Chapter 11: Palayain

0 0 0
                                    

Zenykiel's Pov
Isang grupo ng gangster ang kinuha ko oo kinuha ko umatras ang leader nila ng makilala ako. Delikado para sa katulad niya ang pagkilala sa gaya ko dahil segu-segundo may taning ang buhay niya kaya ipinaubaya niya na sakin. Ilan sa mga ito ay ang mga kaklase ko pero hindi nila ako kilala dahil code name ang gamit namin. ENYANGIE  ang pangalan ng grupo namin at ang code name ko ay Yunie. Ang miyembro ng mga kasapi ng Enyagie ay sina:
Yanel (Anei), Ezai (Ez), Gordon (Gord), Saie (Aie), Angie (Gie), Enyan (Eynya), Esiela (Esie), Gyuron (Uro), Nygie (Yg).

Yanel's Pov
Ako si Yanel Anei o ang tinatawag na Anei ang kanang kamay ni Leader Yunie dati ng buo itong grupo ngunit kamakailan lang ay napalitan na ang pangalan ng grupo at mas nakakagulat ang namumuno dito. Ngayon lang ako sumali ngunit alam ko ang ilan sa nakaraan ng grupong ito. Tinatawag ito noong 'LostHoxy'. Ang namumuno ay si Loxy di ko alam kung babae ba o lalaki pero paniguradong alam ni Leader Yunie yun siya pa ba e lahat alam nun natutingan pa siyang leader ng gang namin kung hindi niya alam di ba. Ng summer ay naglalagi na ko sa Underground Society ang dahilan ko sa pamilya ko para di ako makasama sa vacation nila sa mga iba't ibang lugar ay may remedial class ako. Ayun nga naglalagi ako dito alam kong delikado pero inaatake ako noon ng kuryusidad kaya napapadpad ako noong una takot ang nararamdaman ko papasok pa lang. Handa ko man ang sarili ay wala akong takas sa guwardya hindi mahigpit pero delikado tingnan ka pa lang sa mata kala mo kinakain na ang buong pagkatao mo. Minsan ako nun nakausap at sabi niya
"Kung wala kang grupo o sasalihan "wag ka nang gumalaw sa kinatatayuan mo. Maaaring isa ka sa mga traydor na hindi makakapasok sa bantay ko. Siguraduhin mo lang na hindi dahil ilang segundo katawan mo maglalasog lasog sa mga pandigmang nakatutok sayo sa malayo isang pitik lang di ka pa nakakalayo (nagpapitik siya ng kamay at) wala ka na" kabisado ko pa yung mga sinabi niyang yun. Yun din mismo ang araw na napilitan akong sumali.

Ezai's Pov
Ezai Enzel ang Ez pero hard kung labanan sa miyembro ng Enyagie. Ngayon ay kailangan naming maghintay para sa laban sa loob ng Arena. Ang gamit sa pakikipaglaban ay baril, espada, katana, at iba pa pero ngayon ang unang laban ng gangs sa unang taon  kaya ang lahat ay mano-mano lang. Nagsisimula na matatagal ang laban nila. Nakaka antok pero kailangan dilat ang mga mata. Mga kilos ang tinitingnan kinakabisado ang mga stratehiya na magagamit sa kanila sakaling makatunggali sila.

Atheziel's Pov
Bumuo ako ng gang ang pangalan ay ang METHEZIEL Gang. Si ate Metherael ay kasama ko sa gang na ito siya rin ang leader ngunit hindi siya maaring magpakilala kaya ako ang tumatayong leader ng grupo. Si Skymeriel  ay hindi sumali dahil magtatryout daw siya sa basketball. So ayun bali labing isa kami sa grupo dahil kumuha kami ng isa na papalit kay ate Metherael tuwing bawal siya makipag laban o tinatamad tulad ngayon na may laban kami. Papasuotan lang naman siya ng maskara sa mata na magtatakip sa pagkakilanlan niya. Ka hugis din naman niya kasi si ate kaya okay lang pero sa mata talaga nagkakatalo kaya yun ang tinatakpan.

King Bryltver's Pov
Pumunta ako sa Underground sa may bar station mag-iinom ako ng makapag-isip-isip . Hindi ako naniniwala sa sinabi niya na pang role play yun dahil hindi siya pumasok sa klase tulad ko. Nasasaktan ko na siya pero 'di niya pa ri  sinasabi sakin. Dapat ko na sigurong mamili ang sarili kung sino ang mamahalin ko o papakawalan ng wala ng masaktan, pero sino?
Si Qwen ba dahil nasasaktan ko siya? Si Prantz na kahit mahal ko kailangan kong palayain dahil asawa ko si Qwen?. Hayst ang gulo.

Prantzygle's Pov
Sa di kalayuan ay nakita ko si King Bryltver sa bar station umiinom ng alak. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan na tila lugmok. Ano kaya ang nangyari?. Lumapit ako ng kaunti pero sa di inaasahan na magbanggit siya ng
"Papalayain ko na kayo Prantz at Qwen" sabay agos ng mga luha niya sa mukha niya. Naaawa ako sa kalagayan niya. Bakit niya kami pinapalaya e parehas niya naman kaming pinagsasabay sabay? hindi mo na ba kaya?.. Patuloy akong lumapit at tumingala siya at sabay sabing "Masakit sakin na pakawalan kayo pero mali ang ginagawa ko'ng 'to  nasasaktan na kita Qwen" Si Qwen ang nakikita niya sakin. Si Qwen na asawa niya na  natural na nasasaktan sa pagkakaroon ng relasyon namin. Sumabat ako sa kalagitnaan ng panlulumo sa iniisip niya na ako si Qwen.
"Maling mahalin ka Bryltver  pero mahal kita kahit na sabihin na may asawa ka pa". pagmamatigas ko pero sa mga narinig ko sa kanya kanina nagbago ang isip ko kaya sabay dugtong ng
"Pero sige kung yan ang gusto mo malaya ka na. I'm breaking up with you  and I hope you know my love your always here inside of my heart. I want you to be happy, please be contented with Qwen". Hindi ko alam kung matatandaan mo pa pero handa akong ulitin ang mga sinabi ko wag ka lang mahirapan sa sitwasyon na hindi maari pero parehas natin pinasok at inangkin ka na hindi naman ako ang may ari sayo.

Nilisan ko ang lugar na iyon. Nagkulong sa isang madilim na kuwarto at doon ko inilabas lahat ng sakit na natamo sa gabing ito. Deserve kung masaktan kasi kahit alam kong may sabit pinatulan ko pa. Nag pakawalan siya ang lunas sa lahat ng sakit na dinaramdam siya na nagpapasikip sa dibdib ko ngayon. Hindi ko akalaing ako ang bibitaw kahit siya ang nagsimula. Mahal kita Bryltver pero kay Qwen ka sasaya at liligaya. Pagiyak na lang mag-isa ang magagawa ko dahil kamalian ko 'to dapat lang na ako ang umako sa mga sakit na natanggap na ni Qwen.

POWERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon