Kabanata 31

99.6K 3K 5.8K
                                    

TRIGGER WARNING: Self-harm. Raped. Abuse. Suicide.




***

PART I


Zahira's POV










"Can we talk?"


I was about to leave the room when Piper came. She looks mad so I just ignored her. Ayaw kong makipag-usap sa kaniya lalo't hindi siya kalmado ngayon, siguradong hindi lang kami magkakaintindihan.


"You're really good at ignorning, huh? Anong balak mo sa kaibigan ko?" She shouted that as if we're not in the school.



I didn't bother to answer. I just stared at her.



"Higit pitong taon na siyang naghihintay at umaasa sa 'yo, Zahira! Anong balak mo, ha? Kung ayaw mo sa kaniya bakit hindi mo na lang siya patigilin? Kung hindi mo siya kayang bigyan ng assurance then tell her to stop. You are just hurting her! You are hurting my friend and I can't take it anymore. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan, umiiyak gabi-gabi just because of you. Kung wala kang balak sukliahan iyong pagmamahal niya sa 'yo just fucking tell her to stop!" She yelled again. Namumula na siya sa galit at may kumawala na ring luha sa mga mata niya. "Kung hindi mo siya kayang mahalin... andito naman ako para sa kaniya. Pero tangina, wala, eh. Ikaw talaga ang gusto niya. Kahit nasasaktan na siya hindi pa rin siya tumitigil, patuloy pa rin siyang umaasa. Tanginang luha 'to," inis na sambit niya at matapos iyon ay umalis na siya.



I let out a deep sigh. Muli akong naupo and I held my head. I didn't mean to hurt Ember. Ayaw ko siyang saktan, ayaw ko siyang nasasaktan. Hindi ko rin siya magawang patigilin just because... just because I can't. Masyado nang matagal iyong paghihintay niya sa akin at ayaw ko iyong masayang. I don't want to waste the time, effort, and patience na binigay niya sa akin at ginugol niya para sa paghihintay niya sa akin dahil siya lang ang nakagawa no'n. Siya lang ang hindi sumuko sa akin. Kaunti na lang gagraduate na ako, after that pwede na akong umamin kay Ember, maibibigay ko na iyong assurance sa kaniya nang walang takot na nararamdaman na baka hindi ko iyon magawa.



Hindi ko pa iyon maibibigay sa kaniya dahil may deal kami ng parents ko. Kailangan kong grumaduate na cum laude kapalit ng kalayaan kong pumili kung sino ang gusto kong makasama habang buhay. Kung hindi iyon mangyayari ay ipapakasal nila ako sa anak ng business partner nila and I don't want that to happen. Si Ember ang gusto kong pakasalan kaya kahit sobrang hirap at kahit masyadong mabigat iyong pressure na ibinigay nila mama sa akin ay ginawa ko ang lahat. I focused on my studies at hindi ko muna pinansin si Ember dahil alam kong andyan lang siya at sigurado akong hindi siya titigil. Sana hindi siya mapagod.



Noong magcollege ako akala ko ay titigil na si Ember but I was wrong. Hindi pa rin siya tumigil at doon ako namangha sa kaniya at kahit hindi ko sabihin ay alam ko sa sarili kong nahulog ako sa kaniya sa mga bagay na ginagawa niya, sa effort niyang paghihintay nang sobrang tagal. Humanga ako sa kaniya na kahit wala akong assurance na maibigay she still waited.



"Congrats, pres!" Bati ng lahat sa akin nang malaman nilang Magna cum laude ako.



I was so happy. Wala akong ibang naisip kundi si Ember nang malaman kong Magna cum laude ako. Finally!



"Ate Zahi, pwede ba tayong mag-usap?"



Katatapos ko lang magpasa ng application ko para sa graduation at academic awards nang dumating si Pam, iyong kaibigan ni Ember. I know what she's going through. I know what happened to her past because I accidentally heard their conversation in the comfort room when we were in high school. And I feel bad for her, she doesn't deserve what happened to her, no one deserves it.



Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon