" Gago, ayan na naman siya" malutong na mura ni Camille. Isa si Camille sa matalik kong kaibigan at palagi kong nasasabihan ng mga hinaing.
" Bayaan na natin, Cams. Titigil rin yan" napatawa ng malakas ang kasama ko sa aking tinuran.
" Kailan mo ba yan sasagutin si Pedro, sampong taon na yang nanliligaw sa iyo?" tanong naman ni Isabell.
" Pano niya sasagutin kung hindi naman niya gusto?" ani ni Karl.
Matagal na kasing nagpakita ng motibo ito ngunit hindi ko iyon magawang pansinin at bigyan ng pansin ang pagtingin nito. Labing dalwang gulang palang ako noon, noong nagsimula ang panliligaw niya sa akin. Wala naman akong naramdaman na pagkailang sa kanya dahil narin marunong itong makiramdam - kung ano ang bawal at ang ayaw ko. Isa lang talaga sa nakakainis sa lalaking kanina pa nakatingin sa akin ay kahit anong gawing kong paraan para mawala ang pagkagusto nito sa akin ay hindi tumalab-talab. Patay na patay parin sa akin.
" Hoy, Pedro!" malakas na sigaw ko. Na agad nagpapunta sa kanya sa tabi ko.
" Kailan mo ba titigilan ang kahibangan mo sa akin?" diretsyahan kong tanong na naging dahilan niya sa pagkamot sa ulo niya.
" Hindi ko alam, Basta gusto kita at lagi ko itong ipaparamdam sa iyo, atsyaka wala ka pa namang boyfriend kaya may pag-asa pa ako"
" Hahahhahha" sinagot ko nalang ng tawa ang kaniyang tinuran. Nakakailang kasi. Masyadong straight forward.
" Meron pala akong lakad maya. Sama ka" ani ko dito at syaka napagpasyahan ng umalis kasama sina Camille. Hindi ko na siya hinintay sumagot kasi alam ko naman na hindi siya tatanggi. Sayang ang segundo na pagintay sa kanyang sagot na alam ko naman.Makitid at sira-sirang kalsada ang dinaanan namin. Matataas rin ang mga halaman dito na kapag dumampi sa mga balat ay nakakasugat at sa harapan naman ay kitang-kita ang mga alon na nagsasayawan at tanaw narin ang aking tahanan - maliit at yari sa kahoy.Ilang minuto lang ay nakarating narin kami sa aking munting bahay.
" Cams, Isa, Karl. Pasok kayo" pag-aanyaya ko sa tatlo ngunit agad namang tinanggihan ni Camille at Karl. Sina Karl at Camille kasi ay galing sa isang marangyang pamilya at politiko. Sa katunayan nga ay tatakbo ulit ang kanilang ama sa pagka-mayor ng aming bayan. Kaya hindi ko masisi na hindi sila pumasok sa bahay namin, kung ikukumpara nga ang bahay namin sa kanila ay magmumukha itong bahay lang ng baboy sa sobrang liit at luma.
" sige, ingat kayo paguwi"
" Sorry talaga best ha, kahit gusto ko mang magstay. Daddy wants us to home na ehh"
" It's ok, Ikaw Isa. Baka hinahanap ka narin ng mama mo" ani ko dito upang paalisin narin sana kaso lang ay pumasok na ito agad sa bahay.
" Sige bye. Ingat kayo Cams at Karl" huling ani ko. Bago umalis ang mga ito.Pumasok narin ako sa loob ng bahay at una kong napansin ay ang paghahalwat ni Isa sa cabinet. Feeling home talaga ang isang ito kasi hindi man lang nagpaalam sa may-ari. Walang hiya hiyang kumuha ng Oishi na tinabi ko noong nakaraan.
" Best real talk ko lang" ani niya agad nang makaupo na siya sa tabi ko. Inalok niya rin ako na kumain ng oishi.
" Ano yun?"
" Pwede bang medyo iwasan mo sina Karl at Cams, Iba kasi ang pakiramdam ko sa kanila. Lalo na kanina"
" Bakit mo naman nasabi yan?"
" Basta, hindi ko sila feel. Ilang buwan mo na kasi sila kaibigan kahit kailan hindi pa sila nakakapasok sa bahay ninyo, Laging hanggang bukana lang" ani nito sabay paghawak sa isang picture frame na may apat na tao sa harapan at limang tao naman sa likod. Ako, si Papa, si Mama, si Diana - ang nasa harapan. Samantalang ang nasalikuran naman ay ang larawan nina Peter, Cheska, Isabell, ako, at si Aika.
" Wag kang mag overthink best" natatawa kong ani. Overprotective kasi masyado.
" Alam ko, ayaw ko lang na masaktan ka ng sobra at pagdating ng panahon ay magsisika. Wala na sina Tito at Tita na masasandalan mo at baka pagdating ng panahon ay mag-isa ka nalang. Yun yung kinatatakot ko, best"
" Andyan ka naman diba?"
" Alam ko. Pero hindi lahat ng oras. Makakasama mo ko. Kaya ingatan mo ang sarili mo at matuto kang pumili ng tama" ani nito at siyaka niyakap ako ng mahigpit.
" Tulog na tayo" aya ko sa kanya at tumango naman siya. Sinenyasan niya ako na mauna na sa higaan at siya'y tatawag lang kay tita upang magpaalam.
Dama ko ang lamig ng hinihigaan ko. Niyakap ko ang sarili ko. Habang inaalala ang unang araw na naging mag-isa ako. Nawala sina Mama at Papa, at si Diana na siyang inampon na ng mayamang mag-asawa na naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Hindi ko naman magawang kunin ang kapatid ko kasi alam ko na ang mga taong yun ay mas may pera na siyang kailangan ng kapatid ko para mabuhay.
Gusto sana akong isama ng mga taong iyun ngunit hindi ako pumayag dahil na dito sa Pinas ang buhay ko at hindi ko kayang makasama ang mga taong naging dahilan kaya naging ulila ako. Kahit anong sabihin ng iba na isang aksidente lang iyon, na hindi iyun sinasadya. Hndi parin maalis sa puso ko at isipan ko na kung hindi naman nasira ang break ng sinasakyan nila, hindi nila mabubunggo ang sinasakyan namin. Hindi mamamatay sina Mama at papa at hindi ako ulila ngayon.
" Best, payag si mama basta maaga lang daw ako umuwi at doon ka matulog bukas" ani nito sa akin.
" Atsyaka best ipikit mo na mata mo. Kilala kita nagsesenti ka na naman"
" O sige, hehheh" ani ko sabay dantay sa kanya.
YOU ARE READING
Ang Dalaga: Clarinet
RomanceSino pa ang magmamahal sa akin. Isa akong marumi at hindi kaaya-ayang babae.