1

12 1 4
                                    

Hi, The name's Arthur, Arthur Lester Joaquin Cruz. But you can call me Lester since I'm more comfortable with that, but It's okay if you're more comfortable na tawagin ako sa pangalang Arthur pangalan ko pa din naman yun eh.

I'm 14 years old and currently living in the city of Caloocan, Philippines... My parents were divorced when I was still young, so palipat lipat ako ng bahay dati nung bata pa ako, ang hirap diba? Pero kinaya ko nga eh, only child lang ako. My hobbies are drawing, playing guitar, singing and dancing. I also love listening to music. Change topic tayo.

So there's this one girl in the classroom who caught my attention, she's beautiful, she's nice, she's funny even if I don't get the joke I still laugh for her you know para support support lang sa kanya HAHAHAH.

Nga pala she's also strict because she's the president in our classroom. Anong position ko? Vice pres, yun lang kinaya ng werpa ko eh. Pero she only show her softest side for someone, hindi ako, hindi din yung classmate kong bida-bida, hindi rin yung sip-sip sa teacher, his name is Angelo, the auditor in our classroom.

How can you be so sure about that Lester? Well, childhood friends sila so I think they're comfortable sa Isa't-isa, dun ko din napapansin yung true colors ni Alexa.

Yep, that's her nickname. And I have to admit nagseselos ako, this is the first time that I've felt something new, although madami na akong naging crush sa loob ng labing-apat na taong nabubuhay sa mundo noh, pero this one's different, parang di crush ang turing ko sa kanya.. Parang iba talaga, di ko lang maexplain kung ano but, I'll make sure to figure it out para rin sakin.

At para malinawan na ako sa pagtingin ko sa kanya.

Nagsulat,
-Arthur Lester

"Lester gising na at first day pa ng school niyo!!" Pasigaw na pag sabi ng tiyahin ni Arthur

"Maaga pa tita 5 minutes please" Sambit ni Arthur

Ngunit hindi ito narinig ng kanyang tiyahin, kaya agad agad namang nagpunta ito sa kanyang kwarto.

"John Victor ano na tayo na!!!" Pasigaw ng tiyahin ni Arthur

"AHHHH!!!" Gulat na gulat na pagising ni Arthur

Lah si tita hindi marunong makaintindi ng 5 minutes pa!

"Ma sino si John?" Pasigaw na patanong na sinabi ni Emmanuel sa kanyang ina habang papunta sa kwarto ni Arthur

"Sino ba yun?" Nagtatakang pasabi ni Ruthea

"Luh si mama ulyanin na oi!" Sigaw ni Emmanuel

"Titigil ka o hahabalusin kita?"Pagalit na sinabi ni ruthea sa kanyang anak...

Bakat sa muka ni Emmanuel ang takot sa kanyang muka ng marinig niya ang tinuran ng kanyang ina

"Sabi ko nga po titigil na" mahinhin na pasabi nito

Tumayo na si Arthur upang magunat at maghanda ng kanyang mga gamit para sa eskwela

"Ay may balak ka palang tumayo ano?" Banggit ni Ruthea

"Ta sorry na medyo napuyat lang po kagabi, pasenya na po di na mauulit" Pasabi ni Arthur

"Ano bang nangyayari sa iyo at napupuyat ka nito mga nakaraang araw?"

"Same reasons ta, gusto ni mama na magtrabaho nalang daw ako ng maaga kesa mag-aral wala naman daw akong mapapala kung hindi ko din daw susundin yung strand na gusto niya para sa akin" Mahinhin na pasabi ni Arthur

Well gusto lang naman ni mama na mag abm nalang din ang kunin ko kagaya niya, pero diko kase trip yun eh... Gusto ko talaga mag engineering... ARGHHH bahala na nga!

"Hay nako kahit anong pakiusap talaga diyan sa mama mo ay ang kulit jusko! Wag ka nang magalala diyan sa nanay mo, ako na ang kakausap diyan, sa ngayon maghanda kana ng gamit mo at ang sarili mo sa pagpasok sa school, akalain mo after 2 years na online class may face to face na, may matututunan na ang mga estudyante ngayon! Kesa dati parang di naman kayo nasiglahan mag aral eh" Banggit ni Ruthea

Kahit kailangan talaga ay apaka bait sa akin ni tita, sana siya nalang mama ko. HAHA.

"O sige na po ta tama na ang chika baka ikaw pa po ang maging reasons kung bakit malalate pa ako ngayon" sabay tawa ni Arthur

"Ay hayop tong batang ito" Banggit ni Ruthea

"Hayop ka daw oh sabi ni mama"ang pangaasar ni Miguel sa kanyang pinsan

"Isa ka pa Jaime hindi ka pa nakabihis jusko kahit kelan talaga tong batang ito ay ang bagal kumilos" Galit galit na pasabi ni Ruthea

"HAHAHAHAHHAAHHA" Ang malakas na pagtawa ni Vannesa

"Oh tama na yan umagang umaga eh hinahigh blood niyo nanay niyo" Ang pag awat ng ama sa mag iina

"Isa ka pa ang bagal mo din kumilos! May pasok ka sa trabaho hindi ba señorito?"

Hindi imimik ang ama dahil sa sinabi ni ruthea

"Yun lang, ngayon alam ko na kung kanino nagmana tong si Jaime" Ang pangaasar ni Vannesa sa kapatid

"Hoy!" Ang pasigaw ni Jaime

"Kumain na tayo baka malate pa tayo sa school first day na first day eh!" Ang pasigaw ni Arthur

"Hay nako ang bilis na panahon, bago magkaroon ng covid, ang liliit niyo pa, ngayon, mas matatangkad na kayo sa papa niyo" Ang maiyak iyak sa sabi ni Ruthea

"So sinasabi mong pandak si papa ma?" Ang muling pangaasar ni Jaime

"Tumigil na kayo at kumain na!" Ang malakas na pagsigaw ng ama

Tumawa nalang sila sa sinabi ng ama at nagsimula ng kumain upang hindi malate sa eskwela at trabaho

               Ang pagtatapos ng kabanata 1

Dear Miss President Where stories live. Discover now