Robi.
10 years ago magmula nung nagkita tayo. Naaalala mo pa kaya ako? Makikilala mo pa kaya ako? Tatanggapin mo ba ako kapag bumalik ulit ako sa buhay mo Lexi?
"Anak? Okay ka na ba? Magready ka na ha? Mamaya parating na yung susundo saatin."
"Alright."
Nandito kami sa airport. Kararating lang namin sa Pilipinas. At ang plano ko? Hahanapin ko muna si Lexi.
~~~~
Nandito na kami ngayon sa bahay. And as usual, bati here, bati there ugh. I am really tired.Kinuha ko ang picture namin ni Lexi sa drawer ko.
Napangiti nalang ako. Pero agad din itong napalitan ng lungkot. Miss na miss na kita Lexi. Miss na miss na kita.
Lexi
"Girls? Tara, lets go shopping."
"Pass muna ko ngayon girls. May family dinner kami ngayon eh. Bye muna ha? Ingat kayo."
Okay, this is my first time na hindi sumama sakanila. Ugh. I really hate my dad for having that effin family dinner. What's that all about ba? It's so frustrating.
"Okay girl. See you tom. Take care."
Sumakay na ako sa kotse ko. Yep, mine. Pero hindi ako ang nagmamaneho. 1 year more pa. I am only 17. Duuuh.
Makapagsounds na nga lang, I was about to get my headset ng may nahulog from my bag. Yung kwintas na bigay ni Robi. My childhood sweetheart. Haaay Robi, nasaan kana ba? Babalik ka pa ba?
"Ma'am Lexi, pasensya na po. Nasiraan po kasi tayo. Ayusin ko lang muna po."
Tumango lang ako sakanya at saka lumabas ng kotse.
Maya-maya may lumapit saamin ni Manong.
"Need help?"