KABANATA 03: DEAL

19 1 0
                                    

"Bakit kasi tinakot niyo?"

"Hindi ako. Si Rita 'yon!"

"Sigurado ba talaga yung doktor!?"

"Yes. She's one of us, Benedict. It's just her clothes, those blood on her uniform."

Nagising ako nang marinig ang ilang pag-uusap na iyon. Nakakapanibago dahil nasisilaw ako ngayon, sa ilaw ng apat na sulok ng isang silid.

Mabuti naman at pinakawalan na nila 'ko?

Napangiwi ako sa mga mukhang nakita. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansin na wala dito yung Elise.

Nakakatrauma talaga ang isang 'yon.

"Yla. Gising ka na." Lapit sa akin ng babae.

Maasim ko itong nginitiian.

Mabilis pa sa alas kwatro akong napabangon nang maalala ang ibang pangyayari kanina bago ako mawalan ng malay.

Lumapit ako sa pinto at mahigpit na hinawakan ang door knob. "Huwag niyo akong lapitan!" Kinakabahan na sabi ko.

Napailing ang ilang kasama nito sa inasta ko, pero wala akong pake!

Paano kung bampira nga sila!? Edi mamamatay na ako...

"Yla!" Sabay-sabay na sigaw nila sa akin bago ako tumakbo nang mabilis palabas ng puting silid na iyon.

Wala nang lingon-lingon na nangyari! Basta ako, gusto ko lang makatakas... Nagtataka ako, akala ko'y nasa hospital ako? Pero tila nasa mansyon kami nang ilibot ang tingin.

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nabangga na pala ako... Sa laki at tigas ng katawan nito'y ako lang ang bumagsak sa sahig!

"What brings you here?" Malaking boses na tanong nito.

Nag-angat ako ng tingin. Pula ang mga mata nito at madilim ang aura. Nakakatakot! Biglang lumamig ang paligid nang lumapit ito sa akin.

Pero ako... mabilis na gumapang papunta sa likod ng babaeng bampira na tinakasan ko kanina at sa dalawang kasama niya.

Mas may tiwala ako sa kanila!

"Did you bring that here??" Tanong nito sa tatlong taong-bampirang nasa harap ko. Nanginginig pa ang katawan kong sinilip ang madilim na mukha nito.

"Edris!" Suway nila dito.

"What? I am asking you, you and you." Turo niya sa tatlo. Napakalamig ng pakikitungo niya! Yung tipong kahit hindi ako giniginaw, tumataas ang balahibo ko.

Sandali ito tumitig sa akin, pero mabilis akong umiwas.

"Where's mayor?" Sabad nung lalaking singkit sa harap ko.

Hindi ito sinagot ng lalaking masungit at bigla na lamang naglaho na parang isang bula.

Nakakakilabot...

Kapag naaalala ko ang mukha niya ay natatakot ako. Kahit may itsura siya, para siyang kakain ng tao! Yung hikaw niya sa tainga ay nakakasilaw, pati na rin yung hikaw niya sa labi. Yung labi pa niya... para siyang uminom ng dugo -

Hinila ako ng babaeng nasa harap ko. Kasama ang dalawang lalaking kasama niya ay pumasok kami sa isang silid.

Pagpasok ko ay lalo akong nangatog sa takot.

Doon ko nakita yung lalaking nakabungguan ko kanina, sa tabi nito ay ang medyo may edad na lalaki. Ngunit kahit gano'n, mahahalata mo pa rin ang pagkahawig nila sa isa't-isa.

Sumiksik ako sa likod ng tatlong nasa harap ko. Pilit kong iniwas ang tingin kahit alam kong tagos sa kaluluwa kung titigan nila ako.

Para akong malulusaw!

See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon