epilogue

1.6K 39 7
                                    


EPILOGUE

Uendited...

"Ano na?" tanong ni Gina sa anak. "Ready ka na ba?"

"Y—Yes po," sagot ni John. Kanina pa siya kabado dahil buong angkan ng Villafuerte ang makakaharap niya.

"Kaya mo 'yan, nandito lang ako," sabi ni Gina at napangiti nang pagmasdan ang anak na hindi mapakali at kanina pa palakad-lakad sa sala. "Ang laki mo na. Dati naglalaro pa kayo ni Maymay ng habulan sa tabing dagat pero ngayon, magkakaanak na kayo." Naalala niya noong binabantayan nila ni Mira ang mga ito, napag-usapan nila na sana magkatuluyan ang mga anak nila at heto na nga, matutuloy na.

"Sayang at hindi makakasama si Papa," sabi ni John. Inatake kasi ng highblood kaya hindi pinayagan ng doctor na magbiyahe.

"Hayaan mo, sa kasal ninyo nandiyan naman siya."

"Salamat, Ma." Huminga siya nang malalim. "Magiging legal na talaga kami ni Maymay.

"Oo at masaya ako," sabi ni Gina na kinakabahan din. Walang problema kina Mira at Grey pero sa ibang Villafuerte, hindi lang niya alam. Malaking pamilya ang harapin nila pero umaasa siyang positibo ang magiging resulta.

"Okay na ba ang mga pagkain?"

"Yes, Ma. Wala tayong problema, masarap magluto si Pierce."

"Mabuti."

"Sasabay raw sila sa pag-alis natin."

"Good," ani Gina at napasulyap kay Maymay na pababa na ng hagdan. Naka-white dress ito na hanggang tuhod at pink doll shoes katerno ng pantali sa buhok.

"Hi, alis na ba tayo?" nakangiting tanong ni Maymay at tiningala ang kasintahang maayos na ang mukha. Humalik siya sa pisngi ni Gina at nag-abre-siete sa braso ni John.

"Tara, baka maghintay pa sila sa atin," yaya ni Gina.

"Yummy? Ang food?" tanong ni Maymay na napatingala sa kasintahan.

"Tinext ko na si Pierce, papunta na. Malapit na raw sila kaya baka mauna lang sila nang kaunti."

Alas onse ang usapan pero mas mabuting maaga pa sila.

"Yhum? Uminom ka na ba ng vitamins?" tanong ni John.

"Yes po," sagot ni Maymay.

"Yummy? Huwag mo akong pabayaan mamaya ha," pakiusap ni John. Hanggat nasa tabi at panig niya si Maymay, hindi siya matatakot sa mga ito.

"Hmm? Sure. Basta relax lang at magpakatotoo," sagot ni Maymay. "Mababait naman sila at higit sa lahat, wala silang magagawa dahil daddy ka na ng baby ko."

Natawa si John at pinisil ang kamay ng kasintahan. "Hindi naman sila nambubugbog, 'di ba?"

Si Maymay naman ang natawa at tiningala ang kasintahan. "Natatakot ka?"

"Hindi a."

"Good. Don't worry, Yummy. Walang bubugbog sa 'yo mamaya. Si Papa lang 'yon. Gusto ka nga nilang makita e."

"Thank you, Yhum," pasalamat ng binata. "Did I satisfy you last night?" bulong niya nang malapit na sila sa sasakyan.

"Medyo."

"Medyo lang? Sa ungol mo, medyo lang?"

"Heh! Tumahimik ka na nga!" saway ng dalaga.

Pinagbuksan siya ni John ng pinto kaya sumakay na siya. Nasa backseat na si Gina at nagre-retouch tapos si  John ang driver.

After 10 minutes, nakarating na sila sa loob ng gate ng mansion.

Sumabay na rin ang sasakyan ng pina-cater niyang pagkain dahil ayaw papasok ng guard sa villa kaya hinintay pa sila.

My Childhood PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon