HINDI ko ine-expect na magkakaroon ako ng interes sa online games, especially sa Hunter Online (since iyon ang nilalarong game nila Sandro). I even conducted a research every after class para lang ma-gets ang concept ng Hunter Online.Apparently, isa siyang open world game na may iba-ibang job classifications. Every 6 months ay nagaganap ang tournament kung saan maglalaban-laban ang malalaking teams. Gaganapin ang season 2 tournament next month sa Skydome kung kaya't ina-anticipate ito ng maraming gamers.
"ALTERNATE." Pagbasa ko habang nilalaro ko ang ballpen sa kanang kamay ko. I read some information about them. Since season 1 ay lumalaro na ang ALTERNATE sa mga tournament and currently, it belongs to the top 10 teams in the gaming world. Top 1 ang Daredevils at top 2 ang Black Dragon.
"Alexandro Ysmael Del Rosario." Pagbasa ko sa pangalan ni Sandro habang tinitingnan ang profile niya sa page ng ALTERNATE. "That's a unique name, saka mahaba. Hindi ba siya nahirapan magsulat ng full name niya tuwing may Quiz at exam?"
He is 20 years old (2 years older than me) and one of the strongest member of ALTERNATE. He have great command skill daw and baka siya raw ang papalit sa Captain nila si Dominic kung sakaling mag-retire ito. May fun fact pa na siya raw ang may pinakamaraming kaibigan na Esports player dahil sa personality niya and voted as one of the nicest player sa mundo ng ESports.
Obvious naman, sobrang approachable niya sa Baguio and ang gaan lang din magkuwento sa kaniya. Noong sinabi niyang no judgment, talagang wala akong narinig na kahit anong pangja-judge mula sa kaniya.
"Ay kapagod mag-exam!" Biglang bumukas ang pinto ng dorm at pumasok si Jessa na room mate ko. Dali-dali kong isinara ang laptop ko. "Ano 'yan? Bakit may pagsara? Nanonood ka ng porn?"
"Gaga. Doon ka na nga!" Reklamo ko sa kaniya. Ngumisi si Jessa at lumapit sa akin.
"Hindi ako papayag na hindi ko nalalaman 'yang nagpapa-panic sa 'yo." Hinitak niya papalayo ang swivel chair na inuupuan ko dahilan para gumulong ako paalis sa harap ng laptop. She opened my laptop at bumungad sa kaniya ang picture ni Sandro with information. "Sandro? Sino naman 'tong chupapi na 'to?"
"Wala 'yan!" Pinagulong ko ulit ang swivel chair pabalik.
"Type mo?" Jessa asked at umalis na sa harap ng laptop. "Sa bagay, ang popogi rin naman ng mga esports players, 'di kita masisisi. Pero bakit ka naman naging interesado sa kanila? Naku, 'te, mahirap magjowa ng mga ganiyan. Daming fans, daming kaagaw."
"Bakit kay Cha Eunwoo marami ka rin naman kaagaw, ah!" Pagbabalik ko.
"Bakla, matagal na akong delulu. Saka tanggap ko na never magiging kami kahit asawa ko siya. Alangan namang pumatol si Cha Eunwoo sa babaeng babagsak na sa Trigonometry." Kumuha ng damit si Jessa at saglit na nagbihis sa banyo.
"May alam ka sa ganito? Esports?" Tanong ko kay Jessa noong makalabas siya.
Inayos niya ang damit niya. "Kaunti. May ex akong player ng Hunter Online. Saka sumisikat na sa Pinas ang ganyan ngayonc. Nakita mo ba 'yong poster ng Oppo doon sa mall diyan sa malapit? Black Dragon 'yon. Pogi nga ni Callie, eh." Itinuro niya ako. "Oh, walang agawan. Cute kasi niya, eh. Tapos mukha pang mabait, parang siya lang ang hindi mayabang sa Black Dragon."
"Hindi naman ako interesado sa Esports players."
"Bakla ka! Ang laki-laki ng mukha ni Sandro diyan sa screen mo tapos hindi ka interesado? Aminin mo na, happy crush. Huwag mo nang niloloko ang sarili no, liliit dede mo sige ka." Pagbabanta niya at natawa ako. Dalawa lang kami rito sa dorm malapit sa Northford Unuversity.
This is not a big room naman, studio type lang ito at sa bunk bed kami nakahiga. I am occupying the upper bed habang siya ay sa baba. May maliit lang kaming desk as a study/work area at minsan dito na rin kami kumakain.