CHAPTER 01: FIRST DAY

164 51 11
                                        

°•°•°•°•°•°•°•°
First day
°•°•°•°•°•°•°•°

ASHRA POINT OF VIEW

Grabe!

Napakalaki talaga ng gate ng school na ito! Nakakaloka!

Oh! Gate pa lang 'yan ha, bongga na.

Pero . . . para tuloy akong matatae dahil sa nerbyos!

Basta! Masaya ako na kinakabahan.

USM (University of San Miguel) tunog alak kung iisipin pero wag ka! USM is the most biggest, famous, and fancy school in town! Dito nag-aaral ang mga mayayaman sa lugar na nilipatan namin, nalaman ko 'yon sa pag search sa Facebook.

Kung iniisip n'yo na mayaman ako, ang sagot ko ay hindi, ang Grand Dad ko ang mayaman, ang Daddy ni Mom, na Lolo ko, kaya no wonder kung bakit ako pinatransfer sa prestigious school na ito.

Kung tutuusin hindi ako bagay sa gan'tong school, dahil unang una sa lahat, sa province ako nanirahan for years kasama ang Grand Mom ko, ang Mama ni Mom, na Lola ko, kaya hindi kilos mayaman ang datingan.

Ito ang pangalawang araw na makikita at mapapasok ko ang school na ito pero kahit ganon ay kinakabahan pa din ako ng husto dahil syempre, panibagong pag-a-adjust nanaman, at syempre excited din ako sa mga mangyayari sa'kin dito.

"Hija? Papasok ka ba?" Nagulat ako kay manong Guard ng bigla itong magsalita sa gilid, napansin n'ya siguro na nakatayo lang ako dito sa labas.

Teka lang manong nag mo-moment pa po 'ko dito eh.

Nginitian ko s'ya, "Opo." I walked towards the gate and stepped inside.

Pero pagtapak ko ng mga paa ko sa loob eh parang gusto ko na lang lumabas ulit!

Nahiya bigla yung dumi ng sapatos ko eh.

Naka black pants and white t-shirt lang kasi ako, with matching white rubber shoes na kahit kailan ay hindi ko nagawang labhan!

Hindi pa kasi nabibigay ang uniform na binili ko online, na out of stock kasi nung time na umorder ako, sa dami ba naman kasi ng estudyante dito ay syempre magkakaubusan talaga, kaya no choice si bakla.

Simula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko na agad yung malaking fountain na nasa gitna ng dalawang magkatapat na building.

Taray! Pwede ba mag swimming d'yan?

Ibang-iba talaga ang school sa Manila kesa sa province, at kahit papa'no na miss ko ang mga school dito sa Manila, grade four lang ata ako nung lumipat ako kay Grand Mom, at doon ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko. Grabe, ang laki ng pinagbago ng Manila sa loob ng ilang taon na nasa probinsya ako.

After a few minutes of day dreaming, I suddenly remembered something.

Kailangan ko pa pa lang pumunta sa Principal office.

Naglakad na'ko papunta doon sa kaliwang building which i know na that's the main building, I know na where the Principal office is because I already went there nung enrollment day.

I look so stupid dahil nakangiti ako habang naglalakad, pero nanginginig ang mga kamay dahil sa kaba.

Sinong hindi kakabahan eh lahat sila nakatingin sa akin!

Kinikilig ako na mag-aaral ako sa ganito kagandang school, pero at the same time kinakabahan din sa mga mangyayari, ang goal ko lang naman ay yung typical Senior year life, tutal kami naman na ang pinaka matanda ngayon sa highschool! Yung animo papasok lang ng school makikinig- kahit na never kong ginawa 'yon- kakain at uuwi din, dahil pa graduate naman na ako ay 'yun lang ang tanging gusto ko sa ngayon, at siguro . . . ito na din ang chance ko na magbago, at humiling ng simpleng buhay?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunset With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon