"Kung ako si Ciara, ganyan mo rin kaya ako itratrato?"
Isang tanong, at madami pang tanong na kahit na kailan hindi ko maipapangakong magkakaroon ng sagot.
Kung ako nga ba siya, ganyan ka pa rin ba?
" Paano mo malalaman ang sagot, kung wala kang lakas ng loob itanong? "
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang may biglang magsalita mula sa likuran ko, dahan dahan ko itong nilingon at tiningala.
Matangkad, moreno, katamtaman ang lapad, at hindi kaguwapuhan para sa akin. Mas guwapo pa rin si Thyre sa paningin ko no.
"E ano naman sa'yo Riche? At 'wag ka ngang bigla bigla sumusulpot, dati ka bang holdaper?"
Pagbubunganga ko. 'kala mo may balak pumatay ng tao sa gulat e, at sino ba siya para pagsabihan ako? Katabi kong lagi akong aasarin kasi magkasama nanaman si Thyre at Ciara na gagawa ng Thesis? Hindi ko kasi kailangan ng kasama no, kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako mamatay gumawa ng thesis mag-isa.
"Ewan ko sa'yo Vien, best friend mo naman 'yang si Thyre, kapitbahay mo pa. Bakit 'di mo magawang itanong sa kanya 'yang mga araw-araw mong hinaing sa buhay? School to hindi labasan ng sama ng loob. "
E gago pala to e, kung madali edi siya na sana.
"Kung parang magtatanong lang sana ng sagot sa Pre- Cal ang tanungin 'yon sa kanya, bakit hindi?"
Ewan ko rito kay Riche tingin ata sa lahat ay joke e, pasabugin ko kaya bungo nito? Baka humalakhak pa.
"Tabi nga dyan! Panggulo ka talaga!"
Tanghaling tapat ang init-init na nga pag-iinitin pa ng Riche na 'yon ang ulo ko. Napabalik pa tuloy ako sa room ng wala sa oras.
Pero minsan malaking tulong din yung pangungulit ni Riche sa akin kapag andun ako't tinatanaw sa malayo yung dalawang magkasama. Halos araw-araw ko na kasing ginagawa 'yon. Buti na lang panggulo siya, nakakaiwas ako nang kaunti.
Paakyat na ako ng hagdan papunta sa room nang tumunog ang kanina ko pa hawak ng cellphone.
"Vien, asan ka? Hindi ka ba kakain?"
Heto nanaman si Thyre sa mga paconcern lines niya, aasa ka talaga 'pag ganyan kalambing ang best friend mo.
"Wala akong gana, kayo na lang. Isusulat ko pa kasi ulit yung essay ko sa Oral Com mahaba haba rin 'yon baka hindi umabot sa time" pagpapalusot ko.
Kahit na ayaw ko lang naman talaga silang kasabay kumain kasi sobrang sakit nila sa mata.
Tumuloy na ako sa room kasi baka maabutan pa nila ako rito at iba pa ang isipin nila, baka sabihin umiiwas ako. Tama naman, pero ayokong malaman pa nila 'yon.
Ni re-write ko na rin yung essay ko kasi yon naman talaga yung gagawin ko dapat.
Hindi ko na rin namalayan na nakabalik na pala si Ciara at Thyre galing sa labas. Nabalik na lang ako sa reyalidad nang iabot ni Thyre sa akin ang paborito kong red velvet cake na halatang mula pa sa starbucks dahil may kasama pa itong iced coffee.
"Bakit 'to?"
Napatanong na lang ako out of no where kasi, bakit naman niya ako bibigyan nito di'ba?
"Busy ka kasi masyado, hindi mo na maharap kumain. Ayoko naman na nagugutom ka e mahirap hirap pa man din yung susunod na subject, mas lalo ka mahihirapan kung nangangalam sikmura mo"
Ngayon niyo sabihing hindi dapat ako nag a-assume. Ganito siya mag-act paanong 'di ako aasa? Sana gets niyo yung point ko. Kasi paasa talaga 'tong si Thyre minsan e, I mean araw-araw paasa.
BINABASA MO ANG
She Never Tell Him
Teen FictionHave you encounter a love untold? This is one of them. A story of a love that never been told, never been known, and never discussed. Storya ng pagmamahal na hindi kinayang iparamdam dahil naduduwag Read for better expirience