The timeline of the story is a year before Feixanna came back to the Philippines.
....
"After a long break! Let's us finally welcome Mino Sandoval!" nakangiti akong lumabas ng backstage at kumaway sa mga tao.
"Good evening my beloved Pens!" masiglang bati ko at ngumiti ako nang magtilian ang mga fans.
Nagfist bump muna ako sa mga kagrupo ko na parang hindi nagkita kanina sa backstage. Inilibot ko ang paningin ko at nakangiti ako nang makita ang mga fans na matagal akong hindi nakita. Nasa isang fan meeting kami ngayon sa isang malaking theater room para sa pagbabalik ko.
"May gusto ka bang sabihin sa Pens, Mino?" tanong ng host at tumango ako saka ngumiti.
"Namiss nyo ba ako?!" malakas kong sigaw.
"YEEESS!" napangisi ako sa isang malakas at umaalingawngaw nilang sagot.
Tumayo ako at umaktong may hinahanap. "Loyal pa ba ang mga solid Minonians ko?!" saad ko pa at nagsigawan ang iba.
Siningkitan ko ang isang fan at pabiro syang tinuro. "Nakita kita kanina sa backstage na sinisigaw yung pangalan ni Cade" pagbibiro ko at agad syang namula kaya natawa ako.
"Sorry mahal!" sigaw pa nya kaya natawa ako at ginulo ang buhok nya pero mali na lumapit ako dahil pinagkaguluhan ako ng mga tao.
"Please don't pull Mino" saad ng host at may mga guards na ring lumapit para mapalayo ako sa mga fans.
"Sige! Pagkaguluhan nyo lang!" pagbibiro pa ni Luhan kaya mas lalo akong hindi pinakawalan ng mga tao.
Ilang sandali pa ako lumipas bago nila ako pakawalan. "Guys, ako lang 'to" pagbibiro ko pa at tumawa sila.
Sinamaan ko naman ng tingin ang mga kaibigang nagtatawanan dahil sinapit ko.
"Oh, Mino lost three buttons from his polo shirt" natatawang saad ng host kaya natawa nalang din ako at hinayaang nakabukas ang tatlong botones ng damit na lalong nagpatili sa mga fans.
Sabi sa inyo, ako talaga ang pinakagusto nila sa grupo. Screen lang si Cade.
"Do you want to change your shirt, Mino?" tanong pa ng lalaking host at umiling ako.
"HUWAG NA!!" sila na ang sumagot para sakin kaya tumango nalang din ako.
"Okay let's proceed to the question and answer. We will choose three fans to ask Mino one question each since he's been away for a year" tumango kami at isa isang pumili si Mazi na nasa backstage.
"May chix oh" may nginunguso si Luhan at binubulong pa.
"Saan?" patago pang tanong pa nina Ken.
ehem*
Napaayos sila ng upo nang tumikhim ang yelo pa sa yelo sa kacold-dan, ang aming leader, na nagngangalang Cade.
"Professionalism" isang salita gamit ang malutong nitong ingles kaya nagtinginan kami at tinawana ko sila.
"Boss, labas ako riyan ha" saad ko pa dahil hindi naman talaga ako kasama.
Medyo natagalan pa sa paghahanap kung sino ang magtatanong kaya inilibot ko muna ang paningin ko at ngumiti.
I felt very special today, especially when I know that someone is waiting for me to come back.
Nasa gitna ako nakaupo habang nasa kanan ko si Cade at Ken. Samantalang nasa kaliwa ko naman si Luhan at Jin.
"Okay! Nakapili na" saad ng host at pinatayo ang mga magtatanong pero may spotlight na nakatutok sa kanila habang nakapatay ang ilaw.
BINABASA MO ANG
Altered
General FictionStart: January 01, 2024 Have you ever been in love with someone and truly love her to the point that you will do anything for her? From altering things just to keep her? If yes, then, you have the same answer like Mino, a famous artist in the Phil...