa mood mag kakausap lalo na at ke-aga aga at inaantok pako.

Nang makasakay na sa jeep ay nag pasak agad ako ng earphones sa tenga at pumikit nag kunwaring tulog para alang kumausap (oh diba bhie relate? Sus mga gawain eh). Nang maramdaman kong malapit ng mapuno ang jeep ay nag bayad nako at pumikit ulit.

Pag dating sa school ay binati ko kaagad ang mga kaklase ko na medj close ko na...

"goodmorning sa inyo" sabi ko and they greet me back.

My college is a bit strict kaya we try to maximize L1 and use our second language while having conversation, unless you have allowance for every tagalog word.

Compared sa naging araw ko kahapon, todays class is smooth mukang nakikiayon ang panahon. Wala kami masyadong ginawa and we have a wonderful set of vacants. Kaya hala sige labas ng campus at mag videooke.

Meron kaming nadiscover na magandang pampalipasan ng oras ayun nga lang pag labas ay gutom ang wallet, pero keri lang masaya naman.

Kung kahapon ay ginabi ako ng uwi ngayon naman ay mas maaga pa sa uwian ko ang dating ko sa bahay. Iyon ay sa kadahilanang wala ang last subject namin at napag desisyonan na naming mag hiwa-hiwalay how sad ahuhuhuhu.

Wala naman kaming ginawa sa school pero feeling ko pagod na agad ako pag iniisip ko yung mga binigay na activity at assignments. Kaya pala wala sya at pinauwi kami ng maaga kase madaming gagawin why naman po ganorn ahehehehe.

"Mag rereklamo ka pero gagawin mo din naman, nako Blue kalokohan mo gumawa ka jaan at ng matapos ka puro ka reklamo ayaw mo namang bumagsak" sabi ng konsensya ko

Luh pati konsensya ko nagagalit na, sorry na bhie ha sorry!

"sige hala gawa na" sabi ulit ng konsensya ko

Che bahala ka jaan. Habang ginagawa ko ang mga dapat gawin at narinig ko ang sigaw ni mama

"BLUE, KAKAINA NA BUMABA KA MUNA DITO" sabi ni mama

Aba sumisigaw teka nga....

"OPO MA, BABABA NA PO" syempre capslock kase sumigaw din ako.

Pag baba ko ay mga nag sisikain na sila aba ayos ah tinawag ako nung nakakuha na sila ng pagkain nila. Pero okay lang may natira naman kukunin ko na lahat hehehehehez. Thanks Papa God sa araw araw na blessing.

Pag kayari kumain at mag pahinga ay nag linis na ulit ako para makatulog na. Gabi nanaman at matutulog nanaman..... "sana diko na ulit mapanaginipan yung kagabi".

"ayoko nangyari yun ahuhuhu"

"arte jusko, pasensya kana self"

Bago mahiga at matulog ay nag dasal muna ako yung favorite naming dasal nang kuya ko noon ang Angel of Guard.

" Angel of Guard my guardian dear, to whom God's love commits me here.
Ever this day be at my side,
To light and guard,
To rule and guide.
Amen."

"lord bantayan nyo po ako ngayong gabi, pati na din po yung mga mahal ko sa buhay. Kayo na po ang bahala sa amin"

Huling dasal ko sa taas bago ako makatulog....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under InfluenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon