Chapter 2

19 0 0
                                    

ACE's POV

Nagising ako dahil sa walang hiya kong alarm clock. Di ko naman alam kung bakit ako nakaalarm eh bakasyon pa naman. So pinindot ko lang yung phone ko para tumigil yung alarm at bumalik sa pagtulog.

After nun nagalarm na naman. Ughhh naiinis na ako ah. Kaya ang ginawa ko in-off ko na yung phone ko. Nakakainis na eh iniistorbo pagtulog ko.

Nang malapit na ako mawalan ng malay ay biglang may kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko

"HOY ACE MONTERO WALA KA PA BANG BALAK GUMISING HA? FIRST DAY MO SA SCHOOL TAS LATE KA ANO BA TANGHALI NA"

oh eh first day lang naman pala ng cla-- AY SHET MALELATE NA AKOO!!

Dali dali akong bumangon at kamalas malasan nga naman at nalaglag pa ako ng kama. Sakit tuloy ng balakang ko.

Pero ininda ko na lang yung sakit at dali daling naligo. Pagkatapos ay nagbihis at kumain na rin ako

"Hay nako ate ang bagal bagal mo talaga." - Andrei

Si Andrei yung kasunod ko sa aming tatlong magkakapatid.

"Oo nga eh. Palibhasa kasi mataba at may pimples hahahahaha" - Ian

Si Ian naman ang bunso. Sadyang saksakan ng yabang nyan at kung makalait eh akala mo ubod siya ng pogi. Pogi naman talaga siya. Sadyang ayoko lang ang ugali.

"Wag ka nga mangielam. Pag ikaw dumaan na sa stage ng puberty mas marami ka pang pimples kesa sakin"

"Asa ka. Ang mga poging katulad ko ay di tinutubuan ng pimples" - Ian

Di na lang ako sumagot at dumiretso na lang sa pag kain. At ng matapos ako ay nagtoothbrush na ko and sakto namang dumating yung service kaya sumakay na ako. Btw kasama ko pala si Andrei dahil iisa lang ang school na pinapasukan namin. Kamalas malasan nga naman dahil di na ako makakalandi hahaha joke.

Pagdating ko sa school ay hinanap ko agad ang section ko. 3 - A. Wala naman sa talino yung pinagbasehan nila ng sections. Pantay pantay naman lahat kasi bawat isang section ay may kasama sa overall top 10

Pag punta ko sa room ay sinalubong ko agad ng ngiti ang mga classmates ko.

"Ace! Omygosh dito ka tabi tayoooo" - Brianna

"Yown hahahaha namiss kita" sabay hug ko sa kanya

"Ako rin huhuhu. Grabe nakakaexcite tong school year no. Sana talaga maging masaya to"

"Sana talaga hahaha btw kamusta na pala kayo ni Marc? Going strong ba rin ba?"

"Aba oo naman hahaha grabe mahal na mahal ko talaga yung lalaking yun"

"Oo na lang hahahahahahha"

"Hahahahahahahaha *ehem* bitter *ehem*"

Di naman sa bitter ako. Pero ayoko muna pumasok sa isang relationship. Kasi nasaktan talaga ako kay Kyrie noon eh. Siya yung parang first love ko and MU. Pero ang sakit talaga na maging rebound. Kaya promise ko sa sarili ko na NO NO MUNA AKO SA LOVELIFE

After ilang ka etchosan na ginawa namin sa room ay lunch na

So nagkita kita kami ng barkada

"Ace huhuhu namiss talaga kita."-Iya

"I missed you too huhuhu tagal din nating di nagkita"

"Oo nga eh hayyy grabe may nakita na ba kayong papi?" - Anne

(A/N: papi- pogi/hot na lalaki)

"Hay nako grabe ka talaga anne puro lalaki ang hanap" - Bianca

"Hahahaha ano ba minsan na nga lang magka lovelife pipigilan mo pa. Palibhasa kasi walang lovelife HAHAHAHAHAHHA" -Anne

"Hoy wag nga kayo nagkalovelife yan no. Si Matt yung kaklase ko dati hahahaha naging MU kaya sila hahaha yieee" - Me

"Omygosh guys can we please stop this na. Past is past. Let's move on na and wala naman talaga kaming relasyon nun no. Im not even serious hahahaha" - Bianca

Ang arte talaga neto kahit kelan

"Uhuh dati kaya kung makareact ka pag di siya nakakasagot sa text mo nagpapanic ka hahahahaha aminin" - me

"Whatever ace let's go eat na nga" - bianca

So yung kumain na kami and habang kumakain kami ay biglang dumating si Chelle.

"Namiss ko kayooo" -chelle

"Awww we missed you too" - me

Ang daldal talaga netong si chelle pero di ko na rin na gaano pinakinggan kasi alam ko na yun. Bale kinekwento na lang niya sa ibang kaibigan namin. May kinwento din siya about sa ibang year kasi medyo may naging ka close siya dun tas inaasar daw ng tropa nila (mga 4th year) yung guy kay chelle.

-

After nun ay medyo okay naman tong first day. Medyo gusto ko naman classmates ko kasi wala akong kaklaseng maarte Ay joke meron pala. Pero wala namang pake samin yun. Mahilig lang silang mag paganda and loud pero masaya naman silang kasama.

* END OF CHAPTER 2 *

~~~~~

A/N:

Medyo boring ba? Okay lang yan kasi simula pa lang. Sana masubaybayan niyo hanggang huli

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon