Sanity 4

17 1 3
                                        

Nagready na kami ni Margaux para sa night swimming na gagawin namin mamaya.

"Couz, which is better?" Iwinagayway ni Margaux ang hawak niya na nude self tie two piece at white plunge one piece swimsuit.

"Well, they're both beutiful but I like the black one."

"Okay!" Excited naman siya na pumasok sa bathroom para magpalit.

I'm looking at my reflection in the mirror. I'm wearing a barbie pink halter one piece swimsuit. I put my hair in a bun.

Inilagay ko na rin ang sarong ko tapos ay lumabas na. Doon ko na lang hihintayin si Margaux.

Paglabas ko ay nakita ko si Saint na nakatayo sa harap ng bungalow nila.

He waived at me, I waived back.

Lumapit siya sa'kin.

"Hi, Hera." He smiled at me.

Ayan nanaman at tila may nagkakarera na mga kabayo sa dibdib ko.

I just nodded at him.

"You look good in pink."

Pasimple ko na kinagat ang ibabang labi ko dahil sa papuri ni Saint.

"Actually, you look good in everything."

Stop it, Saint!

"Saint, catch." May ibinato si Adam sa kanya.

Mula sa bulsa ng board short niya ay naglabas ng isang box na maliit si Saint. It's a cigarette box.

"No smoking," saway ko sa kanya at itinuro ang signage na may nakalagay na no smoking.

"I love to break rules." He smirked.

"Hera."

Finally at lumabas na si Margaux.

"Let's go," anyaya ko at nilagpasan na si Saint na ngayon ay naninigarilyo na.

"Hera, smoking looks good on Saint, naging hot pa siya ng 10x!"

Histerikal si Margaux. I rolled my eyes. Kahit naman ata anong gawin ni Saint ay bagay sa kanya.

Umupo ako sa may pool deck. Hinayaan ko muna na nakababa ang mga legs ko sa tubig, mamaya na lang siguro ako magsuswimming.

"Hera, tara na!" anyaya ni Margaux na ngayon ay lumublob na sa tubig.

Tumango ako. "Maya-maya."

May naglahad ng juice sa harap ko at nang lumingon ako ay tumambad sa'kin si Saint.

"It's watermelon juice," aniya.

Tumango ako at tinanggap ang juice na binigay niya.

Umupo siya sa tabi ko at ininom ang laman ng baso na hawak niya, tingin ko ay isang klase ng brandy iyon.

Earlier he's smoking now he's drinking alcohol. Too many bad habits.

He licked his lower lip after he finished drinking.

"Stop staring. You make me wanna kiss you."

Agad na inalis ko ang mga mata ko kay Saint. Nag-init din ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Mahina siyang tumawa.

"You're new in Cebu, right?" he asked.

I nodded.

"Saint, samahan ko lang si Margaux." Biglang dumating si Adam.

"Go ahead."

Matalim ko naman na tinignan si Adam. Sa paraan ng pagtingin niya kay Margaux alam ko na nagnanasa siya rito pero huwag na huwag niyang subukan na hawakan ang pinsan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Losing SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon