"Nandito na tayo, ano na uli ang pag-uusapan natin?" Pagsisimula ni Wynne. "O, baka naman pweding sagotin mo na ang tanong ko, kung bakit at paano mo ako naging problema?"
" Problema kita dahil malandi ka!
Napabuntong hininga siya. "Ito na naman tayo sa kalandian na yan. Ano ba Pam hindi ka pa ba nauubusan ng insecurity sa katawan?"
"Hindi ako insecure, huh?
"Kung hindi, ano pala ang tawag nitong ginagawa mo?""Hindi sa insecure ako, malandi ka lang talaga!"
"Haayyy naku Pam, tigilan mo na ako! Ang mabuti pa, tara sayaw na lang tayo."
"Huwag mo nga akong pinaglololoko!" Tila nagliyab na sa galit si Pam.
"Haaay Ewan ko sayo,!" Pagkasabi'y agad na siyang tumalikod. "D'yan ka na lang kung ayaw mong makisaya. Basta wag mong sayangin ang oras ko."
Nakahakbang na siya ng tatlong hakbang para bumalik sa pwesto ng kanilang team ng biglang hampasin siya ni Pam sa likod gamit Ang kamay nito.
"Araayyy!" Sambit nya sa kabiglaan. At napaharap muli rito. "Sumusubra ka na huh? Tama na yan! Nakakapanakit ka na!"
"Ay hindi! Harapin mo ko! Ilang besis na kitang binalaan na layo-an mo si Bryle! Pero anong ginawa mo? Nakipaghalikan ka pa sa kanya sa harapan ng maraming tao! Walang hiya ka talaga!" Kinalmot nito ang kanyang mukha.
Mabuti na lang at naka-ilag siya kaagad.
"Aba magaling ka uhh!" Hindi na ito nag papaawat, nangangalmot ito ng nangangalmot, siya naman ay ilag ng ilag.
"Ano ba Pam? Tama na tumigil ka na!"
"Ikaw ang tumigil! Tigilan mo na ang paglalandi sa boyfriend ko!"
"Hindi Pam, ikaw ang tumigil, tigilan mo nang pananakit, okey? Wala akong nilalandi!"
"Talagang napakasinungaling mo!" Panay pa rin ang subok nito na kalmutin ang mukha n'ya.
Sinasalo naman niya ang kamay nito bawat pangangalmot."Bitiwan mo ko!" Pagpupumiglas nito.
"Bibitiwan lang kita kung ipapangako mong titigil ka na, makisayaw ka na lang, kaysa uubosin mo lang ang oras sa pang-aaway sa'kin! Alam mo naman na hindi kita papatulan!"
"Bitiwan mo na ako sabi!" Pagpupumiglas pa rin nito.
" Hindi nga kasi pwede, kung hindi ka mangangakong titigil ka na sa pagwawala!"
. . . . . . . . . . . . .
"Guys! Si Wynne?" Ang tanong ni Bryle sa mga kasamahan ng sa pagbalik nila ni Nani sa kanilang mesa ay hindi nuya makita si Wynne.
"Hala, hindi ko napansin!" Sagot naman ni Earn. "Mira si Wynne napansin mo?" Baling ni Earn kay Mira.
"Hindi, nakisayaw lang ako kanina tas pagbalik ko, hindi ko na s'ya nakita, wala s'ya. Akala ko nga kasama n'yo." Sagot naman ni Mira na kay Bryle nakatingin.
"Si Wynne ba hinahanap n'yo?" Sabat ng isa sa mga ka-team nilang lalake. "Pakaladkad siyang isinama no'ng Pam,"
"Ano?!" Nabiglang tanong ni Bryle. "Saan sila nagpunta?"
" Hindi ko na napansin," kibit balikat namang sagot nito.
. . . . . . . . . . . . .
HINDI PWEDENG basta-basta na lang bitawan ni Wynne si Pam dahil hindi pa rin ito kumakalma. Ang talagang gusto nitong gawin ay sirain ang mukha n'ya (ni Wynne).
Pinagpawisan na nga siya sa kapipigil dito upang hindi makawala sa pagkakahawak niya sa kamay nito.
"Pam, kumalma ka na please! Napapagod na ako, tama na!" Pakiusap niya.

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED GROOM
General FictionNakatakdang ikasal si Wynne sa isang lalakeng ni Hindi nya kilala, kahit sa pangalan man lang. Halos ikamatay nya ang problemang iyon, lalo na ng malaman nya mula Kay Bryle ( ang taong labis na labis nyang minamahal ng lihim) na, pinsan daw nito ang...