Matheo Joachim Clayton's Perspective
" Hey bro!. Narinig mo na ba yung tungkol sa new student ng school? Balita ko lalaki daw na galing sa America. Pogi kaya yon? " salubong sakin ni Michelle pagkapasok ko pa lang ng classroom namin.First day namin ngayon as a 3rd year college student sa Yamata National University.
" Michelle, don't you think it's too early for that? First day na first day natin chismis na kaagad ang inaatupag mo. " pigil ni Justine kay Michelle tsaka ito inirapan. Napailing nalang ako tsaka pinagpatuloy ang pagpunta sa upuan ko. Naiiritang inilapag ko yung bag ko sa upuan ko tsaka pinakinggan na lang yung usapan ng barkada while trying to ignore their stares. Tss.
" So? I don't care kahit na first day pa natin ngayon.. porke first day bawal nang magtsismisan? Bakit nakasulat ba yan sa Book of Rules natin?! " inis na singhal ni Michelle atsaka inirapan si Justine. Napataas naman ang kilay ni Octavius dahil sa pag-aaway nung dalawa. " Just kiss already. " seryosong wika nito tsaka bumalik sa pagbabasa ng libro.
Napansin kong namula si Michelle, samantalang napaiwas naman ng tingin si Justine. Ayaw pa kasing umamin eh. Yung isa naman, manhid. Napasimangot nalang ako tsaka tinignan sila Xander at Danna na naglalandian sa tabi ko. Haist.maaga ata akong tatanda ng dahil sa mga to. Kinuha ko na lang yung mga unfinished assignments ko atsaka sinimulang tapusin. Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko nang biglang nag-ring yung bell at pumasok si Sir Lopez kasama ang isang ... lalaki?.. Napakunot yung noo ko ng pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito.
Sa tantya ko ay may tangkad itong 5'6. Mala nyebeng balat. Mahahabang pilikmata.Matang kulay tsokolate. Matangos na ilong. Malarosas na mga labi at balingkinitang katawan.. pero lalaki itong kumilos at mukha din itong lalaki. Bakla ba to?
" Good morning 3-A.. I want you to meet Mr. Democrion. Kindly introduce yourself. " wika nito matapos ay iginaya ang lalaki upang magpakilala. Tumingin naman ito sa buong classroom at inilagay ang kamay sa bulsa.
" I'm... Mark Andrei Democrion. 20. August 5, 1994. " napasinghap ang halos lahat saamin nang marinig namin ang malalim at malamig nitong tinig. Nakakangilabot yung boses niya. Natahimik ang buong klase pagkatapos nitong magpakilala.
" U-uhh.. L-let's p-proceed. Mr. Democrion, y-you may now take your seat. " nauutal na pahayag ni Mr. Lopez. Nagsimula itong maglakad papunta sa likod at umupo sa nag-iisang bakanteng upuan na unfortunately, sa tabi ko.
Naglakas loob akong kausapin yung transferee nung time na ng Lunch break namin.
" Gusto mong sumabay samin mag-lunch? " kaswal na tanong ko dito. Nagtirikan yung mga balahibo ko nung nilingon niya ko at mataman na tinitigan gamit ang kanyang walang emosyong mga mata. Napalunok ako.
" Who are you? " Naramdaman kong namawis yung kamay ko nung tanungin niya ako. Inilahad ko ang aking kamay at nagpakilala sa kanya. " Matheo Joachim Clayton. "pakilala ko dito. Tinanggap niya ang kamay ko at nakipag-kamay saakin. Napabitaw kaagad ako sa kanya ng may maramdaman akong kakaiba. Para akong kinukuryente.
Sinenyasan ko yung mga katropa ko na magpakilala na. Naunang nagpakilala si Danna.
" Danna Marie Consillio. Nice to meet you. "
" Michelle Lavorskia. "
" Justine Dane Morrin at your service. "
" Octavius James Lee. " Tinanguan niya lang kami atsaka tinitigan na para bang inaalam kung anong motibo namin at nakipagusap kami sa kanya.Tumango din naman siya atsaka naunang maglakad.
Habang tinatahak namin ang daan papuntang cafeteria, hindi ko maiwasang mapikon dahil sa titig at tilian ng mga schoolmates ko. Psh.
Ako si Matheo Joachim Clayton, ang lalaking hinahangaan ng mga babae at kinaiinggitan ng mga lalaki. Parang ang yabang pakinggan pero yan ang katotohanan. Captain ako ng basketball team ng school na pagmamamay-ari namin.I'm 21 years old. Tahimik pero hindi ako suplado. Wala na siguro akong dapat na sabihin pa, makikilala niyo din naman ako sa pagbabasa ng kwentong to.
Pagkadating namin sa cafeteria, kinuha namin yung table na nasa pinakadulong part. Nag-prisinta sila Michelle at Justine na sila nalang daw ang pipila.
Habang hinihintay namin silang bumalik, kinukulit ni Danna si Mark."Mark..Friends na tayo diba?" Danna habang pataas-taas pa yung kilay. Hindi sumagot si Mark. But knowing Danna's personality, she took that as a yes. Silence means yes daw kasi.
"Marky!, nagka-Gf ka na ba? " tanong ni Danna habang nakakandong kay Xander. Wag na kayong magtaka. Galing kasi si Danna sa States bago siya napunta dito kaya masyadong liberated.Inayos muna ni Mark yung bowtie niya bago siya sumagot ng simpleng " Not yet. "
" Iihh! bakit wala pa?! Bakla kaba?! " napaubo si Mark dahil sa tanong ni Danna. Napailing na lang ako. He's not that cold after all. Baka nanibago lang sa ambiance nang school.
Mark Andrei Democrion's Perspective
Tinitigan ko ang mga taong kaharap ko ngayon. I still can't believe that they talk to me and to make things more uncompelling, they want me to be their friend. This is the first time that I'm goin' to have a friend, cause quiet frankly, nobody have the guts to ask. Maybe because of my personality or because of my cold attribute.
"Marky!, nagka-Gf ka na ba? " tanong sakin nung Danna. Inayos ko muna yung bowtie ko bago sumagot ng simpleng " Not yet. "
"Iihh! bakit wala pa?! Bakla kaba?!" napaubo-ubo naman ako nung tinanong niya sakin yun. Napansin kong napailing si Theo (Mateo).Inayos ko muna yung bowtie ko para mas maayos yung labas ng boses ko sa voice changer. Yes, you read it right. This bow tie is just a voice changer. If detective conan is familiar to you, then you knew what I'm talkin' about.
" Ofcourse not. " 'cause I'm a girl, dugtong ko sa isip ko.
Hindi totoo si Mark Andrei Democrion. I just made him to hide my real identity. I'm Jade Andromeda Mazserion. 20 years old. 'Am not really this cold. Being cold is justy my facade, but when I'm Jade, I'm a certified playgirl. My parents told me that it's for my own safety but, they didn't tell me the reason why.Well, enough for the introduction.
Going back, nakita kong pabalik na sila Michelle dito sa table namin dala yung mga inorder namin. Sinalubong sila nung Octavius atsaka tinulungan dalhin yung mga pagkain sa table.
Habang kumakain, napansin kong kanina pa nakatitig sakin si Theo. Tinitigan ko siya. Oh my gollyness!! ang pogi niya pala. Napa-ngisi nalang ako. I guess, I just spotted my new target.
..
Nandito na ulit kami sa classroom. While waiting for our Literature teacher, my phone went off. Lumabas ako ng room tsaka yon sinagot.
" Hello? "
" J-jam... s-si L-lu-ke. "
" What happened to him? "
" S-si L-l-luke.. JAM!! SI LUKE! *sniff* "
" Hey, calm down first, okay?"
"o-okay.*inhale*"
" Now tell me what happened? "
" THEY a-attacked his f-f-family, Jam!! "
"What?! Wait for me! Don't do anything stupid, Sofia.." I warned her then hanged up. Dali-dali kong kinuha yung gamit ko sa loob. Patakbo na sana ako sa labas ng room nung may humawak sa kamay ko.
" Hey. anong nangyari? " nag-aalalang tanong ni Theo sakin.
" Emergency. " walang emosyong sagot ko dito.
" Samahan na kita. " hindi ko na siya sinagot. Nagmadali akong pumunta sa parking lot ng school. Pinaharurot ko na yung sasakyan ko pagdating ko don.