"Lexi!" sigaw ng isang batang lalaki sa isang babae di kalayuan.
Napalingon naman sakanya ang bata at matamis na ngumiti.
"Robi! Halika dito laro tayo!"
"Sandali lang!"
Nang makarating si Robi sa kinaroroonan ni Lexi agad niya itong niyakap.
"Lexi, hindi na 'ko magtatagal, magpapaalam lang ako sayo. Lexi, patawarin mo ako. Aalis na kami, pupunta na kami sa London."
Ang matamis na ngiti ni Lexi ay napawi. Napalitan ito ng luha.
"Bakit ka ganyan Robi?! Akala ko hindi mo ko iiwan! Ang sabi mo.. diyan ka lang palagi sa tabi ko! Bakit ngayon nagpapaalam ka?!"
"Lexi sorry.. Lexi babalik ako. Promise! At pagbalik ko ulit dito, ipinapangako ko, hindi na 'ko aalis pa sa tabi mo. Mahal na mahal kita Lexi."
Labing-isang taong gulang na silang pareho. Kahit bata pa'y mayroon na silang pagtingin sa isa't-isa. Oo, masyado pa silang bata.. Siguro nga ito yung tinatawag nilang 'puppy love'. Pero wala lang yon sa kanila. Basta't mahal nila ang isa't-isa.
Nagpunas ng luha si Lexi at tinignan niya si Robi, "Pangako Robi?"
"Pangako Lexi. Mayroon pala akong ibibigay ako sayo.."
Kinuha ni Robi ang kwintas na may pendant na susi sa kanyang bulsa, pagkatapos ay isinuot niya kay Lexi. Kay Lexi na mahal niya..
"Ayan! Bagay na bagay sayo Lexi.. Palagi mong isusuot yan ha? Dalawang kwintas yan, yung isa puso, at iyon ay ang suot ko ngayon" pinakita niya ang suot-suot niyang kwintas na may pendant na puso.
"Ang susing yan, ang susi sa puso ko. Ikaw lang Lexi, ikaw lang ang tanging nagmamay-ari ng puso ko. Ikaw ang susi. Kapag wala yan, hindi mabubuksan ang puso ko. Kaya ipangako mong hindi mawawala yan ha? Mahal na mahal kita Lexi. Always remember that okay? Pinky promise?"
"Ipinapangako ko Robi, aalagaan ko ang susi na ito. Mahal na mahal din kita. Ingatan mo ang sarili mo ha? Mamimiss kita.. sobra. Yes, pinky promise.."
[A/N: Hey guys. Hey JD fans out there, kindly help me to make a cover? Please please? Pm lang. Thanks.]