Vacant namin. Nakaupo ako sa study table kasama ang mga kaibigan ko. Busy sila sa pagkwekwentuhan, habang ako naman ay busy sa pagbabasa ng manga sa tablet ko."OMG,Kim!" Niyugyog ako ng kaibigan kong si Marielle, "Yung crush ko ayan naaa! OMG!" Para siyang kinikiliting bulate at inasinan ng nakita nya ang crush nya; hindi ito exaggeration, ganon talaga siya pag kinikilig.
Hinanap ko kung saan siya nakatingin at nakita ang umpok ng kalalakihan na mukhang papunta sa cafeteria.
"Alin dyan? 'Yung matangkad?" tinuro ko bilang muwestra sakanya, umiling sya at tinuro yung lalaking may katangkaran at nakasalamin.
"Diba yun yung president ng Computer Club? Crush mo siya?"
Nakita ko siyang nagsalita noong orientation ng department namin. He's a year ahead of us; second na sya na ComSci student (ayon sa speech nya). Nagpakilala siya noon sa orientation pero di ko matandaan ang pangalan nya.
Agad tinakpan ni Marielle ang bibig ko at luminga linga sa paligid. Nung narealize nyang walang nakarinig ay tumingin sya sakin ng masama.
"Shh! Baka may makaalam! At baka marating kay Reymark, nakooo! Patay ako dun," si Reymark ay boyfriend ni Marielle, 1 year na sila. Magkaiba sila ng course. IT si Marielle (at ako) at si Reymark naman ay Business Ad. Magkalayo ang department namin kaya di sila madalas magkita pero madaming kakilala si Reymark dito kaya siguro nag-aalala si Marielle.
"Ok. I won't tell anyone then," sabi ko at nginitian nya ko sabay nagpasalamat. Bumalik na ko sa pagbabasa. Crush lang naman e, anong problema dun? Hmm, sabagay seloso si Reymark ayon kay Marielle.
Natapos na ang vacant at umattend na kami ng klase namin. Last subject na namin. Mabilis ito natapos. Naglalakad na kami sa hallway ng maalala ko ang P.E uniform kong naiwan sa locker ko. Pinauna ko na lang ang mga kaibigan ko. Hindi rin naman kami magkakasabay sa jeep dahil magkaiba ang ruta ng sa amin samantalang sa kanila ay papunta sa bayan.
Halos wala ng tao, sabagay alas cinco na. Wala naman night shift dito. Nakarating ako sa mga lockers at kinuha ko ang P.E uniform ko. Napatingin ako sa room ng Computer Club. Magkalapit nga lang pala ang lockers sa club room nila. Naalala ko ang crush ni Marielle, yun nga pala ang President ng Computer Club. Ano kayang nagustuhan niya dun? Mukhang nerd e.
Napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng club room. Nakita ko ang crush ni Marielle na gulat ding nakatingin sakin. Siguro ay di nya inaasahang may tao pa dito. Nag-iwas ako ng tingin dahil narealize kong medyo matagal na kaming nakatingin sa isa't isa.
Umakyat ang init sa pisngi ko ng narealize kong mukha siguro akong tanga. Dali daling kong ipinasok ang P.E uniform sa aking bag habang naglalakad. Dahil sa pagmamadali ay muntik na akong matalapid. Nakarinig ako ng mahinang tawa. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama.Nakaiwas ang tingin niya sakin ang nakatakip sa bibig nya; pinipigilan parin ang tawa. Bat andon pa siya?! Dali dali na akong naglakad sa hiya at inis. Nakakairita. Nagmukha akong tanga ng wala sa oras!
Late akong nakapasok kinabukasan, na-miss ko ang first class ko which is Programming at major subject pa ito. Hindi na nga ko makapagpa-run ng program tuwing hands-on ay ang baba pa minsan ng scores ko sa quiz at exams. Dagdag pa doon ang late ako lagi, sayang attendance.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kasalanan ito nung lalaking yun, buong gabi kong naalala ang kahihiyan ko kaya hindi ako nakatulog hanggang 2 am na. Tumungo nalang ako sa desk dito sa library habang ang libro ay nasa may harap ko. Narinig kong may humigit ng upuan sa harapan ko, hudyat na may umupo. Sinilip ko ito.
What the fuck?! Sya na naman! Mukhang hindi nya ko napansin at mukhang focused na focused sya librong nasa harap nya. Tiningnan ko ang librong binabasa niya, mukhang tungkol sa Java. Meh, nerd. Mukhang napansin nyang nakatingin ako sakanya at inilipat nya ang mata nya sya sakin at tinaas ang kilay.
Inirapan ko sya at tumayo. May 30 minutes pa ko bago sa next subject, sa studytable na lang ako tatambay. Bat pa kasi sa dinami-raming upuan ay sa harap ko pa!
Nung tatayo na ako ay biglang nasabit ang ID ko sa may desk, kaya nasakal ako at napaupo. Narinig ko na naman ang mahinang tawa sa may harap ko. Bwisit! Nakakainis! Tiningnan ko siya ng masama. Tumigil siya pero nakingiti parin at nakatingin sakin. Natigilan ako sa gulat. Ang..cute.
Ipinilig ko ang ulo, trying to forget what I just thought. Tanga ka,Kim! Crush yan ng kaibigan mo! Dahil lang yan sa kulang sa tulog! Get yourself together, Kimberly!
Dali dali kong ibinalik sa shelf ang libro at dirediretso sa may librarian para kunin ang library card ko. Ayokong lumingon. Ayoko dahil ramdam ko parin na nakatingin siya sakin. Bwisit siya, lahat ng katangahan nangyayari sakin pag malapit siya. Am I cursed by him? Probably.
☆
If you're reading this, thank you so much! Feedbacks are greatly appreciated! It would mean a lot. Also, kung may mistakes sa spellings or grammar please correct me. :)