Chapter_01

156 3 2
                                    

*Alarm clock rings*

". . ."

*Alarm clock rings louder*

"Ugh!" Nakakarindi pala itong alarm clock na 'to! (as if hindi iyon ang purpose niya, hahaha!)

Pagkapatay ko ng alarm clock ko, teka, nasaan yung cam ko?!

"Ito ba yung hinahanap mo?" Sabay pasok ng kapatid kong bunso na si Annie.

"Walang hiya ka, ginamit mo na naman yan sa mga selfies mo!" Sabay bato ko sa kaniya ng unan! Eh kasi naman eh! Balak ko kasi mag-vlog para sa YouTube channel ko.

Yep, tama kayo, isa po akong YouTuber.

"Sorry na! Pang-DP lang naman sa FB tsaka IG eh tsaka 'di ko naman binura mga videos mo." Hay talaga naman oh!

Magkaroon ka nga naman ng bunsong sakit sa ulo!

"Thanks ate!" Paglapag niya ng cam ko sa study table ko, bigla namang alis niya sa kwarto ko. Ugh!

*Turned on the record button*

"Hey what's up guys! Welcome for another video."

"I haven't posted videos lately since we moved to our new home and my mom decided to transfer me to a school named Royale Academy ... *Blah blah blah*"

Ayun na nga, nagvideo lang saglit at nagprepare na ako, kasi 8AM na at 10AM ang schedule ko sa school na yun.

Royale Academy, hmm. Mukhang pang-sosyal siya pero isa lang po akong hamak na scholar. Hindi naman kasi kami mayaman, sadya lang na naipasa ko ang exam for this scholarship so why not take it diba?!

After ko mag-ayos sakto namang kakain na kasama ang mama ko, kuya kong si Austin at si Annie.

"Oh sakto, kain na!" Alok sakin ni kuya Aus, ang panganay saming magkakapatid.

"Oh kamusta naman yung vlogs mo?" Tanong naman ni mama ko sabay abot sakin ng kape na kakatimpla niya lang para sakin.

"Okay naman, malapit na mag 1 million yung subs--"

"Yeeeey!" Bigla namang sumigaw si Annie.

"Congats celebrate tayo 'pag umabot na yan sa 1 million!" Bati naman ni Kuya.

"Ako naman bahala sa food! Basta kapag may mga sponsorships especially beauty products bahaginan mo ako ha?" Sabay tawa naman ni mama. Yep, iba po mama ko, hindi po siya napag-iiwanan ng panahon, kaya pa rin po niya makipag-sabayan!

"Oo naman ma besides hindi naman lahat ng make up magagamit ko, kumain na nga lang tayo!"

Maya't-maya, pagkatapos naming kumain ng almusal may bumusina sa labas ng bahay namin.

"School bus?" -mama

"Yan, bagong school mo yan diba?" Sabay turo ni kuya sa nakasulat sa gilid ng bus.

"Oo nga 'no."

"Hello po, is this Ruiz residence? I'm here to pick up Ms. Arianne Ruiz." Tanong ng driver kay mama.

"Uhm, yep! Teka, anak, ready ka na ba? Nandito na service niyo." Pagkasabi ni mama nun ay lumabas na ako at nag-goodbye kiss na kay mama.

"Ingat kayo anak." Nagwave na kami sa isa't-isa at lumarga na ang bus.

Pag-andar ng bus narealize kong mag aalas-dyes na pero sobrang luwag ng bus, tsaka ang fancy ng hitsura, halatang pang-mayaman yung bus, iba sa mga regular looking bus may restroom pa sa likod!

Napaka-cozy and comfortable ang bus kaya umudlip muna ako.



TO BE CONTINUED

First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon