Chapter 3

128 8 0
                                    

Chapter 3

Catalla's P.O.V

Andito kami sa Garden .. tinuturuan si Shiela ng Espada .. kahit papaano naman may natutunan naman si Shiela saamin ..

"Break nga muna .. Nagugutom na ako eh .." sabi ni Amber .. sabay upo sA damuhan .. kaya umupo na rin kami .. naglabas si Amber ng isang wand .. at gumuhit ng cookie sa ere .. at boom !! naging isang totoong cookie ito .. ang galing ..

"Wow ang galing .. diba yan yung sikat na magic wand na binebenta sa bayan ??" tanong ni Shiela ..

"Ah Oo eto nga .. pwede kang gumuhit ng kahit anong bagay at pagkain magiging totoo .. hindi nga lang pwede ang mga may buhay na bagay tulad ng hayop o halaman .." paliwanag ni Amber habang gumuguhit parin ng cookies .. "Hayan .. marami na siguro yan .. kain na .."- Amber .. at kumain na nga kami .. ang sarap parang Binaked talaga ..

"Ang sarapnaman Amber .." sabi ko naman habang nakangiti ..

"Hahahaha Salamat .. Uy Catalla magkwento ka naman tungkol sa mundo ng mga tao .. hindi pa kasi kami nakakapunta doon eh .." sabi ni Amber ..

"Sa mundo ng mga Tao ?? .. Ammmm .. Maganda .. maraming lugar na pwedeng pagpasyalan katulad ng Parks, Malls, at ang pinakapaporito ko sa lahat ay ang Amusement Park .. marami kasi doong mga extreme rides na pwedeng sakyan .. sa Mall doon ka makakakita ng mga Botique na pinagbibilihan ng damit, sapatos at kung ano ano pang sinusuot .. makakakita ka rin sa mall ng Book Store makakabili ka doon ng kahit anong librong gusto mo ..o at kung ano ano pa " sabi ko .. halata naman sa mga mukha nila ang kagustuhang pumunta doon ..

"Talaga ?? parang gusto ko pumunta doon .. gusto ko sumakay sa mga Extreme Rides na sinasabi mo .." sabi naman ni Shiela ..

"Oo ako din .. Tapos bibilihin ko lahat ng magugustuhan kong damit sa Botique .." sabi naman ni Amber ..

" Syempre ako rin .. bibilihin ko lahat ng mga magustuhan kong libro .. hayy .. gusto kong pumunta sa mundo ng mga tao .." sabi naman ni Micah .. at nagkwentuan pa kami ng kung ano ano .. maggagabi na ng napagpasyahan naming umuwi .. papunta na kami sa Dorm namin nang may humarang na isang babae at tatlong lalaki .. teka mga kaklase ko 'tong mga 'to ah ..

"Magandang gabi sainyo .. Ako nga pala si Nami Ventus isang Class S Wizard .. Miss Catalla pwede kaba naming makausap sandali ?? .." sabi nung babaeng may kulay light green na buhok at mata .. yung mga kasama ko naman parang napipi ..

"Bakit nyo naman ako kakausapin .. may nagawa ba akong kasalanan ?? .." tanong ko .. bigla namang tumawa yung may bughaw na buhok at mata ..

"Hahahaha .. nakakatuwa ka naman Catalla .. Wala kang nagawang kasalanan gusto ka lang naman namin kausapin .." sabi nito .. tiningnan ko naman sina Amber .. ngumiti naman sila at tumango ..

"Sige sumama kana .. ihahanda ka nalang namin ng hapunan .." sabi ni Amber .. nginitian ko nalang sya ..

"Halika na Catalla para maaga ka makapag hapunan .." sabi nung bughaw na buhok .. Yung dalawa naman nilang kasamang lalaki tahimik lang ..

h

Nag-umpisa na silang maglakad kaya sumunod narin ako ..

huminto kami sa isang kwartong may malaking lamesa ..

Sa hindi malamang dahilan biglang sumakit yung ulo ko .. tapos parang may nakikita akong mga emahe .. pero malabo pa ..

"Princesse Catalla dito tayo magtago sa ilalim ng mesa .. Para hindi tayo makita ni Erik .." sabi ng isang batang babae na may kulay berdeng buhok .. at hinalay ang kamay nito sa batang babaeng may kulay brown na buhok .. agad naman nitong kinuha ang kamay ng 'Kaibigan'

Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil talagang sumasakit na ito ..

"Catalla .. Ayos kalang ba ??" may halong pag-aalalang tanong nung bughaw na lalaki .. lumapit na rin yung mga kasama nya .. at halata sa mga mata nila ang pag-aalala .. bakit ba sila nagkakaganyan ?? ..

"Bigla lang sumakit yung ulo ko .. pero kaya ko naman .. ano ba yung pag-uusapan natin ??" tanong ko sa kanila .. bigla naman silang nagkatinginan .. at tumingin ulit sila saakin .. ano ba talagang problema nila ..

"Miss Catalla siguro sa susunod nlang namin ikaw kakausapin .. kumain ka muna at magpahinga sa gayon hindi na sumakit ang ulo mo .. at baka hindi kapa makalaban bukas .." sabi ni Nami ..

"Sige .. baka nga maalis ang sakit ng ulo ko .. baka pagod lang ako .. sige Magandang Gabi .." sabi ko nalang at lalabas na sana nang may nagsalita mula sa likod ..

"Good Luck bukas Catalla .." sabi nung Kulay Gray ang buhok na kanina pa tahimik .. humarap naman ako sa kanya at nginitian ..

"Salamat .. Good Luck din sayo at sa inyo .." sabi ko .. at umalis na .. masakit pa rin ang ulo ko .. siguro pagod lang ito .. nang makarating na ako sa dorm .. naabutan ko sina Micah at Amber na kumakain na ..

"Oh .. Ang bilis naman ata nang pag-uusap nyo ng mga Element Royalties ?? " sabi ni Amber ..

"Hindi natuloy ang pag-uusap namin eh .. kasi biglang sumakit ang ulo ko .." sabi ko naman ..

"Ganoon ba ?? .. Kumain ka muna baka gutom lang yan .."- Amber .. kaya umupo na ako at kumain na ng pagkain .. pagkatapos naming kumain .. sinabi saakin ni Amber na Matulog na ako para maalis ang sakit ng ulo baka daw kasi hindi ako makalaban bukas ..

Kaya andito ako ngayon sa kwarto ko .. inaalala ang mga emaheng nakita ko kanina noong sumakit ang ulo ko .. ano kaya ibig sabihin noon ?? .. atsaka yung batang babae kanina .. hayy ang sakit sa ulo .. wag na ngang isipin .. magpapahinga nalang ako para bukas .. kaya umidlip na ako ..

"Princesse Catalla.."

"Princesse Catalla.."

"Princesse Catalla.."

Bigla akong napadilat nang may narinig akong boses .. nang dumilat ako wala namang ibang tao dito .. panaginip lang siguro 'yon .. pero ang lamig .. bigla akong napayakap sa sarili ko .. napatingin naman ako sa bintana .. bukas...

"Bakit bukas 'to ?? .. ang pagkakatanda ko sinarado ko naman 'to ah .." sabi ko .. sinarado ko naman kaagad yung bintana malamig nga kasi .. pagkatapos kong isara ang bintana bumalik na ako sa kama at humiga .. ano nanaman kaya ang ibig sabihin ng 'Princesse Catalla' ?? .. Ibig sabihin ba 'non prinsesa ako ?? .. hahahaha .. nakakatawang biro .. hayy .. makatulog na nga lang ulit para bukas ..

ZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz ..

▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒

A/N: Sorry nga pala kung ngayon lang ako nakapag UD tapos maikli pa .. Busy kasy eh .. Malapit na kasi ang pasukan kaya medyo busy .. tapos marami pang pinapagawa saakin .. sana wag nyong itigil ang pagbasa .. Y(^_^)Y ..

05/07/2015 (7:14 p.m)

Hillana AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon