Imaginary Friend

3 0 0
                                    

Ako nga pala si Taehyung, isang highschool student. Tahimik lang ako at lagi ako binubully sa school namin. Si lola lang ang kasama ko sa bahay. Hiwalay na rin kasi sila mommy at daddy. Pero nagbago ang lahat ng may nakilala akong kaibigan.

Sa school....
"TAEHYUNG!!" sigaw ni Won Jae na nambubully sakin sa school. "Ba-kit?" nangangatog pang sabi ko. "Ibili mo ako ng bread dun sa canteen, dalian mo!!" At dali-dali na nga ako bumaba para bumili.

Lagi na lang sa akin nangyayari to. Minsan nga sinasaktan pa nila ako kaya sinasabi ko na lang kay lola na nadapa ako pag meron akong pasa para di na siya magtaka pa. Wala naman ako magawa dahil maraming bata si Won Jae at hindi rin ako marunong makipaglaban kaya naman hinahayaan ko na lang sila.

Pauwi na ako sa bahay at puro na naman ako pasa. Kaya naman napag-isipan ko muna na gamutin muna to sa daan. Pagkatapos ko bumili sa convenience store ay ginamot ko na to sa tabi nang may biglang tumabi sa akin na lalaki na parang kasing edad ko lang. "Mukhang napaaway ka ha" sambit nung lalaki. Hindi ko lang siya pinansin at nagulat ako nang bigla niyang kinuwa ang bulak sa kamay ko. "Ganito kasi yan" at patuloy niya pa ginamot ang mga sugat ko.

"Salamat kuya" sambit ko. "Jimin ang pangalan ko tsaka magkasing edad lang tayo kaya wag mo na ako tawaging kuya. Sa susunod wag mong hahayaan na ganunin ka nila. Kung hindi mo kayang lumaban sa kanila, magsumbong ka. Ipakita mong matapang ka para tigilan ka nila. Nandito lang rin ako kung kailangan mo ng kausap. Simula ngayon magkaibigan na tayo" sabay ngiti at hawak sa ulo ko. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagpaalam na ako sa kanya at ngumiti. Gumaan ang loob ko dahil may kaibigan na ako na pwedeng tawagin. Ayy hindi ko nga pala natanong kung saan nakatira si Jimin. Sa susunod na pagkikita na nga lang namin.

Kinabukasan....
Pagdating ko sa school ay sinumbong ko na sila Won Jae sa aming guro. At balita ko ay pinatawag ang kanilang mga magulang. Masaya ako at nagkaron agad ng aksyon ang school ukol dito. Sabik na sabik na ako umuwi para sabihin ito kay Jimin at gusto ko rin magpasalamat sa kanya.

Pumunta ulit ako sa tapat ng convenience store nagbabasakali na makita ko siya. "Jimin!! sigaw ko habang natakbo papalapit sa kanya. "Salamat!! Naisumbong ko na rin sila sa wakas. Hindi na rin ako mag aalala pa dahil pinatawag na ang mga magulang nila. Lahat ng ito ay nangyari dahil sayo. Kaya salamat" paliwanag ko habang nakayakap pala sa kanya. Kaya naman bigla ko inalis ang pagkayakap ko sa kanya at nahiya.

"Masaya ako para sayo. Tara may papakita ako sayong espesyal na lugar" sabi niya na hinatak ang kamay ko. Tumakbo kami parehas hangga't sa makarating kami sa isang napakagandang lugar na hindi ko pa napupuntahan.

"Wow! Napakaganda naman. Para isang paraiso. Ang gaganda ng mga bulaklak. Ngayon lang ako nakapunta rito" sabi ko habang namamangha sa nasisilayan ng aking mga mata.

"Dahil nagawa mo maging matapang ngayon deserve mong makita to. Dito ako lagi napunta pag nalulungkot ako. Kaya ngayon binibigyan na kita ng permiso magtungo dito" banggit ni Jimin.

Pagkatapos nun ay nagduduyan-duyan kami ni Jimin habang nagkwekwentuhan. Nagtanim kami ng mga bulaklak doon. Naglaro ng kung ano-ano. Kumain at marami pang iba. Napakasaya ko nung araw na yun dahil ngayon lang ako nakaranas na gawin to kasama ang kaibigan ko. At patuloy pa kami nagpupunta punta dun ng isang linggo dahil  bakasyon kami nun. At masasabi ko yun ang pinakamasasayang araw sa buong buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Imaginary FriendWhere stories live. Discover now