The Mesmerizing Beauty of Heart Gallery

9 0 0
                                    

Noong kapanahunan, may isang dalaga na nagngangalang Aeriel Heart Gallery. Taglay ng dalaga ang kagandahan, talento, at ugali na tunay ngang nakaka-akit sa mata ng mga tao. Halos lahat ng kababaihan sa paligid niya, mapa-bata man o matanda ay tinitingala siya dahil sa taglay niyang tinatangi.

Halos lahat rin ng bagay ay na sa-sakan'ya na ; kayamanan, talino, kagandahan at maraming kaibigan. Ngunit, may isang bagay sa buhay niya ang hindi niya pa natatamasa at nararamdam...

Pag-ibig. . .

Sapagkat, sa kabila ng lahat ng kan'yang tinataglay na katangian, meron siyang isang malalang karamdaman na siyang naging dahilan kung bakit walang nagkaka-gusto sa kan'ya na kahit isang kalalakihan.

Siya'y may isang malubhang sakit na tinatawag na "Cerebral Palsy". Isang kondisyon na umaapekto sa utak at kalamnan na siyang kadahilanan ng kan'yang pagka-lumpo.

Sa kan'yang buhay, hindi pa niya nararanasan ni-kahit isang beses ang maligawan, ang maharana, ang maka-tanggap ng regalo, at ang haplos ng pag-ibig na kay tagal na niyang hinahangad na maramdaman. Dahil sa pagkabigo, dahan dahan nang nawalan ng pag-asa ang dalaga sa ngalan ng pag-ibig. Marahan na niyang tinatanggap sa kan'yang sarili na walang nakatadhana sa sakan'ya, na walang lalaking magpaparamdam sa kan'ya ng pag-ibig na hanap-hanap niya.

"Ate, ano ba ang pakiramdam kapag ika'y na sa isang relasyon?" Nakangiting tanong ni Heart sa kan'yang nakakatandang kapatid. Tumalikod si Samantha mula sa salamin at nakangiting tumingin sa kan'yang kapatid. Dahan dahan siyang lumapit kay Heart habang patuloy na sinusuklay ang kan'yang buhok.

"Palagi mo na lang ako tinatanong tungkol diyan. Kailan ka kaya titigil?" sagot ni Samantha sabay ngiti.

"Siguro kapag nag-sawa na ako?" Pabirong sagot ni Heart. "Pero sa'king palagay, Ate. Titigil ako kapag ako na mismo ang naka-ramdam. . . Kapag na sa sa'kin na ang mismong sagot sa palagi kong tanong,"

"Alam mo, bunso? Naniniwala ako na may taong naka-tadhana para sa'yo. Na may taong dadating at ipaparamdam sa'yo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. . . " bahagyang tumigil si Samantha sa pagsasalita. Nanatili namang nakangiting nakatingin si Heart sa kan'ya at buong atensyong nakikinig.

"Ngunit ang taong iyon ay darating sa itinakdang oras. Maaaring matagal mo nang nakilala, o maaaring makilala mo sa susunod na taon, susunod na buwan, o 'di kaya sa susunod na linggo, kung maaari, bukas, o higit sa lahat. Maaaring ngayon!" dagdag pa ni Samantha.

Pabirong hinampas ni Heart si Samantha sa braso nito. "'Wag ka ngang mag-biro ng gan'yan, Ate! Pinapaasa mo ako eh!" 

"Paasa na ba ang pagsasabi ng totoo?" nang-aasar pang sumbat ni Samantha sa kan'yang kapatid.

"Hay nako, Ate! Iyong dalian na lamang sa pag-aayos ng iyong sarili. Ako'y nasasabik na tumungo sa Sining La Museo!" naiirita ngunit natatawang sabi naman ni Heart. Hindi na umimik si Samantha at nagmadali na inayos ang itsura ng kan'yang sarili. 

Nang matapos mag-ayos ng pananamit at sarili si Samantha, agad na siyang lumapit kay Heart upang alalayan ang kinauupuan nitong upuang de gulong. Sila'y agad na lumabas ng kwarto at agad lumisan ng bahay upang agad na maka-biyahe  papunta sa Sining La Museo. Umalis si Heart sa kan'yang kinauupuan at inaalalayan ni Samantha upang ito'y maayos na makasampa sa sasakyan nilang kalesa. Sumunod si Samantha sa pagka-upo at umaandar na ang kalesa. 

Sa patuloy na pag-galaw ng kanilang biyahe, ang dalawang magkapatid ay nag-uusap tungkol sa lugar na kanilang patutunguhan. . .

Ang Sining La Museo. . . 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mesmerizing Beauty of Heart Gallery [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon