BUKO LOVE STORY <3
Prologue:
Sometimes it feels like the lyrics to a song you're listening to were written just for you. :)))
It feels like every word in that describes you, what you feel and what is happening to you.
Some feel great, some feels like every single word was torturing their hearts.
Have you experienced it?
Yung tipong nakikinig ka sa isang kanta yung focus mo nasa kanta lang. Minsan yung bawat kataga sa kantang yun ang gustong ipahiwatig ng nararamdaman mo.
Napapaiyak ka, natutuwa ka. Nkakaalala ka ng mga bagay bagay. Dumarating nga minsan yung pagkakataong nkikinig ka ng kanta tas yung mga bagay na
nakalimutan muna, bumabalik bigla bigla.
Oo na sige na. Ako na super EMO. -___- Hahaha. Ganito kasi ako mahilig sa mga kanta at hindi lang basta mahilig as in iaanalyze ko pa yung lyrics pero hindi emo ha.
Nakagawa nanaman ako ng panibagong aning na istorya. Would you waste your time reading the story of BUKO LOVE STORY <3?
-------------------
***Here comes the feelings you thought you've forgotten, here comes the pain that once left you broken.
Maaari ba muna natin tong pausapan
sa dami rami na ng ating pinagdaanan
ngayon mo pa ba maiisiping isuko ang lahat
ng ating pinagsamahan
Masikip sa damdamin, hinigop ng hangin ang lahat
pinaghihinaan ng wagas
Pwede bang pagisipan wag ka munang lumiban
baka sakali na ito ay masalba
Lumalamig ang gabi hindi na tulad ng dati
Waaaaaaaaaah! Naiiyak nanaman ako it's been 1 month ng nagbreak kami ni Bryan. Oo inaamin ko hindi pa rin ako nkakaget over sa kanya.
Hindi rin kami ganun tumagal pero yung mga masasayang moments namin nakakamiss. Grabe na to tlaga. Torture na. :(
May pag asa pa ba kung susuko ka na
larawan mo ba'y lulukutin ko na
sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama damdamin mo tila'y nagbago na
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na. (On track: Pagsuko)
(a/n: Kung gusto niyong pakinggan eto yung link. Ganda to pramist. Bagay para sa mga brokenhearted at complicated ang relationships. Charot!)
So andito ako ngayon sa rooftop namin ofcourse with my bestfriend Mr. ipod. Oo ipod ang bestfriend ko talaga gaya nga ng sinabi ko kanina I LOVE MUSIC.
Sa araw araw ipod ang kasama ko kahit san ako magpunta kase lahat ng problema ko siya ang napagsasabihin ko, sa lahat nag pagluha ko siya ang nakakakita.
oo siya na talaga. Tama na nga tong kadramahan na to. I need to move on para sa akin rin to. Stop na the drama, nakakabaliw na.
I noff ko na si ipod, i fix myself para di halata na umiyak ako then pumunta na sa kwarto para matulog.
Kring! Kring! Kring!.. ( alarm clock )
Don't tell me umaga na niyan. Nakakainis gusto ko pa talaga matulog pero no choice kailangan ko na talgang tumayo.