di pangkaraniwan

39 1 1
                                    

‘Di Pangkaraniwan

“Hindi lahat ng lalaki nambababae kasi ‘yung iba nanlalaki”

-unknown-

Hindi ko alam kung dinadaya lang ako ng aking paningin ngunit sigurado akong ito’y totoo.

Alas tres ng hapon nang dumulog ang sinasakyan kong bus sa Caticlan. Medyo badtrip dahil umabot ng halos pitong oras ang paghihintay ko kasama ang mga pasahero sa barkong paglilipatan namin at pagsasakyan ng mga bus patungong Mindoro. Nakasakay kami halos alas-nuebe na ng gabi.

Sa pag-usad ng sasakyang barko ay medyo nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil nalalanghap ko ang sariwang hangin na sumasalubong sa sasakyan.

Mga ilang minuto lamang ay nasilayan ko ang isla ng Boracay na nagniningning sa kalagitnaan ng gabi. Samu’t-saring kulay ng mga ilaw, musika, nagsisiya at nagsasayaw na mga tao ang makikita roon. Base sa aking narinig ay halos mga walong-oras ang biyahe patungong Mindoro.

Mga isang-oras din ang ginawa kong pagdungaw at pagmumuni sa terrace ng sasakyan. Medyo inaantok na ako noon kaya sinubukan kong maglibot sa barko. Nasa ikalawang palapag ako noon at hindi ko na nakayanan ang aking pagod at antok. May nakita akong isang hagdan pababa sa unang palapag. Doon ko napagpasiyahan na umupo muna, mula sa itaas ay naisipan kong doon pumwesto sa unag baitang. Diretso pababa ng hagdan ay may pinto ng isang kwarto, kwarto siguro iyon ng mga trabahador doon. ‘Di ko lang alam ‘yung tumpak na term kung ano ang tawag sa kanila dahil kung lumalabas sila roon ay naka-uniporme naman sila. Nakabukas ng bahagya ang pinto nila at karamihan sa mga pasahero nang gabing iyon ay tulog na, iilan na lamang ang gising. Maalon at malikot ang barko kaya tulog-manok lang ang ginawa ko.

Sa kabila ng putol-putol na tulog ay tantiya kong nakadalawang-oras din iyon. Parang maduduwal ako noon sa sobrang hilo, di ko kasi trip ang kumain sa kasagsagan ng biyahe. Mas nakakahilo pala kapag walang laman ang tiyan.

Mayroon isang eksena ang nakaagaw pansin sa akin. Iyon ay ang pinto na nabanggit ko kanina na nakasira lamang ng bahagya ngunit ngayon ay bukas na bukas na. Dahil doon ay kitang-kita ko ang mga kalalakihang tantiya ko ay matanda lamang sa akin ng dalawa hanggang tatlong taon. Dalawang lalaki lang ang nakita ko roon at kapwa nakatatayo habang may isang kama, marami sila ‘yung iba ay malayo sa pintuan kaya dalawa lang talaga ang nakita ko.

Walang anomang kadumihan ang pumasok sa isipan ko. Kasi kung titingnan ay wala naman silang bahid ng kabaklaan, sa madaling salita lalaki sila kung pagbabasehan ay ang kanilang mga katawan, hitsura at mga galaw. At kung may gagawin man sila, ba’t kailangang nakabukas ang pinto? Tama ba ako?

Hindi ko alam king napansin nila ako, dahil noong mga oras na iyon ay iilan lamang ang gising. Hindi maiiwasang hindi ako tumingin sa pintong iyon dahil nasa harap iyon ng hagdan na kinalalagyan ko.

Iyong dalawang binata kanina na binanggit ko ay siyang nasubaybayan ko lamang, dahil  naroon sila mismo sa pintuan. May inabot iyong isa sa kaharap niya na isang bote di ko alam kung langis iyon. Naglagay siya sa kamay niya at ipinahid iyon sa hinaharap ng kaharap niya. At yung isa ganoon din ang ginawa.

Medyo asiwa ako dahil hindi ako makapaniwala. Ganoon na lamang ba sila ka-close para magpahiran ? hahahaha Pwede naman nila iyon gawin ng nagsasarili lamang.

Paubos na ba ang mga babae ? hahaha. Ayokong magcomment. Dahil sa panahon ngayon kahit sino pinapatos. Medyo napansin ako ng dalawa kaya mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa ibang direksyon. Isinara nila ang pinto ngunit nakabukas pa rin ito ng kaunti. Mula sa kinauupuan ko ay nakikita ko pa rin ang kamang sinasabi ko kanina. Humiga ang isa roon at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari at oras na rin iyon ng kanilang pagpapahinga. Bandang alas-kwatro ng umaga ay nakababa kami sa Mindoro at bumiyahe papuntang pier at ng makasakay ulit sa barko papuntang Batangas. Ibinaba kami sa Alabang Terminal mga alas-onse ng tanghali. Naroon si mama at si papa na naghihintay. Nakauwi kami sa BF homes, Paranaque City mga bandang alas-dose ng umaga. Delay palagi ang sasakyan namin kaya ganoon na lamang kami nakarating sa bahay na tinitirhan nila papa. Kaya pagdating, ang kama agad ang aking hinanap. Hahahah.

Sana nalibang ko kayo.

Vincent Bingbong Nobleta.

Ang makatang baliw ! ! ! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

di pangkaraniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon