All names, characters, business, and events mentioned in the story are fictitious only. The story was made beyond the author's imagination. Any resemblance to real people, alive or dead, or real events is purely coincidental.Be informed that this story may contain a huge number of grammatical mistakes, spelling mistakes, etc.
Enjoy reading!
-
Remember Me.
Nakakahiya.
First day ko sa trabaho bilang tutor tapos pawis na pawis ako. Ilang trycycle na ang dumaan at niyaya ako kaso tumanggi ako. Mas mura kasi pag jeep ngunit ni isa ay wala akong makita.
"Miss, sumakay ka na!" Napalingon ako sa driver na kinakausap ako. Kanina niya pa ako niyaya pero ang mahal kasi pag trycycle, kahit na gusto ko pa. "Sampu na lang sa'yo, maganda ka naman!" Narinig ko ang halakhakan nila ng mga kasama nito sa toda.
Pag 'tong sampu na 'to hindi totoo!
Tinaasan ko ng kilay ang driver. "Sure ba, Kuya?"
Tumango siya ang sumakay na sa motor ng trycycle. "Oo, miss. Sakay ka na."
Hindi naman ako nangamba na dadalhin niya ako kung saan dahil umaga pa lang. Isa pa, bakit niya naman pipiliin gumawa ng masama kung gayon wala na nga siya maisakay na pasahero.
Inayos ko ang mga folder na may laman na requirements na nasa hita ko ngayon habang nakaupo. "Kuya, dun sa Maria Villages."
Mabilis ako nakarating ang sinasakyan ko. Nagbayad ako pagkababa at nagpasalamat. Totoo ngang sampu lang.
Hayaan mo Kuyang driver pag ako yumaman babalikan kita.
Tinanong ko sa guard dun sa village kung saan matatagpuan ang address na sinend sa'kin ng employer ko. Hindi naman ito ganon kalayuan pero muntikan na ko maligaw at malula sa magaganda at malalaking bahay dito.
Nakakaisang doorbell palang ako nang may lumabas na agad na babae, tingin ko ay nasa edad singkwenta na rin ito.
Maaliwalas ang mukha niyang ngumiti sa akin. "Pasok ka ineng!"
Paano kaya ako makakapasok nakasara ang gate nila? Nginitian ko siya at saka tinuro ang gate nila.
"Itinutulak lang 'yan," saad niya na may pagtawa pa.
Napapahiya naman akong itinulak ang gate. Hindi ako makapaniwala na hindi yun nakalock kasi sinubukan ko kanina buksan, ayaw matulak.
Pagpasok ko bumungad sakin ang pinakamagandang bahay na nakita ko sa buong buhay ko. Sa tingin ko ay tatlong palapag ito. Malaki ang mga salamin sa bawat exterior ng bahay at matatanaw mo ang garden sa likod bago ang garahe nila na may dalawang mamahaling kotse.
Hindi kalaunan din ay nakarating ako sa bahay nila dahil sa likod ako pinapasok nung babae. Ganoon ba talaga pag mayaman? Mayroon din receiving room sa likod? Sa amin kasi magkasama na ang dining at living room na nagiging bedroom pag gabi.
Buti na lang malamig sa bahay nila. Nawala yung pawisan kong likod at noo.
May naamoy akong niluluto at sa gulat ko ay ang daming nakalatag sa kitchen table na dinaanan ko. Dumeretso kami sa isang kwarto na tingin ko ay opisina. May kinuha na mga papeles ang ginang don at humarap sa akin.
Ngumiti siya sa akin. "Upo ka muna iha." Agad ko naman itong sinunod at umupo sa couch na malapit sa pintuan.
Binigyan niya ako ng ballpen at mga papel na tingin ko ay pipirmahan ko. Binasa ko kung ano ito at sinigurado na tutor nga ang inapplyan ko.
YOU ARE READING
Remember Me
Short StoryRemember Me. A tale of two people who suddenly cross paths after having quite different lives-an optimistic young girl and a hopeless young male. Will they be able to accept each other's customs while still finding love? Or will it simply become a m...