Michelle's POV
Sabi nila kahit na anong gawin mo sa mga magulang mo, mamahalin ka padin nila. Dahil nga wala ng mas matimbang pa na pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Yun ang gusto kong isipin parati. Bawat araw na dumaan sa buhay ko yun parati ang iniisip ko. Tama nga yan, pero pano kung ampon ka lang? Pano kung sampid ka lang, at sabit sa pamilya. Na hindi ka planado o kasama sa buhay nila o sa pamilya nila.
Oo magulang ko padin sila, oo anak nila ako kahit di nila dugo ang umaagos sa mga blood vessels ko. Ganun naman diba?
Pero sa labing siyam na taon ko na dito sa mundo, ngayon ko lang narealize na mali pala ang qoute na binanggit ko kanina, maling-mali. Hindi ko alam kung anong ginawa ko, para ganitohin ako ng mga kinalakhan kong mga magulang. Minahal ko sila, kahit na pinaparamdam nila na ako'y isang sampid sa pamilya nila, na sabit lang. Halos araw-araw kong iniisip na magagawa din nila akong mahalin, tiwala lang.
Pero kahit anong gawin ko pala ganun padin, wala padin akong napala. Isang sabit, ampon, sampid lang sa kanila. Pero hindi naman ibig sabihin non na kailangan kong danasin ito.
"Michelle Jane Dela Cruz, pinapatawag ka na ni sir." Tawag sa akin ng lalakeng nakablack suit.
Tumayo ako at nagsimula ng maglakad, sinundan ko ang lalakeng nakablack suit. Nanginginig ang katawan ko, di dahil sa sobrang lakas ng aircon nila dito, kundi dahil sa kaba ko, at takot.
Takot sa sir na tinatawag ng lalakeng sinusundan ko. Nga pala, yung tinutukoy ko na ginawa sa akin ng mga kinalakhang mga magulang ko ay pinangbayad ako sa utang nila. Utang nila sa casino, sa isang lalakeng isang araw palang daw nilang kakikilala ay nakipagsugal na sila.
Oo pangbayad lang, parang isang bagay lang ako sa kanila. Masakit oo, dahil noon pa man gusto ko ng makuha ang atensyon mula sa kanila, atensyong makilala na nila ako bilang parte ng pamilya nila, na maging isang Dela Cruz, pero di yun nangyari.
Pumayag ako na maging pambayad, kahit na alam kong mapapahamak ako. Pero kahit na tanggihan ko naman ganun padin ang bagsak ko, isang pangbayad lang. Sabi ni mama dapat ko daw na sundin ang utos nila, bilang pangbayad sa mga nagawa nila sakin. Bilang bayad sa mga pinangkain at pinang-aral sa akin.
Biglang tumigil ang lalake sa isang pintuan, gumilid sya para ipakita sakin ang pintuan.
"Pasok na Michelle. Hinihintay ka na ni sir." Sabi nya, sabay hawak sa door knob at inikot ito.
Bigla naman akong kinabahan habang tinulak nya ang pintuan, pakiramdam ko papasok ako sa impyerno. Dahil wala naman akong ideya kung anong mangyayari sa akin. Diyosko kayo na po ang bahala sa akin.
Pagkapasok ko sa kwartong iyon, bigla sinara ng lalake ang pintuan. Pagka-tingin ko sa loob, isang malaking desk ang sumalubong sa akin, parang office style ang kwartong ito. Sa desk ay may isang upuan, sa kabila nito ngunit nakatalikod ito. Lumapit ako doon sa desk at saka naman umikot ang upuan. Napa-atras ako dahil sa gulat, muntikan pa akong natapilok.
Isang lalakeng nakaupo at nakagray-suit. Nakatingin sya sakin na parang sinusuri ako, pero wala naman siyang ekspresyon sa mukha nya. Tinitignan nya lang ako, nakaka-intimadate ang lalakeng ito kaya iniwas ko nalang ang tingin ko.
"Welcome Michelle." Sabi niya, napatingin ako sa kanya.
"Pa-pano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko naman. Tumayo siya at tumalikod sa akin.
"Yan pa ang tatanungin mo sa akin. Di ka ba magtatanong kung sino ako? At kung anong gagawin ko sa'yo?" Sabi nya, nakaka-intimadate pati boses nya. Lalakeng-lalake kasi ito, napaka-manly pakinggan. Napalunok na lang ako, lalo na sa part na kung anong gagawin sa akin.
"Uhm... A-ano ba ang ipapagawa mo sakin?" Tanong ko, habang kinakabahan at halos mautal na ako dahil sa takot.
Humarap na siya saka ako nilapitan. At dahil nilapitan niya ako at sobrang takot ko na, nagawa kong humakbang pa-atras. Pero patuloy pa din siya sa paglakad, papunta sa akin. Bawat hakbang nyang papunta sa akin, pa-atras naman ako ng pa-atras. Hanggang sa---
*Blag*
Natapilok ako at napaupo sa sahig, nakakahiya naman ito. Ba't ba ang malas-malas ko? Nilapitan niya ako pero tinignan niya lang ako, ganun padin ang mukha nya expressionless. Tuwid na tuwid ang tayo niya, habang nasa loob ng bulsa niya ang kanyang mga kamay. At halatang wala siyang balak na tulungan ako.
"Wala pa akong na-iisip. But one thing's for sure... Welcome to hell Michelle." Sabi niya sa akin at titig na titig lang. Nakakakot naman siya, pati boses ba naman kasi, pati titig niya.
Gwapo pa naman siya at mukhang magkasing-edad lang kami pero parang sa mga pananalita nya mas matanda sya ng kaonti. Tumalikod siya sa akin, at naglakad papalayo.
"Uhm... Ano pong pa-pangalan niyo?" Tanong ko, tutal magiging hell naman na buhay ko. Matanong na din kung sino tong napakademonyong lalakeng to.
"Vincent Gio Buenavista." Sabi niya, napatigil ako. Isa siyang Buenavista? Isa sa mga pinakamayaman at pinakaimpluwensyang pamilya dito sa Pilipinas.
At alam ko kayang niyang gawin ang lahat, kaya naman pala parang napakabossy niya, at una palang nai-intimidate na ako sa kanya dahil nasa dugo na niya pala ang isang Buenavista. Nadoble pa ang takot ko, at awa sa sarili ko dahil sa nakilala ko na ang lalakeng ito.
"So alam mo na kung anong kaya kong gawin. And from now on, call me master. And Michelle always remember you're my property. Only mine." Sabi niya, at alam ko this is the start of hell.
~End of Chapter 1
Guys yan na po ang pinakafirst na chapter. Sana magustuhan niyo, and thank you readers.
Next friday abangan niyo ang next chapter, ano kayang ipapagawa ni master kay michelle. Si michelle ba ay magiging slave na ng tuluyan? Well abangan niyo nalang, and guys vote naman kayo para masaya.

BINABASA MO ANG
Get Off My Property
RomanceI own you. You're mine, and only mine. You're my property.