Kelangan ba munang maging maganda bago magkaboyfriend?
Yan ang tanong na laging bumabagabag sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit sa halip na magreview ng notes para sa nalalapit na prelim exam ay inuuna ko pa ang pagiisip ng sagot sa tanong na yan. -____-
Bakit ko nga ba yan naisip?
Ah kasi gusto kong malaman ang sagot? ( sarcastic! ) -_-
Ah kasi curious lang ako ? ( weh? )
Ah kasi bored ako ? ( yung totoo? )
Ah kasi—
O.. kay.
Ah kasi gusto kong magka boyfriend? *blush*
Yeah. Yun yun eh! Gusto ko talagang magkaboyfriend. *hiyamode yuko ulo*
Paano ba naman, 18 years old na ko pero NBSB pa din ako. Kaiyak na nga eh. Haha.
Hindi ko man lang ma experience yung ma inspire ng dahil may nagpapakilig sakin.
Ano nga bang gusto ko?
Yung may magtetext sakin sa umaga ng 'good morning, wakeupsweetie' with smiley face. Ang sweet siguro nun. Umaga palang buo na agad ang araw ko.
Yung may magpapa alala at magkukulit sakin na dapat kumain ako sa tamang oras. For sure mas tataba ako lalo dahil dun. But still, ang sweet padin.
Yung may magtetext sakin ng 'ingat ka ha, pakakasalan pa kita'pag may pupuntahan ako.
Yung kasabay kong pumasok tapos bubuhatin ang dala kong libro at ihahatid ako sa classroom. Tapos sasabihan ako ng 'goodluck sak lase' tapos ikikiss ako sa pisnge.
Yung yayayain akong mag date kami pag weekend kasi yun ang free time naming dalawa. At itatrato akong pinaka swerteng babae sa balat ng lupa. At masasabi ko nalang sa sarili ko na ang haba ng hair ko!