7

1K 33 0
                                    


THE MASOCHIST REVENGE
KIEFER + ALLYSSA ( R-18 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

Chapter 7

"Babe, okey ka lang? May problema ba?"
mahinahong tanong ni Vincent nang
mapansing nag-iba na ang ikinikilos ni
Allysa.
"Nothing! Iniisip ko lang ang mga bata," she
smiled at him para ibigay ang assurance na
okey nga lang siya. Tumusok siya ng isang
hiwa ng kamatis sa chicken pesto salad na
inorder niya saka dinala sa bibig para kainin.
Ang kay Vincent naman ay cherry wood
smoked salmon.
"Do you still love him?" seryosong tanong
ng kasintahan na pilit itinatago ang lungkot
sa mga mata pero hindi iyon nakaligtas kay
Allysa. Pinagmasdan niya ng mabuti ang
kaharap. Gwapo, matangkad,
malakas ang sex appeal at higit sa lahat ay
husband material. Ang dami ring pasyente at
magagandang nurses ang nahuhumaling dito
kaya masasabi niyang napaka swerte niya kay
Vincent. Walang bisyo at napaka gentleman.
"I love you," akangiti niyang tugon dito.
"That's not the answer for my question,
babe." He raised his eyebrows na parang
naiinis kaya tumawa nalang si Allysa. Alam
kasi niyang niloloko lang siya nito.
"Whatever!" She rolled her eyeballs as she
took a sip of her vanilla milkshake.
"Tssss... Pasalamat ka, cute ka." Napailing
na sabi ni Vincent habang hinihiwa ang
salmon.
"So? Mahal mo ako dahil lang sa cute ako?"
parang bata na pagtatampo ni Allysa.
Masasabi niyang kampante siya sa binata
dahil mula noon ay ito na ang nakakabisado
ng pag-uugali at pagtatampo niya. Alam din
nito kung paano siya mapapaamo.
"What do you think?" sabay wink ng
kaharap.
"Heh!" Saway ni Allysa pero may naalala
siya. Ang nangyari sa kanila ni Kiefer noong
isang araw. She felt guilty dahil may
boyfriend na siya pero kay Kiefer parin siya
nakipagtalik ulit.Hindi niya rin maikaila na
nagugustuhan niya at mas lalong naging
masarap ang pakiramdam niya lalo na noong
nakikita niyang pagod na ang kapartner sa
pakikipagtalik.It's a strange feeling that she
did'nt feel before na hindi niya ma explain.
"Awww... fuck!" Mura ni Vincent nang may
mainit na tumapon sa kanyang likod.
"S-sorry, s-sorry po. 'Yung a-anak ko po
kasi e, naging malikot." Paumanhin ng babae
na inaalis ang sauce sa damit ng binata
gamit ang panyo.
"Nextime kasi h'wag kang tatanga-tanga!"
Singhal ni Allysa sa babae na nataranta pero
ang kaliwang kamay ay nakahawak sa anak
na mag-aapat na taon. Sa tantiya ni Allysa
ay magkasing-edad lang ang mga ito at ang
kambal niya.
"Nextime, be careful!" Nairita na ring sabi ni
Vincent at tumayo para harapin ang babaeng
nakatapon sakanya.
"I'm sorry," nakayukong paumanhin nito.
"It's okey! Mag-ingat ka na lang."
Napasulyap si Vincent sa batang nagtatago
sa likuran ng ina.
"Hey kid! I'm not going to hurt your mom,"
he smiled at him para bigyan ng assurance
ang bata na harmless siya.
"Have We met?" nakakunot ang noo niya na
inaalala kung nagkita na sila ng bata dahil
familiar ito sakanya.
"T-tingin ko parang nagkita na nga tayo."
pilit ding inaalala ng babaeng kaharap.
Maganda ito, balingkinitan ang
pangangatawan at maputi. Obvious na anak
nga niya ang kasama dahil magkamukhang-
magkamukha silang mag-ina.
"Na admit kana ba sa Makati Med?" tanong
ni Vincent. He is a doctor kaya kung familiar
siya pagmumukha ng isang tao ay malamang
naging patient niya ito.
"Ah yes! Ikaw nga po pala doc. Ikaw iyong
nagbigay sa akin ng chocolate," napangiti si
Vincent nang maalala. Bumili kasi siya noon
ng chocolate dahil tingin niya ay
nahahypogly siya. Ang kaso, pambata naman
ang nabigay sakanya.
May nakita siyang isang babae na nakaupo
sa labas ng OPD na parang may hinihintay.
Tila malungkot ito at ang lalim ng iniisip
kaya iniabot niya rito ang hawak na isang
piraso ng chocolate tapos umalis na dahil
may ooperahan pa ito. Isa siyang heart
surgeon sa Makati noon bago pumunta sa
Canada at doon na nga niya nakilala si
Allysa.
"Ehem!" Tikhim ni Allysa para mapansin siya
ng dalawa.
"Naku! Sorry po talaga, doc." Paumanhin uli
ng babae.
"It's okey, sa likod lang naman e. Ano pala
ang name ng cute na bata?" tanong ni
Vincent na magiliw na nakatingin sa bata.
"Karf Jairus po, doc." Nakangiting sagot
nito.
Umalis na ang babae kasama ang anak.
"Do you know her?" tanong ni Allysa. Kanina
pa badtrip ang dalaga lalo na nang
mapasulyap siya sa gawi nina Kiefer at sakto
namang pinahidan ni Gretchen ang dumi sa
labi ng binata.
"Nakilala ko lang sa hospital babe," isang
ngiti ang ibinigay niya kay Allysa.
"Okey."
Pagkatapos nilang kumain ay naisipan nilang
mag-ikot-ikot muna pero ang isip ni Allysa
ay lumilipad sa mga anak niya. Bigla siyang
kinabahan nang maisip na baka itakas ni
Kiefer ang mga ito.
"Babe? Is it okey na magtaxi ka nalang
pauwi? May emergency lang kasi sa
hospital," nag-aalalang wika ng binata nang
mabalitaang dinala ang mommy nito sa
hospital. Kakalabas lang nila sa Exit dito sa
Glorietta.
"Dont worry, kaya ko nang umuwing mag-
isa. I'm sorry din if I can't accompany you.
Kailangan ko lang talagang kunin muna ang
anak ko." Kanina pa siya hindi mapakali. Lalo
na ngayong kasama ng mag-ama niya ang
babaeng naging rason kung bakit muntik na
silang mamatay na mag-ina.
"Sige. Mag-ingat ka babe," hinalikan na siya
nito sa pisngi at nagmamadaling tinungo
ang parking lot.
Ilang segundo rin siyang nakatayo lang dito
at pinagmasdan ang mga taong dumadaan
sa harap at likuran niya habang nag-iisip.
"Hindi 'to tama!" Dali-dali siyang bumalik sa
loob ng mall. Bahala na basta hahanapin
niya ang mag-ama. Kung kailangang
halughugin pa niya ang buong Glorietta Mall
ay gagawin niya.
"Damn! Kiefer nasaan kana?" napapagod na
siya sa paglalakad. Dagdagan pa dahil naka
stilleto siya kaya halos mamaga na ang
kanyang mga paa. Wala rin siyang number
ng binata.
"Mommy/Mommy!" Parang nabunutan siya
ng tinik sa dibdib nang marinig ang boses
ng kambal palapit sa kanya na may bitbit na
mga laruan. Robot, kotse at kung ano pa
ang pwedeng mahawakan ng mga kamay.
Para siyang sinaniban ng demonyo nang
makitang hawak-kamay pa sina Kiefer at
Gretchen.
Pasimple namang iwinaksi ng binata ang
kamay nito nang mahalata ang reaksyon ni
Allysa. Kanina pa kasi ito hawak ng hawak
sakanya na ikinaiinis din niya.
"Let's go home na?" maluha-luhang tanong
niya sa kambal sabay yakap. Ang buong
akala niya ay itinakas na ni Kiefer ang anak
nila.
"Allysa? Bakit hindi muna kayo pumunta sa
bahay, hija? Doon na kayo magdinner ng
mga bata para sabay na kayo kina Kaye at sa
Kuya mo." nakangiting paanyaya ni
Mrs.Villareal.
"I'm sorry tita, but I'm so tired. Maybe in
some other time nalang po," she smiled
back. Wala naman siyang problema sa mag-
asawa. Sa anak lang ng mga ito.
"Sige hija, masaya kami dahil binigyan mo
kami ng pagkakataong makilala ang aming
apo." Sabi ng ama ni Kiefer. Nasa mga mata
nito ang tuwa at galak.
"Wala po iyon tito, karapatan din po ng mga
anak ko na makilala kayo. Maraming salamat
din po dahil tinanggap ninyo sila," saad niya.
Maaaring malaki ang kasalanan ni Kiefer sa
kanilang mag-ina pero wala rin siyang
karapatang idamay ang iba.Bastat para sa
mga bata ay handa siyang magparaya.
Maliban na lang pagdating kay Kiefer. No
way na magpapatalo siya rito.
"Of course, kahit ano man ang kalokohan
nitong anak ko ay hinding-hindi namin
tatalikuran ang aming kadugo. Sabihin mo
lang kung kailangan mo ang tulong namin.
Nandito lang kami," isang tipid na ngiti ang
ibinigay niya sa matanda.
"Salamat po. Oh, magpaalam na kayo kina
grandma at grandpa." utos niya sa kambal
na naghalik naman ang mga bata sa mag-
asawa.
"Ihatid ko na kayo," pagpresenta ni Kiefer.
Ayaw niya lang ipaalam sa mga magulang na
roon na siya umuuwi sa mansion nina Allysa.
"Paano ako?" maarteng sabat ni Gretchen.
"Ihatid mo na ang syota mo! Kaya naming
umuwi na wala ka. Nasanay na kami! Ano pa
ba ang bago?" naunahan na siya ng inis kaya
padabog na naglakad siya palabas bitbit ang
dalawang bata na nakahawak sa magkabila
niyang kamay. Wala na siyang pakialam kung
ano ang sasabihin ng mga magulang ni
Kiefer.
"Allysa!" Tawag ni Kiefer tapos sinabayan
siya sa paglalakad.
"Bumalik kana ro'n."
"Sasama ako sa inyo," kinuha niya ang ilang
laruan na bitbit ng mga bata.
"Hindi kita pinipilit na sumama sa amin."
Nakalabas na sila sa Exit.
"Kusa akong sasama sa mag-ina ko," hinila
niya ang mga bata papunta sa parking lot.
"Wala kang mag-ina dahil kahit kailan ay
hindi ka naging AMA! Bitiwan mo nga ang
anak ko!" May iilan na ring nakapansin sa
kanila dahil sa pagtatalo.
"Anak ko rin sila!" ag-giit ni Kiefer.
"Hindi ka naging ama!" Kumukulo na talaga
ang dugo niya at pakiramdam niya ay hindi
siya magiging okey kapag hindi niya
mailabas ang tensyon at emosyon na
nararamdaman.
"H-hon, tara na! Uwi na tayo
okey?"malumanay na pakiusap ng binata
dahil pinagtitinginan na sila.
"Umuwi ka kung gusto mo!" Wala siyang
choice kundi hilain ang mga bata.
Nakasunod naman si Allysa sa kanya.
"Kiefer, ano bah!" Pero parang bingi ang
binata. Binuksan niya ang pinto sa backseat.
Sina Drei at Drew naman ay nakakunot ang
noo sa mga magulang.
"Sakay na kayo," pumasok naman ang
dalawa dahil sa takot tapos inilagay niya ang
seatbelt ng dalawang bata at umikot sa
unahan.
"Sasakay ka o iiwan ka namin dito, Allysa?"
he commanded.
"Fine! STUPID!" Wala siyang choice kundi
ang sumakay sa front seat sa pabagsak na
isinara ang pinto.
"I know, I'm stupid!" Pinaandar na nito ang
sasakyan.
"Alam mo naman pala, e!"singhal ni Allysa.
"Do you think normal sa isang Ina na
pagsabihang Stupid ang ama ng anak mo sa
mismong harapan nila?" mahinang tanong ni
Kiefer at hinigpitan niya ang paghawak ng
manibela. Buong buhay niya ay wala pang
nakapagsabi sa kanya na stupid siya. Kung
meron man ay sinusuntok niya agad ito pero
hinding-hindi niya magagawa kay Allysa ito.
"Ow? The father they did'nt know they had,"
he smiled bitterly and smirk.
Natahimik naman si Kiefer sa sinabi nito.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko para
makabawi sainyo Allysa?" malungkot na
tanong ni Kiefer. Gusto na niyang bumalik sa
dati ang kanilang pagsasama. Gusto na
niyang maging maayos ang lahat sa kanilang
pamilya pero paano niya magagawa iyon
kung galit na galit sa kanya ang ina ng
kanyang anak?
"Just tell me at gagawin ko." Desperadong
tanong niya nang hindi ito sumasagot.
"Okey, later. Sabi mo, e. Your wish is my
command." makahulugang sagot ng dalaga
na medyo nagpakaba sa dibdib ng binata.

A/N;
Sorry sa typo..grammar blah blah
blah..etc...

ALLYSA's REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon