"Umuulan na naman" mahinang ani ko. Habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan. Nagagalak ako sa mga nakikita ko. Paano nila nagagawang tumalon o bumagsak ng walang takot sa lupa kahit alam na nila ang kahihinatnan nila. KAMATAYAN, KASAWIAN, at PAGKALAHO.
Paano nga ba nila ginagawa iyun - dahil gusto kong malaman at gusto kong magawa dahil pagod na pagod na ako, ayaw ko na, sumusuko na ako.
" Clari" napatingin ako sa lalaking tumawag ng pangalan ko. Nakakasuka ang paraan ng pagtawag niya.
Wag mong bigkasin ang pangalan ko sa paraang iyan. Wag mo akong paasahin muli. Wag mo na kung bigyan ng dahilan para sirain muli ang mga desisyun ko. Hindi na ako muli maniniwala sa inyo. Ayaw ko nang paniwalaan kayo.
" Meron bang masakit sa iyo" puno ng pag-alala ang tono ng boses niya. Parang piniga ang puso ko sa di malamang dahilan.
" Kinakaawaan mo ba ako?" hindi siya sumagot at na natiling nakatayo lang sa puwesto niya kanina. Lumapit ako sa kaniya para sampalin siya ng malakas.
" Kilala mo ako, ayaw na ayaw kong kinakaawan ako" umiiyak kong ani kay Peter. Hindi siya nagsalita o sinagot man lang ang katanungan ko sa halip ay niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo ko na nagpatahan sa akin. Bakit naging ok ako pagkatapos ng paghalik niya sa noo ko at bakit pakiramdam ko ang linis linis kong babae sa paraan ng kanyang paghalik at pagkayakap?
Nang mapagtanto kong naging matagal na ang pagyakap niya sa akin - ay pinilit kong ikawala ang sarili ko sa gapos na nilikha niya gamit ang kaniyang mga kamay at braso.
Natatakot ako na baka ang pagyakap niya ay maging comfort zone ko, maging dahilan ng ayaw kong paghiwalay sa kanya, maging dahilan ng pagsandal ko sa kanya.
Natatakot ako sa maaaring mangyari - na baka kapag na pamahal na ako ng sobra sa kanya.doon naman siya magsasawa sa akin. Iiwan akong luhaan at kaawaawa.
" Please, Peter umalis kana, tigilan na natin itong kalokohan na ito" umiiyak na ani ko. Papakalwan ko na siya hanggang hindi pa huli ang lahat. 'Mahal kita' - ani ng isipan ko na siyang hindi ko masabi sabi sa kanya dahil sino ako para mahalan niya. Madumi akong babae at wala na akong maibibigay pa sa kanya.
Ngunit sa halip na umalis siya ay mas lumapit pa siya sa akin at dahan dahang hinawakan ang mukha ko na parang babasagin na kailangang ingatan. Unti unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ko ngunit bago ito dumapi roon ay unti-unti niyang inangat ang kanyang labi hanggang matagpuan nito ang aking noo at syaka hinalikan ito.
" Ayaw ko." ani niya na punong puno ng determinasyon.
YOU ARE READING
Ang Dalaga: Clarinet
RomanceSino pa ang magmamahal sa akin. Isa akong marumi at hindi kaaya-ayang babae.