My Lost Wallet

22 0 0
                                    

My Lost Wallet

 Property of Ashliing ^___^







****


"Click" ang gwapo talaga ni Allenth! mapaside-view man at kahit nakatalikod, ang gwapo parin !!


"Click" para tuloy akong timang kakasunod sa kanya. Picture lang ako ng picture at pagkatapos, ipaparecopy ko at ilalagay sa wallet ko. May dalawang album nanga ako na puro picture nya ang nakalagay pero ngayon, sa wallet ko nalang nilalagay. Pati Cellphone ko , mukha nya ang may pinakaraming picture dito. Stalker ba ang peg ? Well, tawagin nalang nating Secret admirer. para sa mga pangit lang yung stalker na term diba ? hihi >___<


"Christine! sunod ng sunod ka nanaman sa crush mo ?" Sabi ng pinsan kong si Julie.


"Ang gwapo eh"


"Obssesed kana sa Allenth na yan"


"Sinabi mo pa"


"Ang tanong .. May gusto ba sya sayo ?"


"Ewan ko ?" sabay kibit balikat


"Eh parang hindi kanga napapansin nyan. Tingnan mo nga oh, ang daming babae na nakapalibot. Ni tingin man lang dito, wala! Mukang di ka nga kilala ehh" with matching cross arms.


"Alam mo, Ang supportive mong pinsan ! Thankyou huh ?" -sabay smirk. Kainis talaga tong babaeng to ohh


"I'm just concern. Baka kasi mag assume ka dyan na magkakagusto din sya sayo"


"Siguro noon, umaasa ako pero hanggang don nalang yun. Diba nga sabi mo, ang daming babaeng nakapalibot kaya malabong magkakagusto din sya sakin"


"Hayy ewan ko sayo. Halika na nga sa canteen, nagugutom na ako" sabay hila sakin at yun ! sumunod naman ako




CANTEEN...


"Anong gusto mong kainin ?" tanong nya


"Treat mo ?"


"Anong ako ? Treat mo !!"


"May patanong-tanong kapang nalalaman tapos ako din pala ang magbabayad" 


"Sos ! wag kanang umangal! Dali na, gutom na ako" sabay kalabit sa right arm ko. Walangjo talagfa tong babaeng to ohh

Kinuha ko nalang ang wallet ko sa bag ko


*Halughog*

My Lost WalletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon