Chapter_04

89 3 0
                                    


CHAPTER FOUR



★ Arianne's POV ★


Kumakain lang kami ni Vincent ng biglang--


"HOY PANGET! LAKAS NG LOOB MO DITO KUMAIN!" Hala!


Ang classmate naming si Merylle binubully dito sa pantry.


"Aahhhh!" Tinapunan siya sa ulo ng Spaghetti!
"Teka lang Vince ha?" Umalis lang ako para puntahan si Merylle.


Hindi ko kasi kayang tumunganga na lang sa nangyayari.


"Hindi ka nababagay dito! Umalis ka nga dit- -" Nilapitan ko yung babaeng nagtapon ng Spaghetti sa ulo ni Merylle tsaka ang mga kasama niya ...

"Anong bang problema niyo?" Kalmadong tanong ko sa babaeng ito na akala mo naman maganda!
"Arianne- -" Aawatin sana ako si Vince pero sumenyas ako na 'wag siyang mangialam dito.


Dahil away babae 'to.


"Alam niyo, kapag walang ginagawa sa inyong masama yung tao ..."


Dinampot ko yung Spaghetti sa buhok ni Merylle,


"... Pwede ba 'wag kang mangbully ng mas maganda pa sa'yo!"


Tsaka ko pinahid pasampal sa mukha niya.


"How could you! *Diring-diri sa Spaghetti* arrgh!" Balak niya rin sana akong sampalin kaso nakailag ako.

"Subukan mo kaming hawakan!" Binuhat ko ang upuan na monoblock na para bang ihahampas ko sa kanya.
"Stoooop!" Asa naman siyang ihahampas ko sa kanya ito bwahaha!


Ayokong magbayad at ma-expelled dahil lang sa upuan 'no?!


"Tutal pareho na kayong may pasta, pwede ka ng umalis?! Baka gusto mo ring hindi makalakad pagkatapos ng gagawin ko sa'yo." Umalis na sila at nakita ko naman si Merylle na umiiyak.

"Hindi ko tatanungin kung okay ka ba kasi alam kong hindi naman. Tara." Pinatayo ko si Merylle tsaka inalis ko lahat ng Spaghetti sa buhok niya.

"Maraming salamat ha, buti ka pa ..." sabi ni Merylle habang nagpupunas ng luha.

"Here's my handkie. Don't worry malinis yan." Abot ni Vince kay Merylle.

First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon