Since the death of his father, Yardz has taken the role of being a father figure to his younger siblings. Mahirap sa una kasi kailangan niyang unahin ang mama't mga kapatid niya bago ang sarili niya. Sampung taon siya nung ipinadala sa Sulu ang kanyang ama para manguna sa pag sugpo sa mga terorista sa lugar. Sa kasamaang palad isa ang ama niya sa mga namatay nung sumabog ang isang bomba sa isang building kung saan nagkaroon ng hostage taking. Hinostage ng mga terorista ang isang gusali kung saan pansamantalang hospital ng mga tao dun sa lugar kasama sa mga nahostage ang mga volunteer medical galing manila. Ang ama niya ang nanguna sa pag rescue. Base sa kwento ng mga saksi sa lugar nag karoon ng engkwentro sa pagitan ng militar at terorista, maraming nalagas sa pagitan ng dalawang kampo. Tumagal pa ang laban ng ilang oras bago unit unting umtras ang kampo ng mga terorista. Ayon sa report kahit may ilang nalagas sa panig ng kasundaluhan nagawa naman nilang mailigtas ang lahat ng biktima ngunit bumalik pa rin sa loob ang kanyang ama at dito na naganap ang pagsabog. Walang maka pag sabi kung bakit kinailangan pa rin nitong bumalik sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The First ReelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon