Secret 2:The Witness

22 0 0
                                    

Mateo Joachim Clayton's Perspective

Naiwan akong nakatanaw sa sasakyan niyang mabilis na lumalayo hanggang sa di ko na yon makita. Nagsimula na kong maglakad papunta sa next class ko nung nakasalubong ko sila Michelle.

" Where's Marky? " tanong sakin ni Danna atsaka tumingin sa likod ko.

" Umalis. May pinuntahan daw na emergency." kibit balikat kong sagot sa kanila tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Mabilis na lumipas yung first day namin, at ngayon on the way na kami palabas ng university. Well actually, ako lang yung palabas. Sa parking kasi diretso nila. Kaya ko naman kasing lakadin hanggang sa condo unit ko.Aksaya lang sa gasolina. -.-

" Sige bro, dito na kami." paalam sakin ni Xander sakin. Bago pa siya makalayo tinanong ko muna siya kung bakit di siya nagpakilala kay Mark kanina. Ang wierd nga kasi ngumiti lang siya tsaka nagkibit balikat. Problema nun? -_-.

Pinagkibit balikat ko na lang yung kabaliwan ni Xander tsaka tinahak yung daan papunta sa condo ko. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa bulsa ko. Di ko mapigilang maisip si Mark habang naglalakad. Parang ang weird lang kasi ng character niya para sakin. Idagdag pa yung itsura niya.

If pagsasama-samahin yung mga kakaibang characteristic niya, eto yung lalabas:

una, yung body frame and form ng mga external body parts niya, parang pang-babae.

pangalawa, pag naglalakad siya, di ko mapigilang pansinin yung movement ng hips niya. Para kasing may pag-sway. Di lang masyadong pansin kasi baggy shirt yung suot niya.

pangatlo, lagi niyang inaayos yung bowtie niya bago magsalita. Mannerism niya ba yon?

pang-apat, masyado siyang misteryoso para sakin

in short, bakla siya. -.- Ngayon lang ako nagkaron ng kaibigang bakla. tss. wala namang kaso sakin yun.

Napatigil ako sa paglalakad nung may narinig akong sigaw na nanggagaling dun sa abandonadong ospital. brrr. -.- bigla akong kinilabutan. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pero napatigil din nung may malalaglag mula sa third floor nang ospital. ?_? Nilapitan ko yon. o.o The fvck?! Bakit may corpse dito?!

Sobrang lala nang itsura nung lalaki na halos-- no, hindi mo na talaga siya makikilala. Basag na basag yung mukha niya habang puno naman nang dugo at bali bali na yung katawan niya.

" Ahhh!!!" napalingon ako sa bintanang pinanggalingan nung corpse, may nakita akong lalaking nakalawit na yung kalahati ng katawan niya, may taong nakahawak sa kanya pero hindi ko yon masyadong makita. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba yon, tatakbo para humingi ng tulong o babaliwalain ko na lang kung ano man yung nakita ko ngayon. Naglalaban kasi yung awa at takot ko. Pano kung patayin din ako nung killer? Pano kung ihulog niya di ako or worse, balikan niya yung pamilya ko? pero pano namn yung mga pinatay niya? In the end, I decided to ask for help. Hinihingal kong narating yung pinakamalapit na police station two street away from where I accidentally witnessed a fvcking crime.

Inasikaso kaagad ako nung mga pulis pagdating ko don. Sinalaysay ko yung mga nakita ko kanina na agad naman nilang inaksyunan. Sinama nila ako para ituro yung place. Pagdating namin don , nagpaiwan na lang ako sa sasakyan kasama ang dalawang police. Kinakabahan akong naasid sa paligid dahil baka bigla na lang sumulpot yung killer at patayin ako. Napatingin ako sa may mapunong part nung nakita kong gumalaw yung mga puno ng bahagya. And that's the time na naramdaman kong gusto kong tumakbo ng tumakbo hanggang sa makalayo ako sa kanya. Ang oras na nakita ko siyang tumingin sakin at tinapat yung hintuturo niya sa labi niya na para bang pinapatahimik ako. Sobrang bilis ng hininga ko at rinig na rinig ko na yung malakas na tibok ng puso ko na parang gustong lumabas sa dibdib ko. Gusto kong iiwas yung tingin ko sa kanya aat magtago pero nanatiling nakapako ang mga mata ko sa kulay lila niyang mga mata. Hiniling ko na sana bigla na lang akong maglaho sa kinauupuan ko at lamunin ng lupa pero hindi yun natupad hanggang sa tuluyan na siyang umalis sa kanina niyang pwesto. Nanatili lang akong nakatulala dun sa pwesto niya kanina.

The Gangster's Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon